NANINIWALA ang isang political analyst na dapat nang magbitiw sa puwesto si Interior and Local Government Sec. Mar Roxas.
Ayon kay University of the Philippines (UP) Prof. Clarita Carlos, inamin mismo ng kalihim na wala siyang alam sa ikinasang operasyon ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano na nauwi sa engkwentro sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Si Roxas, walang alam? Aba’y tanga, hindi po ba?
Sinabi pa ng propesor, kung may natitira pang respeto sa sarili at may kahihiyan ay dapat na raw kumalas sa Gabinete ni Pangulong Aquino ang mister ni Korina Sanchez. Bakit hinayaan ni Roxas, bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government, na paglihiman siya tungkol sa operasyon?
Wala nga ba talaga siyang alam o sadyang nagtatanga-tangahan para lang may mapagtakpan?
Ngunit heto ang tanong: Magbitiw naman kaya si Roxas sa Department of Interior and Local Government at isantabi na ang kanyang ambisyon sa 2016 presidential elections?
Sa ating palagay mga suki, imposible siyang mag-resign.
Noon ngang nangyari ang trahedya sa paghagupit ng ‘Yolanda’, kitang-kita ang mga kapalpakan ni Roxas sampu ng mga Gabinete ni PNoy.
Libo-libo ang namatay sa hagupit ng bagyong Yolanda pero nagagawa pa niyang mamulitika.
Sa kapal ng mukha ni Mar na mas makapal pa yata sa suwelas ng tsinelas na ipinamimigay ni Korina, hindi na siya tatablan ng kahihiyan. Pustahan pa tayo, sunugan ng bahay!
***
Hindi lang dapat si Roxas ang mag-resign.
Kung iiral lang ang hiya sa mga opisyal ng pamahalaan, mauubos ang mga walanghiya.
Una siyempre riyan si PNoy.
Pero itong si PNoy ang pinagmanahan ni Mar. Si PNoy ang hari ng makakapal ang mukha sa kanyang administrasyon.
Pangalawa si suspended PNP chief, Director General Alan Purisima.
Ikatlo ang akting-aktingang hepe ng PNP na si Leonardo Espina.
Hindi siya marunong umakting kaya ang pagpapanggap niya na walang alam sa Mamasapano operation ay halatang-halata.
Hindi lang ang bumbunang manipis ang ginagaya niya kay PNoy kundi pati ang pagiging sinungaling nito.
Magsama-sama kayo, mga king na n’yu! KANTO’T SULOK/NATS TABOY
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment