Wednesday, February 25, 2015

5 ASG, 2 sundalo, lagas sa bakbakan sa Sulu

PITO ang agad nalagas habang may 23 naman ang sugatan nang magbakbakan ang tropa ng sundalo at mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) bandits sa Patikul, Sulu kaninang umaga (Pebrero 25).


Limang kasapi ng ASG at dalawang sundalo ang iniulat na namatay habang nasa 14 na mga bandido at siyam na sundalo naman ang nasugatan.


Sa ulat, naganap ang sagupaan dakong 9:20 ng umaga sa bulunduking bahagi ng Bgy. Tanum, Patikul, Sulu.


Bago ito, nagsasagawa ng hot-pursuit operations ang mga miyembro ng First Scout Ranger Batallon at 16th Special Forces Company sa lugar laban sa mga bandido na sangkot sa serye ng kidnapping at ibang krimen.


Pagsapit sa lugar, nagkrus ang landas ng military at pulis at may 300 bandido sa pamumuno ni ASG commander Hajan Sawadjaan na humantong sa umaatikabong bakbakan na umabot ng mahigit isang oras.


Dumating naman agad sa lugar ng bakbakan ang attack helicopter ng militar para tulungan ang mga napapalabang tropa ng pamahalaan kaya napaatras ang mga kalaban.


Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang pagtugis ng militar laban sa mga umigtad na grupo. Naglatag na rin ng blocking force ang lahat ng mga detachment ng militar at mga checkpoint ng PNP para mahuli pa ang mga tumakas na bandido.


“Said operation is a joint effort of the AFP, PNP and LGU in Sulu to sieze lawless elements responsible in the series of kidanpping an other atrocities in the province of Sulu an adjacent areas,” pahayag mula sa JTF Sulu.


Dinala naman sa Camp Navarro General Hospital sa loob ng Western Mindanao Command (WestMinCom) sa Zamboanga City ang mga sugatang sundalo. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



5 ASG, 2 sundalo, lagas sa bakbakan sa Sulu


No comments:

Post a Comment