Monday, February 2, 2015

BOI sa ‘Fallen 44′, ‘di maiimpluwensyahan

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na hindi maiimpluwensyahan ang resulta ng binuong Board of Inquiry (BOI) kaugnay sa madugong Mamasapano massacre na ikinamatay ng 44 na miyembro ng PNP Special Action Force (SAF).


Ito’y sa kabila ng agam-agam na posibleng maiimpluwensyahan ang resulta ng imbestigasyon dahil mismong mga taga-PNP rin ang nagsasagawa ng imbestigasyon.


Ayon kay PNP PIO chief, Police Chief Supt. Generoso Cerbo na mismong si Pangulong Noynoy Aquino ang nagsabi na “the truth will set us free.”


Sinabi ni Cerbo na kung mayroong mas interesadong malaman ang katotohan sa nangyaring madugong sagupaan ay ang mismong PNP lalo na maraming mga kabaro nila ang namatay.


Giit ni Cerbo, hindi aniya mangyayari na magtatakipan ng pagkakamali dahil una ng sinabi ni Pangulong Noynoy Aquino at DILG Sec. Mar Roxas na dapat ay may managot sa pangyayari.


Pagtiyak ni Cerbo na kapag mayroon ng resulta sa imbestigasyon kanila agad itong isasapubliko at ang publiko na aniya ang humusga.


Buo ang tiwala ni Cerbo at ng PNP na hindi magkakaron ng whitewash sa imbestigasyon ng BOI kahit pa mga pulis din ang nagsasagawa nito. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



BOI sa ‘Fallen 44′, ‘di maiimpluwensyahan


No comments:

Post a Comment