MAY nag-post sa aking Facebook Account tungkol sa Kristiyanismo at Islam. Laman din ng kanyang o kanilang impormasyon ang kasaysayan ng bansa bago pa man sakupin tayo ng kolonyalistang Kastila, Amerikano, Hapon at ngayon, Amerika uli.
Mahalaga ang kasaysayan. Mataas ang pagkilala natin diyan na tayo mismo ay sangkot sa pagsaliksik sa ating nakaraan. Marami sa itinuro sa amin noong elementarya hanggang kolehiyo ay mali!
Sa punto ng nag-post sa aking FB, ang mga tao raw noon sa ating Republika ay pawang mga Muslim bago pa man dumating ang mga Kastila.
Katunayan aniya ay Taon 1300 pa raw ang Islam sa bansa kumpara sa Kastila na noon lamang 1521, matapos maligaw rito si Ferdinand Magellan at mapatay ni Datu Lapu-Lapu.
Isang mataas na paggalang sa nagbahagi ng kasaysayan. Ano nga ba at sino tayo noon? Muslim ba o Filipino? Para tuloy ang tanong ay, “ano ang nauna, itlog o manok?”
Obviously, ang natanggap ko ay mula sa mga kapatid natin na Muslim. Salamat.
Sa kanilang tala ng kasaysayan, taong 1300 ay dumating ang isang prinsipe o Imam sa Sulu mula Saudi Arabia. Nagpakalat ng aral tungkol kay Propeta Mohammad at sa Banal n Q’uran. Mula roon, nagsalin ang aral sa maraming bahagi ng Mindanao at niyakap nga nila ang Islam. Karapat-dapat.
Ang Kristiyanismo, anila, ay 1521 lang at pinayuko ang mga MAHARLIKA, iyan noon ang tawag sa atin dahil sa monarkiyang mukha ng bansa. Monarkiya dahil may Datu, Rajah, Lakan, Apo, Ama, at iba pa. Iyan ay mula sa dulo ng Luzon hanggang dulo ng Mindanao.
At kung ang batayan ng nagpadala na tayo lahat ay pawang mga Muslim dahil sa tanda ng taon (1300 kumpara sa 1521), paaano ang mga naunang taon? Muli, ang intension natin ay pagtutuwid ngunit hindi pagmamagaling.
Simple lang. Kung noong taon 1300 nabasbasan tayo ng Islam, sino tayo bago ang panahon na iyon?
Hindi muna natin lalawakan ang usapin pero tiyak sa mga susunod na kolum ng BALETODO ay maglalahad tayo ng kasaysayan tungkol sa atin.
Isa lang muna. Bago pa man dumating ang mga Arabo, Kastila, Amerikano, Hapones – tayo ay may sarili ng kakilanlan at noon pa man ay sentro na tayo ng kalakalan sa mundo.
Nauna ang Dutch, Britanya, Europa at Intsik bilang mga kanegosyo sa paraan ng “barter trade system” dahil hindi pa uso ang pera-pera noon.
Pero malinaw sa maraming talaan ng kasaysayan, ang pagkakilala sa atin ng mga dayuhan ay mga DUGONG MAHARLIKA sa rehiyon ng Asya ngayon. Saliksikin natin.
Muslim? Filipino? Hindi po. Tayo ay mga MAHARLIKA! BALETODO/ED VERZOLA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment