DEDO isang 55-anyos na lalaki matapos humirit ng isa pang round ng pakikipag-sex sa kanyang textmate sa loob ng isang lodging house sa Bgy. Laguinbanua East, Numancia, Aklan.
Napag-alamang ang lalaki taga-bayan ng Lezo, may asawa at mga anak, habang ang babae’y hiwalay sa mister na residente ng bayan ng Ibajay at may isa namang anak.
Base sa impormasyon, alas-2:00 ng hapon nang pumasok ang biktima kasama ang ‘kabet’ nitong nakilala lamang sa text sa isang lodging house.
Sa interview ng Bombo Radyo, sinabi ng babae na matapos ang kanilang pagniniig ay pumasok umano ang lalaki sa banyo at sa kanyang pagbalik ay muli itong humirit ng isa pang round.
Muli umano siyang niyakap at hinalikan ng lalaki at ilang sandali lang ay bigla itong nangisay at parang nahihirapan sa paghinga na inakala naman niyang nanloloko lang.
Nawalan umano ng malay at bumulagta sa kama ang lalaki.
Dahil ito, humingi na siya ng tulong sa mga room boy subalit agad na namatay ang kasama. Hinihinalang uminom ito ng sex enhancer pills.
Ang bangkay ng lalaki ay dinala sa isang punerarya samantalang ang babae ay nasa kustodiya ng Womens and Childrens Protection Desk (WCPD) ng Numancia PNP station.
Sa kabila nito, iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung may iba pang dahilan ang pagkamatay ng biktima. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment