Sunday, February 1, 2015

Kelot, dakip sa nakaumbok na baril

BAGSAK sa kulungan ang isang 33-anyos na binata matapos mahulihan ng baril sa isinagawang operasyon sa Sta. Mesa, Maynila.


Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 (Illegal possession of firearms and ammunitions) ang suspek na si Segundino Postanes, walang trabaho ng 365 Parcel St., Tondo, Manila dahil sa reklamo ng residente sa lugar.


Sa report ni Supt Fernando Opelano, Station Commander ng MPD-Station 8, dakong 8:30 ng gabi nang arestuhin ang suspek sa Anonas St., Sta Mesa, Manila, malapit sa Polytechnic University of the Philippines (PUP).


Nauna rito, nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng MPD-Anti Crime at Station Anti-Illegal Drugs (SAID) sa pamumuno ni PO2 Gabriel Nadap at PO1 Kirby Latonero dahil sa sumbong ng mga residente sa lugar kung saan laganap umano ang holdapan at snatching.


Isang barangay offcial ang nagsumbong sa dalawang pulis na napuna ang suspek na kahina-hinalang ang ikinikilos at may nakaumbok na baril sa tagiliran.


Dahil dito, sinita ng dalawa ng suspek kung saan nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang kalibre .38 at live ammunitions.


Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa detention cell ng MPD-Station 8. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot, dakip sa nakaumbok na baril


No comments:

Post a Comment