ISANG 66-anyos na lola ang patay matapos barilin ng riding-in-tandem sa Bgy. Piaz na bayan ng Villasis, Pangasinan.
Kinilala ni Villasis deputy police head Sr. Insp. Larry Noble ang biktimang si Gloria de Guzman.
Sa inisyal na ulat, malapitang binaril ng isa sa hindi pa nakikilalang mga suspek ang biktima malapit sa bahay nito.
“Malapitan po siyang binaril kasi naroon siya malapit sa kanyang bahay doon sa may store. Pagkatapos, nilapitan ng dalawang lalaki, na ang akala nila maniningil lang sa lending,” ani Noble.
Ayon sa pulisya, dead-on-arrival si De Guzman sa pinakamalapit na ospital dahil sa masamang tama nito sa mata.
Sa ngayon, iniimbestigahan na kung ano ang motibo sa pamamaril. ALLAN BERGONIA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment