Wednesday, February 25, 2015

4 patay, 4 sugatan sa pamamaril sa La Union

SINISIYASAT na ngayon ng pulisya ang pamamaril na ikinamatay ng apat na katao kabilang ang tatlong-taong gulang na babae, habang apat naman ang naitalang sugatan sa Bgy. Capas sa bayan ng Agoo, La Union.


Isa sa mga suspek ay kinilalang si Demetrio Gayo kasama ang tatlo pa nitong mga anak na naninirahan din sa nasabing lugar.


Ayon sa Agoo Municipal Police Station, bago naganap ang krimen, nag-iinuman umano ang mga suspek at mga biktima matapos mailibing ang kanilang namatay na kaanak.


Bigla na lamang umanong nagkagulo ang mga ito dahil sa kanilang kalasingan at iringan na sinundan ng walang habas na pamamaril ng suspek.


Agad namang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang mga biktima, ngunit agad binawian ng buhay ang apat sa kanila dahil sa tinamong malubhang tama.


Nananatili pa rin sa Ilocos Training and Regional Center ang apat pang sugatang biktima dahil sa maselang sitwasyon ng mga ito.


Samantala, nagpapatuloy pa rin ang manhunt operation ng pulisya laban sa mga mag-aama matapos ang ginawa nilang krimen.


Isa sa mga tinitingnang motibo ng mga awtoridad ay ang matagal ng hidwaan at iringan sa pagitan ng mga ito. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



4 patay, 4 sugatan sa pamamaril sa La Union


No comments:

Post a Comment