MULA sa mahaba-habang bakasyon, muli nating bibigyang-buhay ang “Burdado.”
‘Yan parekoy ay bilang patunay na hindi tayo kasama sa mga naging casualty sa “Mamasapano.” Ehek!
Sa usaping Mamasapano, ito lang ang ating masasabi.
Doon niyurakan ang ating mga batas, pinaslang ang ating mga pulis at binalasubas ang “protocol” ng ating pamahalaan.
‘Yan ay dahil sa milyones na salapi na nakapatong sa ulo ng demonyong teroristang si Marwan na halatang inimbot ni Purisima!
‘Wag na nating pag-usapan ang pagyurak sa ating mga batas. Dahil nakalulungkot isipin, parekoy, na ang ating kapulisan na maghahain ng Warrant of Arrest sa demonyong terorista ay kinakailangan pa palang magpasintabi muna sa MILF na “kalaban” ng pamahalaan!
Na noong hindi nila ito ginawa ay walang habag na sila ay kinatay ng mga moro.
Ang pag-usapan na lang natin, parekoy, ay ang katarantaduhan ng noon ay suspendidong PNP Chief at kung paanong ang ating Pangulo ay kitang-kita na nagmukhang abnoy na pinaiikot lang sa palad ni Purisima!
Saan ka makakikita ng isang suspendidong opisyal na siya pa rin ang nagmaniobra sa ating kapulisan?
Sa nasabing operasyon ng SAF ay binulag niya ang “Acting PNP Chief” at maging ang Kalihim ng DILG na si Marwani, este, Mar Roxas!
‘Yan, parekoy, ay dahil masyado nang halatain na pinagbibigyan ni PNoy ang mga kapritso ni Heneral Purisima!
In-short, dahil sa Mamasapano incident kaya nabisto na ang “beauty” ni PNoy ay sunudsunuran pala sa poging si Purisima.
Dahil sa Mamasapano ay nabulgar na may mahahalagang operasyon pala ang kapulisan na hindi alam ng mismong pinuno ng DILG. At kapag nagkataon ay ang Mamasapano incident ang magiging dahilan kaya mapatatalsik si Pangulong Noynoy.
Dahil d’yan, nakikiramay tayo sa pamilya ng mga biktima sa Mamasapano.
Pero kung magiging daan ito para maituwid ang maraming mali. . .maaaring may basbas ito ng langit!
-o0o-
Nagyayabang ang lotteng operator sa erya ng Northern Police District (NPD) na hindi kayang ipatigil ninuman ang kanyang iligal na operasyon sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela.
Ang tinutukoy natin, parekoy, ay ang gambling lord na si alyas Jun Moriones na maliban sa iligal na gawain ng hinayupak ay matindi rin kung magbitbit ng pangalan ng kanyang mga konek.
Ayon sa katiwala ni Moriones na si “Roderick,” maliban sa regular na parating ng kanyang amo sa mga nagpapakilalang “bagman” ng mga alkalde sa Camanava ay bundat din umano kay Moriones ang Director ng NPD. Hmmm, iligalistang mayabang ha. . .
Abangan! BURDADO/JUN BRIONES
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment