Monday, February 2, 2015

DUGONG BUGHAW TAYO

MARAMI ang kritiko na lumutang matapos ang kasalang DONGYAN o Dingdong Dantes at Marian Rivera.


Ang dahilan ay ang tempo ng mga mamamahayag ng sining at artista na tinawag ang kasalan na “royal wedding”.


Ang nakatutuwa, mga kilalang tao sa sektor ng kasaysayan ang ilan sa pumuna sa kasalang DONGYAN.


Bakit daw tinawag ito na “royal wedding”, eh, hindi naman tayo isang monarkiyang bansa?


Teka, teka po. Siguro balik-aral tayo sa ating kasaysayan. Kailan ba tayo naging Filipino?


Sa awit ni Yoyoy Villame, sumalangit nawa, tayo’y pinuntahan ni Ferdinand Magellan na isang Portuges, hindi siya Kastila, na noon ay naglilingkod sa miltar ng Espanya noong taong 1521.


Kahit wala pang selpon noon, mabilis niyang naiparating sa Spain ang pagdaong niya sa ating lupain na noon ay kasapi ng rehiyong Malaya.


Malas lang niya dahil natigok siya ng makabayang si Rajah Lapu-Lapu. Nang dumating pa ang tropang Kastila, dala na nila ang krus at kanilang pananampalataya.


Binola ang balangay nina Datu Humabon at ilan pang pinuno, hayun, nagkabinyagan na – Kristiyano na ang mamamayang Malaya o Maharlika.


Iyan tayo noon.


Basahin natin ang buong kasaysayan ng ngayon ay bansa natin na Pilipinas.


Hinalaw ito bilang “regalo” nina Goiti et al sa kanilang hari noon na si Haring Felipe.


Kasi raw, sila ang nakatuklas sa atin na pawang Maharlika noong panahon na iyon.


Mula Hilagang Luzon, Maynila, Timog Luzon, Visayas at Mindanao ay pinamumunuan ng mga Rajah, Datu, Apo, Lakay at iba pa na mga titulo depende sa rehiyon.


Sina Apo Diego Silang ng rehiyong Ilokos hanggang sa angkan ni Datu Kiram sa Sulu.


Ngunit dahil nga sinakop tayo ng Kastila noon, binura nila lahat ang titulo ng mga namumuno sa Maharlika.


Ginawang Filipino ang Filipinas na noon ay Malaya.


Sa ating mga taga-ukit ng kasaysayan, kayo na ang bahalang humusga at magtama.


Pero ang mga Filipino noon hanggang ngayon ay pawang mga DUGONG BUGHAW!


Samakatwid, tama ang mga nagbansag sa “royal wedding” nina DONGYAN dahil tayo ay mga DUGONG BUGHAW.


Lamang, dahil sa mga imbesil at inutil na politiko, binaboy nila ang buhay ng bansa at taumbayan.


Kabi-kabila ang nakawan at katiwalian. Talo pa nila ang mga linta sa pagsipsip ng dugo natin.


Wala na, tira pa!


Marami ang nagsusulong ng pagbabago. May radikal. May moderato. May mga makabayan. May matatalino.


Makabubuti sigurong isabay ang pagtatama kung sino talaga tayo. DUGONG BUGHAW? BALETODO/ED VERZOLA


.. Continue: Remate.ph (source)



DUGONG BUGHAW TAYO


No comments:

Post a Comment