Monday, February 2, 2015

Truth Commission sa ‘Fallen 44′, iginiit ni Guingona

IGINIIT ngayon si Sen. TG Guingona na kailangan magkaroon ng Truth Commission para magsagawa ng imbestigasyon sa Mamasapano massacre.


Ayon kay Guingona, ang Board of Inquiry (BOI), ceasefire committee, MILF, Commission on Human Rights (CHR) at iba pang nagbabalak magsagawa ng imbestigasyon ay may bias.


Sinabi pa ni Guingona, sakto rito ang bubuuing komisyon na magiging independent at credible para mapalabas ang katotohanan.


Dito, mapakikinggan lahat ng panig at masagot ang lahat na katunangan kung bakit nangyari ito, kung bakit hindi nagawa at nagkaganito.


Una ng kinontra ni Senate President Franklin Drilon, sa pagsasabing walang pananagutan ang Pangulong Aquino sa ilalim ng command responsibilty sa nangyaring trahedya sa Mamasapano. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Truth Commission sa ‘Fallen 44′, iginiit ni Guingona


No comments:

Post a Comment