Sunday, February 1, 2015

Ilang magsasaka, nagpakalbo bilang pakikidalamhati sa nasawing SAF

BILANG pakikidalamhati, nagpakalbo ang mga magsasaka mula sa Central Luzon sa harap ng gate ng Camp Crame, Quezon City kaninang umaga, Pebrero 2, 2015 (Lunes) dahil sa brutal na pagkasawi ng mga miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) commandos sa umano’y misencouter sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.


Isinagawa ang pagpapakalbo ng nasabing mga magsasaka sa gate 1 ng Camp Crame at nakahilera sila sa mga upuan kasama ang dating alkalde ng Candaba, Pampanga na si Jerry Pelayo dakong 6:00 ng umaga.


Nanawagan ang mga magsasaka kay Pangulong Noynoy Aquino na bigyang-linaw ang mga tanong hinggil sa umano’y misencounter sa Maguindanao bago mag-anibersaryo ng EDSA People Power sa Pebrero 25, para mabigyang hustisya na umano ang 44 na nasawing SAF at maibsan na ang sakit na nararamdaman ng mga naulila.


Nag-alay din ng mga bulaklak at nagsindi ng kandila ang mga magsasaka bilang pakikidalamhati sa mga nasawing SAF. SANTI CELARIO / JUN MESTICA


.. Continue: Remate.ph (source)



Ilang magsasaka, nagpakalbo bilang pakikidalamhati sa nasawing SAF


No comments:

Post a Comment