Tuesday, February 24, 2015

15-anyos, biyak kay lolo

KASONG rape ang kinakaharap ngayon ng isang 52-anyos na lolo matapos akusahan ng panggagahasa ng maraming beses ng apo sa Ricarte, Diffun, Quirino.


Ani P/Chief Insp. Cleto Arnel Atluna, hepe ng Diffun Police Station, niyaya ng suspek ang kanyang apo sa kanilang bahay ngunit nakita sila ng tiyuhin ng biktima na siyang nagsumbong sa ina nito.


Umamin ang dalagita sa kanyang ina na may nangyari sa kanila at maraming beses na siyang ginagahasa ng kanyang lolo na nagsimula noon pang nakaraang taon.


Ayon pa sa biktima, madalas siyang alukin nito ng P50 kapalit ng pakikipagtalik sa kanyang lolo.


Hindi umano matandaan ng biktima kung ilang beses nang may mangyari sa kanila ng lolo na ang pinakahuli’y noong Pebrero 22, 2015.


Lumabas din sa pagsusuri na mayroong laceration ang dalagita at mayroon pang naiwang semilya sa maselang bahagi ng kanyang katawan, palatandaan na siya’y ginahasa. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



15-anyos, biyak kay lolo


No comments:

Post a Comment