KAMUNTIKAN nang malagay sa panganib ang buhay at matangay ang sasakyan na pag-aari ng isang TESDA regional director sa San Fernando, Pampanga.
Sa ulat sa tanggapan ng PPO, kinilala ang biktimang si Teodoro Gatchalian Manglicnoe, 56, may asawa, ng Tyler’s Mansion Apartment, Kalayaan Village, Bgy. Quebiawan, CSFP.
Dakong 11:30 ng gabi habang naghahapunan sa Red Rickshaw Restaurant, Greenfields Cmpd., Bgy. Sindalan si Gatchalian, ipinarada niya ang kanyang sasakyang Toyota Fortuner na puti (TQN-956) sa nasabing establisyimento.
Matapos kumain, lumabas ang biktima at habang pasakay sa kanyang sasakyan, may apat na lalaking sakay ng isang Blue Mitsubishi Sedan (PKX-961) na nakaparada katabi ng kanyang ang bumaba hawak ang isang packaging tape at nylon cord at pilit siyang ipinasok sa kanyang sasakyan na may nakatutok pang bari.
Lumaban ang biktima at nakasigaw na nakaagaw ng atensyon sa mga nagpapatrolyang pulis na siyang humarang sa mga suspek ngunit nakatakas at iniwan ang dalang sasakyan.
Nakorner naman ang isang suspek na kinilalang si John Rey Benitez, 25, ng Sta. Maria, Bulacan.
Nakumpiska dito ang dalawang cal. 38 na baril na may kasamang 11 bala, isang bag na naglalaman ng heavy duty packaging tape at nylon cord at mga personal na kagamitan.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang manhunt operation upang mahuli ang tatlong pang nakatakas na suspek habang kinasuhan na at ikinulong si Benitez. GARY BERNARDO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment