NAKIUSAP ang Malakanyang sa Kongreso na bigyan ng pagkakataon ang nasimulan nang proseso ng Board of Inquiry (BOI) ng Philippine National Police (PNP) upang alamin ang bawat aspeto ng isinagawang operasyon mula planning hanggang sa retrieval ng mga labi ng mga nasawing kasapi ng PNP-SAF habang niluluto pa ang pagbuo ng Mamasapano Truth Commission.
Sinabi ni Press Secretary Sonny Coloma, Jr. na wala namang mawawala sa mga mambabatas kung hahayaan munang tumakbo ang imbestigasyon ng BOI lalo pa’t patuloy na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng nararapat upang mabatid ang kumpletong salaysay at buong katotohanan hinggil sa naganap sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.
“Okay, we acknowledge the bills filed regarding the creation of a fact-finding commission or the Mamasapano Truth Commission. Whatever independent body that may be formed by Congress would find the relevant information that are now being gathered by the following bodies namely: the PNP (Philippine National Police) Board of Inquiry, the International Monitoring Team and the Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities as useful reference for their work,” ayon kay Sec. Coloma.
Aniya, sa naging pahayag ni PNP officer-in-charge Deputy Director General Leonardo Espina, na ang komprehensibong operational audit na isasagawa ay naglalayong mabatid ang mga may pananagutan sa operasyon at tingnan kung may nilabag sa umiiral na operational procedure ng PNP upang maiwasan ang anomang pagkakamali sa hinaharap.
Sinabi ni sec. Coloma na ang lahat ng mga mahahalagang impormasyong ito’y inaasahan ding maipaalam sa Senado at Kamara na sumang-ayon sa pagpapaliban ng nakatakdang pagdinig hinggil sa insidente. KRIS JOSE
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment