Tuesday, February 24, 2015

Bahay ni PNoy QC, pinutakte ng militante

MULING sinugod ng militant groups ang bahay ni Pangulong Noynoy Aquino sa Quezon City sa bisperas ng 29th anniversary ng EDSA 1 People’s Power revolt kaninang umaga (Pebrero 24).


Magkagayunman, bago pa makalapit ay nabarikadahan na agad ang mga miyembro ng Southern Luzon fishermen’s group na Pamalakaya, labor group Anakpawis at ang urban poor group Kadamay ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD).


Hindi man nakalapit, pumuwesto na lamang ang mga raliyista ilang metro lamang ang layo sa ancestral house ng Aquino family.


Sa kanilang programa, ipinanawagan ng militante ang pagbaba sa puwesto ni Aquino dahil sa ilang maling desisyon sa mga nakaraang pangyayari tulad ng naging maling desisyon sa Jan. 25 operation sa Mamasapano, Maguindanao na ikinamatay ng 44 Special Action Force troopers at 18 Moro Islamic Liberation Front fighters (MILF).


Pero nanindigan ang Palasyo na bababa lamang sa puwesto si Aquino sa katapusan ng kanyang termino sa Hunyo 30, 2016.


Ipagdiriwang ng gobyerno ang 29th anniversary ng EDSA-1, na nagpatalsik kay dating Pangulong Ferdinand Marcos at nag-upo kay Cory bilang pangulo ng bansa. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Bahay ni PNoy QC, pinutakte ng militante


No comments:

Post a Comment