NAGBARIL sa sarili ang isang piskalya sa Bgy. Roxas, Solano, Nueva Vizcaya nitong Lunes ng hapon.
Dead-on-arrival sa ospital sanhi ng tinamong tama ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril sa kanang sentido ang biktimang si Samuel Dacayo, Jr., 51, isang piskal sa Provincial Prosecutor’s Office ng Nueva Vizcaya.
Sa ulat, naganap ang insidente pasado 12:15 p.m. sa mismong kuwarto ng biktima sa Bgy. Roxas, Solano, Nueva Vizcaya.
Ayon sa imbestigasyon ng Solano PNP, biglang dumating ang biktima sa bahay ng kanyang magulang dakong 12 p.m. at dumiretso agad ito sa kanyang dating kuwarto.
Ayon sa ama ni Dacayo, ilang minuto lamang ang nakalipas nang biglang umalingawngaw ang isang putok ng baril.
Kinutuban, sinilip ng matandang Dacayo ang kuwarto ng anak na pinagmulan ng putok at tumambad sa kanya ang patay nang biktima.
Blangko pa ang pulisya sa motibo ng pagpapakamatay ng biktima na maaring may kinalaman sa kanyang hinahawakan na mga kaso. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment