Wednesday, February 25, 2015

Texters, taob din sa Kia

ISANG ‘powerhouse’ na naman ang pinataob ng KIA Carnival sa 2015 PBA Commissioner’s Cup elimination round sa Smart Araneta Coliseum.


Tinalo ng koponan ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang Talk ‘N Text Tropang Texters sa iskor na 106-103, at tinanghal bilang Best Player of the Game si Hyrum Bagatsing na bumira ng 7-of-8 mula sa 3-pt. area.


Nagtala naman ng double-double si Kia import Peter John Ramos ng 24 pts. at 25 rebounds para itarak ang kanilang 3-4 win-loss record sa liga.


Nag-ambag din sina Leo Avenido ng 16 pts. kabilang ang 4-of-6 mula sa arko, habang may tig-10 puntos sina Kyle Pascual, Reil Cervantes at Virgil Buensuceso.


“Dininig ng Panginoon ang panalangin namin,” ani coach Manny. “Maganda ang resulta ng aming training. At naroon na ang kumpiyansa ng team.”


Lamang ng isa ang Carnival nang ipasok ni import Ivan Johnson ang dalawang free throw na nagbigay sa kanila ng lamang, 96-95, may 3:06 na lang ang nalalabi.


Matapos ito, magkasunod na isinalpak nina Bagatsing at Avenido ang tig-isang tres, 103-98, may 1:45 na lang sa orasan.


Mas lalong pang nabanat ang kanilang lamang nang maka-iskor si Ramos sa depensa ni Ranidel de Ocampo, 105-98, sa 1:13 natitira sa game clock.


May 40 segundong nalalabi, binalot pa ng kaba ang Kia nang makapukol ng tres si Larry Fonacier, 106-103, at dalawang sablay sa free throw ni Avenido.


Sa huling segundo ng laro, hindi naipasok ni De Ocampo ang pantablang tres at umuwi ang Texters na may 5-2 win-loss record kasunod ng Meralco Bolts na may 5-1 record.


Nagtala ng 24 puntos si Castro, habang may 21 puntos naman si Johnson.


Matatandaang tinalo rin ng Kia ang 2015 Philippine Cup champion San Miguel Beermen kasunod ang panalo kontra sa 2014 Grand Slam team Purefoods Star Hotshots (na dating San Mig Super Coffee Mixers). GILBERT MENDIOLA


.. Continue: Remate.ph (source)



Texters, taob din sa Kia


No comments:

Post a Comment