Sunday, February 1, 2015

44 seconds of silence alay ng DepEd sa ‘Fallen 44′

MAG-AALAY ng 44 segundong katahimikan ang mga paaralan sa buong bansa ngayong araw.


Sa anunsyo ng Department of Education (DepEd) sa kanilang Facebook account, ito ay bilang pag-alala sa madugong sinapit ng 44 miyembro ng PNP- SAF sa Mamasapano, Maguindanao.


Bukod sa 44 seconds silence ay may isa pang minuto ng katahimikan na alay naman sa iba pang naging casualties sa insidente.


Kasabay nito, umaasa ang kagawaran ng ahensya na ang nilulutong kapayapaan sa Mindanao ay hindi na magdulot pa ng mas marami pang mawawalang buhay.


Isasabay ng mga paaralan ang moment of silence sa kanilang flag raising ceremony ngayong umaga. Johnny F. Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



44 seconds of silence alay ng DepEd sa ‘Fallen 44′


No comments:

Post a Comment