Monday, February 2, 2015

10 bahay naabo sa Kyusi fire

DAHIL sa naiwang nakasinding kandila, nilamon ng apoy ang 10 kabahayan sa Quezon City kaninang madaling-araw, Pebrero 3, 2015.


Ayon kay QC District Fire Marshall Senior Supt.Jesus Fernandez, tinupok ng apoy ang 23-B Lourdes St., Bgy. San Vicente, QC dakong 1:00 ng umaga.


Sinabi pa ni Fernandez na aabot sa 44 pamilya ang naapektuhan ng sunog na nagsimula sa bahay ng isang Jimmy Rita, 22, sa sala ng bahay nito dahil sa napabayaang kandila dahil walang kuryente sa kanilang bahay.


Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay dahil gawa sa light materials ang mga ito.


Umabot ang sunog sa fourt alarm at ganap na na-fireout dakong 2:33 ng madaling-araw.


Umabot sa P150,000 halaga ng danyos sa naturang sunog. SANTI CELARIO


.. Continue: Remate.ph (source)



10 bahay naabo sa Kyusi fire


No comments:

Post a Comment