NAGDIWANG ang kampo ni dating Commission on Election (COMELEC) Chairman Benjamin Abalos nang ipawalang-bisa ng hukuman ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) ang kinakaharap nitong kaso na 2 counts of electoral sabotage kahapon.
Batay sa walong-pahinang desisyon na ipinalabas ni Pasay City RTC, Branch 112, Judge Jesus Mupas, pinawalang-sala nito si Abalos kung saan nagsimula ang nabatid na promulgation o pagbasa ng hatol ala-1:30 kahapon kasama ang kanyang pamilya upang magbigay sa kanya ng suporta.
Ipinawalang-bisa ng korte ang pagkakasangkot umano ni Abalos sa dayaan nang naganap na eleksyon noong 2007 sa North Cotobato na nagresulta nang pagkapanalo ng Team Unity ni dating Pangulo at ngayon’y Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo.
Subalit, sa tatlong-taong pagdinig, napatunayan ng korte na walang kasalanan si Abalos hinggil sa electoral sabotage na inaakusa dito.
Ibig-sabihin ay walang aniyang naganap na sabwatan sa pagitan ni Abalos at ng local COMELEC official.
Batay sa rekord, nauna nang pinawalang-sala si Abalos ni Pasay City RTC Judge Eugenio Dela Cruz, ng Branch 117 noong Setyembre 2014 hinggil sa kaso naman nitong 11 counts ng electoral sabotage na isinampa din ng COMELEC.
Matapos mabigo ang taga-usig na patunayang guilty ito sa pakikipagsabwatan kay South Cotabato Provincial election supervisor Atty. Lilian Suan-Radam para maging 12-0 ang resulta ng nasabing election.
Matatandaan na noong Disyembre 7, 2011 nang sampahan ng kasong electoral sabotage si Abalos kasama sina dating Pangulong Arroyo, dating Maguindanao election supervisor Lintang Bedol bilang mga kapwa akusado nito. JAY REYES
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment