SINO ang itatalaga ni Pangulong Noynoy Aquino na kapalit ni resigned Philippine National Police Director General Alan Purisima?
‘Yan ang inaabangan ngayon ng sambayanan na naiinip na sa malapagong na desisyon ng Pangulo sa pagpili ng bagong PNP chief.
Sa kasalukuyan, si deputy director general for administration Leonardo Espina ang umaaktong pansamantalang hepe ng Pambansang kapulisan.
Pero sa designasyon na officer-in-charge, katiting lamang ang magagawa dahil may limitasyon ang kanyang appointment.
Sa rami ng problemang hinaharap ng kapulisan, kailangan nang magtalaga si Pangulo Aquino ng bagong PNP chief.
Ang pagpili ng PNP chief ay isang bagay na dapat na mapag-isipang maigi ng anak nina Ninoy at Cory.
Ang kanyang pagkakamali ay lalong magpapasiklab sa nagpupuyos na damdamin ng sambayanan na labis na nasaktan sa nangyari sa Mamasapano.
Hindi rin nakasisiguro si Pang. Noynoy sa katapatan ng PNP dahil hanggang ngayon ay nakatatak pa rin ang pagkamatay ng 44 nilang kabaro.
Kung seniority ang magiging basehan, si Gen. Espina ang dapat pumalit na PNP director general kapalit ni Purisima.
Subalit, dahil sa Hulyo ay magreretiro na si Espina, kaya maaaring piliin si deputy director general for operations Marcelo Garbo.
Pero sa darating na Marso 2016 ay magreretiro na rin si Garbo.
Maaaring isaalang-alang ng Pangulo ang ibang contenders – maliban kina Espina at Garbo – dahil sa darating na taon ay maituturing na kritikal dahil sa May 2016 elections.
Malakas na contenders din sina police director Ricardo Marquez at CIDG director Benjamin Magalong.
Si dating Region 3 director C/Supt. Raul Petrasanta, tulad ni Purisima ay malapit sa Pangulo, ang sinasabing ‘number 1 choice’ ni PNoy.
Pero dahil suspendido rin, hindi siya pwedeng maitalagang bagong PNP chief.
Sa mga nabanggit na aspirants, si Espina ang may ‘K’ na maging PNP chief. Ito ay kung nababasa ni PNoy ang damdamin ng kapulisan at taumbayan.
Kahit na kasi OIC lamang, nakita ng sambayanan kay Espina ang pagiging totoo at magaling na pinuno ng 150,000-strong PNP force.
Ika nga ni idol Ted Failon, “You know what I’m sayin.”
Sana ‘di maging abnoy ang desisyon sa pagpili ng papalit kay Purisima. CHOKEPOINT/BONG PADUA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment