Wednesday, February 25, 2015

Aussie, dakip sa pangmomolestiya

ARESTADO ang isang Australian national na inakusahang nang-aabuso at nagmomolestiya ng mga kabataang babae sa Bukidnon.


Sa ulat, ang suspek na si Peter Scully, 51, ay naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong nakalipas na linggo sa Bukidnon dahil umano sa human trafficking.


Si Scully ay iniulat ding pugante sa kanilang bansa at nahaharap sa kasong panlilinlang.


Iimbestigahan din ng NBI kung mayroon pa itong ibang nabiktima maliban sa mga nasa nasabing probinsya.


Napag-alaman ding matapos abusuhin ng Aussie ang kanyang biktima ay ipinanonood nito ang video sa kanyang mga kapwa dayuhan.


Aalamin din ng NBI ang naging aktibidades ng suspek at kung saan-saan ito nanirahan simula nang dumating ito sa Pilipinas noong 2011. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


.. Continue: Remate.ph (source)



Aussie, dakip sa pangmomolestiya


No comments:

Post a Comment