Sunday, February 1, 2015

2 naval landing craft ibibigay ng Australia sa Pilipinas

MAGBIBIGAY ang Australia ng dalawang decommissioned military landing craft sa bansa para sa relief efforts.


Ang pagbibigay ng naval ship ay kasunod ng naranasan ng bansa na kakulangan ng sasakyang pandagat para sa relief operation lalo na nang humambalos ang Super Typhoon Yolanda (Haiyan).


Ayon kay Australian Defense Minister Kevin Andrews, ang barko ay darating sa buwan ng Mayo.


Ay dalawang barko na may habang 44.5-meters at nakadisenyo para sa heavy supplies ay iti-turn over sa Philippine Navy na gagamitin para sa humanitarian assistance at relief work.


Kasama ring ibibigay sa bansa ang amphibious vessel HMAS Tobruk.


Samantala, plano naman ng Philippine military na bumili ng tatlong surplus Australian landing craft na na-decommission noong 2012. Marjorie Dacoro


.. Continue: Remate.ph (source)



2 naval landing craft ibibigay ng Australia sa Pilipinas


No comments:

Post a Comment