Sunday, August 31, 2014

Greece pinahirapan ng Gilas

NALASAP ng Gilas Pilipinas ang ikalawang sunod na kabiguan matapos yumuko sa Greece, 70-82, kaninang madaling-araw sa nagaganap na 17th FIBA World Basketball Cup sa Palacio Municipal de Deportes sa San Pablo, Seville City, Spain.


Muling bumida sa opensa ng Philippine Team si Andray Blatche matapos magsumite ng 21 points, 14 rebounds at tatlong steals subalit kinapos pa rin para iangat ang koponan.


Kumalas agad ang Greece sa first canto, 20-10, at inalaagaan na lang ang kanilang lamang para makuha ang panalo.


Nilista ng Greece ang 2-0 win-loss slate habang 0-2 ang Pilipinas.


May binakas na pitong puntos si Marc Pingris at anim na boards para sa Pilipinas.


Susunod na haharapin ng Phl team ang Argentina mamayang 7:30 ng gabi. Elech Dawa


.. Continue: Remate.ph (source)



Greece pinahirapan ng Gilas


Enrile suspendido na sa Senado, Jinggoy isusunod

MANILA, Philippines – Walang magawa si Senate President Franklin Drilon kung hindi ay ipatupad ang kautusan ng Sandiganbayan na suspendihin si Senador Juan P .. Continue: Philstar.com (source)



Enrile suspendido na sa Senado, Jinggoy isusunod


Cagayan niyanig ng 5.2 magnitude na lindol

TINAMAAN ng 5.2 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng hilagang Luzon kaninang alas-10:49 ng umaga.


Ayon sa ulat ng Phivolcs, natukoy ang epicenter sa layong 14 kilometro sa hilagang kanluran ng Calayan, Cagayan.


May lalim ang lindol na 32 kilometro at tectonic ang pinagmulan. Gina Roluna


.. Continue: Remate.ph (source)



Cagayan niyanig ng 5.2 magnitude na lindol


Mark Gil pumanaw na

PUMANAW na ang aktor na si Mark Gil kaninang alas-8:00 ng umaga kanina.


Nabatid na si Gil ay may sakit na cirrhosis.


Magdiriwang sana si Mark Gil o Raphael Joseph De Mesa Eigenmann sa tunay na buhay ng kanyang 53rd birthday sa Setyembre 25.


Si Gil ang ama ng mga celebrities na sina Andi Eigenmann, Sid Lucero, at Gabby Eigenmann. Gina Roluna


.. Continue: Remate.ph (source)



Mark Gil pumanaw na


Mag-live-in niratrat sa Ilocos, utas

SOLSONA, ILOCOS NORTE – Patay ang mag-live-in partner matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang naliligo sa batis sa Barangay Caringquing, Solsona, kahapon ng umaga, Agosto 31.


Kinilala ni Solsona police chief Sr. Inspector Leonardo Tolentino ang mga biktima na sina Owen Cariaga, ng Barangay Juan at live-in partner nitong si Regelyn Ruiz, ng Barangay Manalpac.


Sa imbestigasyon, naliligo sa ilog ang dalawang biktima nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek gamit ang M-16 Armalite rifle.


Naka-recover ng empty shells ang mga police sa crime scene.


Sa ngayon patuloy ang follow-up investigation sa insidente. Allan Bergonia


.. Continue: Remate.ph (source)



Mag-live-in niratrat sa Ilocos, utas


Valte, sasabak sa MRT challenge

TINANGGAP na ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na sumabak sa Metro Rail Transit (MRT) challenge.


Tugon ito ni Valte sa hamon ni dating COMELEC Commissioner Gregorio Larrazabal sa mga opisyal ng gobyerno na sumakay ng MRT.


Sinabi ni Valte na hahanapan na lang niya ng oras ang pagsakay sa tren at ito ay gagawin niya sa umaga o kaya sa gabi.


Sa kabila nito, tiniyak ni Valte na kahit hindi nila tugunan ang MRT challenge ay alam naman ng pamahalaan ang problema dito. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Valte, sasabak sa MRT challenge


Pekeng trabaho sa Portugal ibinabala

NAGBABALA ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa mga Pilipino, laban sa mga pekeng trabaho na iniaalok sa Portugal.


Ayon kay POEA Administrator Hans Cacdac, ayon sa report na ibinigay ng embahada ng Pilipinas sa Lisbon, may ilang Pilipino ang inalok ng trabaho sa Portugal sa pamamagitan ng email.


Napag-alaman ng awtoridad na ang mga manloloko ay gumagamit ng totoo at magagandang kumpanya at pinapalitan lamang ang contact information ng mga ito, para makapang-biktima..


Binigyang diin ni Cacdac na kasama sa mga senyales na scam ang alok na trabaho sa internet ay kapag naningil ang mga ito para sa pagsusuri, language seminar, documentation at pag-aasikaso sa visa. Johnny F. Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Pekeng trabaho sa Portugal ibinabala


3 terorista tiklo sa NAIA

.. Continue: Remate.ph (source)



3 terorista tiklo sa NAIA


P1B DAP sa senador

MANILA, Philippines - Isang senador umano ang nakatanggap ng P1 bil­yon mula sa kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program o DAP. .. Continue: Philstar.com (source)



P1B DAP sa senador


No proof pa rin sa overpricing - Remulla

MANILA, Philippines - Nakadalawang pagdinig na ang Senate Blue Ribbon Committee pero wala pa itong nailalabas na pruweba sa umano’y overpricing sa pagpapatay .. Continue: Philstar.com (source)



No proof pa rin sa overpricing - Remulla


Pinoy peacekeepers ligtas na

MANILA, Philippines - Ligtas na ang 75 Pinoy peacekeepers matapos na matakasan ang mga rebeldeng Syrian na pu­malibot at umatake sa kanila sa Golan Heights. .. Continue: Philstar.com (source)



Pinoy peacekeepers ligtas na


MRT probe isasagawa ng Senado

MANILA, Philippines - Ngayon isasagawa ni Sen. Grace Poe ang imbestigasyon sa Metro Rail Transit (MRT) dahil sa sunud-sunod nitong aberya. .. Continue: Philstar.com (source)



MRT probe isasagawa ng Senado


Senior citizens may 20% discount sa terminal fees

MANILA, Philippines - Isinusulong ng isang mambabatas ang pagbibigay ng 20 porsiyentong diskwento sa terminal fees para sa senior citizens. .. Continue: Philstar.com (source)



Senior citizens may 20% discount sa terminal fees


Driver nagpakamatay sa kusina ng kapitbahay

PATAY na nang matagpuan ang 27-anyos na tricycle driver matapos magbigti sa kusina ng kanyang kapitbahay sa Elizalde St., Barangay Poblacion, President Roxas, Capiz.


Ayon kay Edna Bendicio, nakita na lamang niyang nakalambitin sa kanilang kusina si Policarpio Buenvenida.


Nabatid na bago nagbigti si Buenvenida, nagtangka na itong magpakamatay ngunit naagapan ng kanyang pamilya.


Inaalam na ang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima. Gina Roluna


.. Continue: Remate.ph (source)



Driver nagpakamatay sa kusina ng kapitbahay


Kelot nahulog sa kanal, patay

PATAY ang isang lalaki matapos mahulog sakay ng kanyang motorsiklo sa irrigation canal sa Barangay Daramuangan Sur, San Mateo, Isabela.


Kinilala ang biktima na si Federico Calica Jr., 35, ng Purok Dos, Namnama, Cabatuan, Isabela.


Sa pagsisiyasat ng San Mateo Police Station, papunta sana sa gasolinahan ang biktima nang mahulog sa irrigation canal.


Wala namang foul play sa insidente sa pagkumpirma na rin ng pulisya. Gina Roluna


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot nahulog sa kanal, patay


SUYOD!

INARARO ng engine truck ng Southern Manila Fire Volunteer ang mga paninda ng vendors na nakahilera sa kahabaan ng Angelinao St., corner Pedro Gil sa Paco Maynila makaraang mawalan ng preno. Crismon Heramis


.. Continue: Remate.ph (source)



SUYOD!


TUMBA!

PATAY si Barangay chairman Rudy Cruz nang tambangan ng kilabot na riding-in-tandem sa panulukan ng Lacson Ave. at Dapitan St., sa Sampaloc, Manila. Ivan Gaddia


.. Continue: Remate.ph (source)



TUMBA!


Mabait at parang hindi nag-iisip nang masama sa kapwa housemate

PAGKATAPOS mag-aksyon sa Dugong Buhay ay mapapasabak si Ejay Falcon sa isang sexy serye na maka- kasama niya sina Ellen Adarna, JC De Vera, Coleen Garcia, Daniel Matsunaga at isa pang aktres.


Niluluto na raw ang naturang serye sa unit ni Direk Ruel Bayani at daraan pa sila sa sensuality workshop. Mangangabayo rin sila.


Tinanong din si Ejay after ng contract signing niya sa Unisilver Time kung ano ang reaksyon niya sa pagiging big winner ni Daniel Matsunaga na maraming bumabatikos


“Lagi namang ganoon, e! Kasi may kanya-kanyang manok. Kung sino ‘yung fans ni Jane (Oineza), kung sino ‘yung fans nina Mariz. So, talagang hindi na bago ‘yun. Lahat naman pinagdaanan ‘yun.


“Pero napanonood ko, mabait naman si Daniel, e! Nababaitan ako sa kanya. Parang hindi siya nag-iisip ng masama sa mga housemate,” deklara pa niya.


Ano naman ang masasabi niya sa gymmate niyang si Aljur Abrenica na hanggang ngayon ay pinupuna ang acting. Kitang-kita kasi ang improvement ni Ejay simula nu’ng magsimula siya sa showbiz?


Ilang workshop naman kasi ang pinagdaanan niya kaya nakikita na ang husay niya sa acting.


“Sa akin kasi pag sinabing hindi marunong umarte, mas ‘yun ang nagtutulak sa akin para galingan, para patunayan sa mga tao na kaya kong umarte. Ayaw kong mapahiya ‘yung mga taong nagbibigay ng trabaho sa akin. Ayaw kong sayangin ‘yung ibinigay sa aking oportunidad. Tingnan sguro niya ‘yung responsibilidad na ibinigay ng network kaya kailangang galingan.


“Kailangang makinig talaga sa lahat ng tao sa set, sa mga co-actors mo, sa director mo. Ako kasi naakikinig talaga, ayaw kong maging pasaway,” sey pa niya.


Talbog!


-0o0-

Dahil hindi kinaya ng schedule ni Iza Calzado, si Vina Morales na ang leading lady ni Robin Padilla sa kanyang filmfest entry na “Bonifacio”.


“Kasi ang nangyari run, hindi nagkasabay ‘yung schedule ni Iza. E, ‘yung aming production, alam ninyo na ‘yung mga aral sa America, hindi sila mag-a-adjust sa mga artista, wala sa kanila ‘yung ganoon.


“Marami silang inalis sa cast na mga big stars na nalungkot talaga ako, Kasi nga ang gusto ng mga big stars, mag-a-adjust ang production, Sa kanila, hindi ‘yun pwede. Kasi kalahati ng production namin galing sa America.


“Yung fight choreographer lang namin galing America, hindi siya maghahantay. So, ang nangyari, tinanong ko si Mariel (Rodriguez). Nung una si Mariel ang kinukuha nila. E, si Mariel, aalis pupuntang America.


“Tinanong ko si Mariel kung sino. Sabi niya, si Vina. So run pumasok ‘yung pangalan ni Vina dahil sa suggestion ni Mariel.


“Ako kasi, ang kinukuha ko, opinyon ng bata. Kasi ‘yung generation ni Mariel, bata eh. So kailangan ko siyang laging tinatanong,” sambit ni Robin nang makatsikahan siya sa taping ng “Talentadong Pinoy” ng TV5 na palabas tuwing Sabado, 7 pm.


Wala namang selos factor si Mariel sa muling pagsasama nina Binoe at Vina kahit nagkarelasyon dati ang dalawa.


“Alam niya ‘yun, pero wala lang ‘yun sa kanya,” sey pa ng action superstar


-OoO-

Buong ningning na sinabi ni Anne Curtis hindi siya close kay Sam Concepcion na boyfriend ng youngest sister niyang si Jasmine. Sa tanong kung nag-i-effort si Sam na maging close sa kanya, ang sagot ni Anne ay no comment.


Well, dapat siguro ay makipag-close rin si Sam sa pamilya ni Jasmine. Dapat ay magkaroon siya ng effort na mapalapit siya sa pamilya ni Jasmine.


-0o0-

Bilib din kami kina Anne Curtis at Sam Milby dahil naging friends sila at nagkakasama sa trabaho kahit may pinagdaanan silang relasyon.


Mahabang chica raw ang dahilan kung bakit sila naghiwalay.


“Honestly, we’ were young. Kaya andun lagi ‘yung away namin,” sey naman ni Sam na umabot din ng apat na taon.


Tsuk!! XPOSED/Roldan Castro


.. Continue: Remate.ph (source)



Mabait at parang hindi nag-iisip nang masama sa kapwa housemate


MARIKINA HOSTS ASEAN SCHOOLS GAMES!

MARIKINA Mayor Del De Guzman (second from left) and Department of Education (DepEd) Secretary Bro. Armin Luistro, FSC (second from right) lead the signing of the Memorandum of Agreement for the very first ASEAN Schools Games in the Philippines which will be hosted by Marikina City. An estimated 1,500 young athletes from ASEAN countries are expected to participate and compete in various sports disciplines such as athletics, swimming, badminton, golf, lawn tennis, sepak takraw, gymnastics, table tennis, basketball, volleyball and wushu, which will be held in different locations in Marikina City. Witnessing the MOA signing are Marikina Chief Executive Assistant Willfredo Reyes (far left), and DepEd Undersecretary Rizalino Rivera (far right), and other officials of DepEd, city government of Marikina, Department of the Interior and Local Government, and Metropolitan Manila Development Authority. The ASEAN Schools Games is on November 29 to December 7 this year.


.. Continue: Remate.ph (source)



MARIKINA HOSTS ASEAN SCHOOLS GAMES!


Mas naka-score dahil ramdam ang pagka-macho!

HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Amusing naman ang chika tungkol sa love triangle na nabuo sa isang rating na soap opera. Dati talaga, and this was prior to the airing of the said sudsy, people from all walks of life had the impression that the tall and hunky young man would be ardently pursuing his purported fascination for the young wacky actress that he would co-star in that evening soap.


Hahahahahahahahahahahahahahahaha!


Ang kaso, parang press release lang pala ang drama ng tall and hunky dude dahil in real life, ‘iba’ raw ang feel nito ever.


Harharharharhar!


I’m not going to pinpoint directly what it was that the tall young man was downright fascinated with. Basta hanggang press release lang daw ang trip nito sa kikay na young actress dahil….fill in the blanks na lang mga titas.


Hakhakhakhakhakhakhak!


Sayang na kadakuan ever.


Sayang na kadakuan ever raw, o! Harharharharharhar!


Could it be true? Hakhakhakhakhakhak!


Looking back, palihim na umarko raw ang kilay ng isang famed transvestite actor/host nang pagsayawin niya impromptu ang young actor sa kanyang show dahil bump and grind routine raw ng mga burlesque dancers ang may I dance ng aktor.


Hahahahahahahahahaha!


Ano ba ‘yan? Hakhakhakhakhakhak!


But in fairness to him, he’s got a mellowed barritone voice that gives him the big edge over other young actor his age.


‘Yun nga lang, true nga kayang disappointed daw ang wacky young actress sa mga press releases ng aktor na trip siya nito at balak ligawan?


Hahahahahahahahahahahahaha!


Puro bukeke lang daw kasi at wala namang ginagawa para maiparamdam ang kanyang intensyon.


Para maiparamdam daw ang intensyon, o! Harharharharharhar!


Anyhow, put one and one together and what you have is the exact answer to the equation. Hakhakhakhakhakhak!


Kabliwed! Hahahahahahahahahaha!


MAJOR DECISIONS IN HER CAREER, MATAGAL NA PINAG-ISIPAN NI SHAWIE


Happy for Ms. Sharon Cuneta. Finally, she has made the most vital decision in her showbiz career and that is to terminate her five-year contract with the Kapatid network.


Looking back, dito sa Remate nag-react si Senator Kiko Pangilinan dahil sa sinulat naming unbiased observation tungkol sa controversial postings ng kanyang mega wife sa kanyang well-followed facebook account.


We need not go into details and we are not delusional like Bubonika, but what we wrote had stirred the hornet’s nest and the end product was absolutely satisfying to Ate Shawie and her politician husband.


Lately, she has made the big leap once again and her decision to go freelance has become veritable hot news in the business.


Kung ano ang napagkasunduan nila ng TV5 ay hindi na in-expound ni Ms. Sharon.


But speculations are rife to the effect that she’s once again moving back to her old network ABS-CBN.


Good luck Ms. Sharon. We’re so happy that you’ve finally had the chutzpa to break free from a contract that was not in any way satisfactory to both parties – you and TV 5.


***

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.


And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong! DAPAT LANG!/Pete G. Ampoloquio, Jr.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mas naka-score dahil ramdam ang pagka-macho!


9 na kolorum na tricycle hinuli

SIYAM na triycle ang hinuli ng mga pulis dahil sa reklamo ng kolorum at trapiko sa Balintawak Market, Balintawak, Quezon City kagabi, Agosto 30, Sabado.


Ayon kay PO3 Noel Bautista ng Quezon City Police District station 1-Laloma, isinagawa ang operasyon sa paligid ng Balintawak Market Edsa, QC dakong 9:00 kagabi.


Isinagawa ang operasyon matapos ipag-utos ni Supt. Osmundo De Guzman hepe ng QCPD station 1-Laloma ang operasyon sa mga kolorum na tricycle na naglipana sa lugar na nagbabagsak ng mga paninda at bumibili ng panindang gulay at prutas sa lugar dahil sa reklamo ng trapiko sa lugar.


Ani Bautista, bukod sa kolorum na mga tricycle wala din mga lisensya ang mga driver ng tricycle na hinuli.


Dinala sa Tricycle Regulatory Unit (TRU) ng Quezon City Hall ang mga hinuli na tricycle at kasalukuyan naka-impound. Santi Celario


.. Continue: Remate.ph (source)



9 na kolorum na tricycle hinuli


Ipon-tubig ng Angat dam, normal na

MATAPOS ang ilang araw na pag-ulan, umabot na sa normal level o 180 meters ang water level ng Angat Dam sa Bulacan.


Sinabi ng PAGASA na ang water level sa Angat, na nagsusuplay ng mahigit sa 90 porsyento ng tubig Metro Manila ay umabot na sa 180.3 meters.


Mas mataas ito ng 2.13 metro sa 178.3 metro na naitala nitong nakaraang Biyernes.


Simula pa noong Mayo, bumaba na ang water levels sa Angat mas mababa sa 180-meter critical level para sa irigasyon, pero hindi bumaba sa 160-meter critical level para naman sa drinking water.


Samantala, tumaas din ang water levels sa iba pang major dams sa Luzon nitong Biyernes kabilang ang Ipo dam na 100.51 meters mula sa 100.23 meters, La Mesa: 79.39 meters mula sa 79.36 meters, Pantabangan na 185.38 meters mula sa 185.11 meters, at Magat: 176.7 meters mula sa 175.94 meters. Robert Ticzon


.. Continue: Remate.ph (source)



Ipon-tubig ng Angat dam, normal na


Gilas, taas-noo pa rin

NATALO subalit taas-noo pa rin ang Philippine national team.


Kinaldag ng matatangkad na Croatia ang Gilas Pilipinas sa isang overtime game, 81-78, sa pagbubukas ng 17th FIBA World Basketball Cup na ginaganap sa Palacio Municipal de Deportes sa San Pablo, Seville City, Spain.


Nagpakita agad ng lakas ang team Croatia sa first canto at sa second period ay tinala nila ang biggest lead 15 puntos, 26-11.


Hindi naman nagpasindak ang Gilas at lumabas ang puso nila sa kalagitnaan second period matapos pumutok ang mga tres ni Jeff Chan.


Naibaba ng Phl team ang hinahabol sa anim na puntos, 31-37, sa half time break.


Sa third period bumanat din sa opensa sina Andray Blatche at point guard Jimmy Alapag hindi maiwan ang Gilas papasok sa payoff period.


Ang 3-pointer ni Blatche ang nagtabla sa iskor 64-all at ang tatlong free throws ni Chan ang nagbigay ng lamang para sa Gilas, 67-66, may 2:49 minuto na lang sa fourth.


Nagawa pa rin itabla ng Croatia sa 71-all at may tyansa sanang itakas ang upset win kung pumasok ang tres ni Chan. Elech Dawa


.. Continue: Remate.ph (source)



Gilas, taas-noo pa rin


‘BERDUGO’

SA pagkadakip kay retired Major General Jovito Palparan, muli na namang lumutang ang salitang “Berdugo” kakaakibat ng pangalan at reputasyon niya bilang isang kawal. Isang negatibong palayaw na sumasagisag ng pagiging mamamatay-tao.


Pumapatay diumano ng mga kasapi o kapanalig ng makakaliwang grupo. At bilang kasapi ng Armed Forces of the Philippines, si Palparan ay itinuturing na makakanang grupo sa isang labanang insurhensiya (insurgent war).


Sa insurgency war, ang layunin ng insurgent group ay mapatalsik ang pamahalaan at mapalitan ang pamunuan nito at tanganan ang pagpapalakad ng bansa sa pamamagitan ng pag-aaklas gamit ang dahas at sandata. At dahil ang insurgency ay isang uri ng rebelyon, ito ay isang krimen laban sa pangmadlang kaayusan.


Kailangang ipagtanggol ng estado ang kanyang sarili. At sa ilalim ng umiiral na Saligang Batas, ang AFP ng tagapag-tanggol ng mga mamamayang Filipino at ng Estado (Art. II, Sec. 3). At sa kampanya ng estado laban sa insurhensiya, ang naglalaban ay ang AFP bilang armadong grupo ng estado at ang New People’s Army bilang armadong grupo ng Communist Party of the Philippines-National Democratic Front. At layunin ng armadong grupo ng bawat panig ang gapiin ang bawa’t isa. Kung kailangang lipulin ang kalaban upang ito’y magapi, kanila itong gagawin.


Tila pinagtitiyap ng pagkakataon, ang pagkadakip sa “Berdugo” ng mga rebeldeng grupo ay nataon sa panahong ginugunita ang International Humanitarian Law o Law of Armed Conflict. Pangunahing layunin ng batas na ito ang kilalanin at igalang ang karapatan at kapakanan ng combatants at non-combatants saanmang digmaan, saanmang bahagi ng daigdig. Kanya-kanyang batuhan ng akusasyon ang magkabilang panig sa paglabag ng karapatang pantao.


Ang tanong, sino nga ba ang tunay na Berdugo? Sino ba talaga ang kalaban ng lipunan? Ang mga kawal ba ng AFP o ang mga NPA?


Marami ang mga naging diumano’y pag-abuso ng mga militar sa karapatang pantao.


Ang iba’y dokumentado at nasampahan ng karampatang kaso at naparusahan.


Subalit tila marami rin ang mga isyung ibinabato sa NPA. Mga paglabag sa Law of Armed Conflict o International Humanitrian Law (IHL). Bagaman ligal na maging target sa labanan ang mga sundalo, mahigpit na ipinagbabawal sa Comprehensive Agreement on Human Rights at IHL ang paggamit ng landmines.


Hindi na mabilang ang mga pagkakataong gumamit ng landmine ang mga NPA.


Ipinagbabawal din ang paggamit ng mga uniporme ng kalaban upang makapanlinlang. Ginagamit ng mga NPA ang mga uniporme ng sundalo o pulis upang magamit nila sa paglapit o pagpasok sa loob ng mga kampo nang hindi nanganganib at malaya nilang naisasagawa na magapi at mapatay ang mga sundalo at pulis.


May mga korporasyon—plantasyon, pabrika, kompanya ng bus, transportasyon at komunikasyon at iba pa—ang napipilitang magbayad ng “revolutionary taxes” upang hindi na maabala ang kanilang negosyo. Ang hindi nagbabayad ay sinasabotahe ang operasyon ng negosyo. Napakarami nang napaulat sa mga balita na nasunog na plantasyon, pabrika, bus, cell site, at iba pa. Extortion daw o pangingikil ng tawag doon, sabi ng mga naapektuhan.


Ang pinakahuli ay naganap noong Agosto 24, 2014 sa Butuan. Dalawang plantasyon ng saging ang sinunog ng mga NPA. Resulta, maraming ordinaryong obrero ang nawawalan ng hanapbuhay na pantawid pangangailangan ng kani-kanilang nagdarahop na pamilya.


Maraming kaso na itinuturing na masaker ang naitala sa kasaysayan. Ang mga napatay na sibilyan ay pawang napaghinalaang pumapanig sa mga kawal ng pamahalaan o nagsisilbing asset ng militar. Gayundin ang nagaganap sa mga rebel returnee. Kamatayan din ang hatol ng NPA sa mga “kaaway ng mga mamamayan” na isinasailalim sa “Hukumang Bayan.” Walang malinaw na proseso ng pagdinig, ng batas ng ebidensya, ng pagpapatunay ng mga testigo. Malinaw na mga paglabag sa proseso ng hustisya at karapatang pantao.


Pinagdududahan tuloy ang sinseridad at kakayahan ng Komisyon ng Karapatang Pantao. Sa mga nasabing mga paglabag, walang kinakasuhan ang Komisyon. O kahit pagbatikos o pagkondena man lamang, wala. Subalit nagmamadali at walang habas sa pagbatikos sa mga sundalo sa hinalang paglabag sa human rights.


Hindi rin maiwasang maitanong ng ating mga kababayan, para kanino ba talaga ang karapatang pantao? Hindi ba entitled dito ang mga sundalo? Ang mga mamamayang biktima ng masaker? Sino ba talaga ang kalaban ng mga mamamayan? Sino nga ba ang totoong “Berdugo?”


***

(Email edarevalo90@yahoo.com o i-tweet sa atty_edarevalo sa inyong reaksyon) PUNTONG MARINO/Atty. Edgard Arevalo


.. Continue: Remate.ph (source)



‘BERDUGO’


Saturday, August 30, 2014

MRT CHALLENGE

SUMAKAY sa tren ng MRT si Sen. Grace Poe para malaman kung paano niya igigisa ang mga inutil na opisyal ng Department of Transportation and Communications (DOTC) sa palpak na operasyon nito.


Sumakay rin si DOTC Sec. Emilio “Jun” Abaya sa MRT pero imbes na ikatuwa ito ng madla, binatikos pa siya.


E, kasi naman, sinabi ni Abaya na matapos niyang ma-experience na sumakay sa MRT, ligtas at kumbinyente pa ring gumamit ng tren ng MRT.


Aba’y loko nga ang mamang ito.


Makaraan ang aksidente, mga diskaril na nangyari, pagbaha sa riles at mahabang pila sa mga istasyon ng MRT, anong ligtas at kombinyente ang pinagsasasabi ni Abaya?


Sa panig ni Sen. Poe, naranasan niya ang araw-araw na kalbaryo na dinaranas ng commuters ng MRT.


Nakita niya kung paanong ang matatanda, kababaihan, mga bata at may kapansanan ay dumaranas ng paghihirap sa pagsakay sa MRT, makarating lang sa paroroonan.


Natatakot ang publiko, na baka dumating ang panahon kung hindi masisibak ang mga walang silbi at inutil sa MRT management pati riyan sa DOTC ay hindi na sila makarating sa pupuntahan ‘pagkat napakadelikado nang sakyan ang mga tren nito.


Nahamong sumakay si Sen. Poe bunsod ng kaliwa’t kanang reklamo ng taumbayan dahil sa palpak na operasyon ng MRT. Naisip ko tuloy, dapat ay gayahin ng maraming senador at kongresista, pati mga opisyal ng pamahalaan ang ginawa ni Poe.


Pero hindi lamang dapat isang araw sila sasakay. Katulad sa ALS ice bucket challenge, hamunin din ni Poe ang mga kasama niyang senador na bumiyahe rin papuntang Senado sa pagsakay sa MRT, bukod pa sa bus sa jeep at tricycle.


Pati ang mga kongresista ay hamunin din niya. Hindi lang isang araw ang challenge. Araw-araw at patagalan.


Ang hindi makatatagal sa init, alikabok, amoy pawis at amoy lupang mga nakasasakay sa MRT, magdo-donate ng tatlong buwang suweldo para ibigay sa mga batang lansangan.


Pati ang mga sandamakmak na gago sa gobyerno ay hinahamon nating huwag munang sumakay sa kanilang magagarang sasakyan.


Gumamit sila ng MRT, bus at jeep para malaman nila ang hirap ng buhay ng mananakay sa Pilipinas.


O ano? Game na!


SINO SI “SYORNAK”, MPD CHIEF GEN. ASUNCION?


Sino si “Syornak” na nagpapakilalang bagman ni MPD chief, Gen. Rolando Asuncion?


Si “Syornak” daw ngayon ang namumuni sa paghamig ng payola mula sa mga sugal-bata sa Lungsod ng Maynila.


Alam n’yo po ba ito, Mayor Joseph Estrada?


Ayaw na ayaw ni Mayor Erap ang mga sugal na nakasisira sa buhay ng mga bata gaya ng videokarera pero dahil daw kay “Syornak” ay nakapapamayagpag ang mga ito.


Kung ano-ano pang sugal ang “pinapatungan” ni “Syornak”, abangan n’yo, mga suki sa ating susunod na kolum. KANTO’T SULOK/Nats Taboy


.. Continue: Remate.ph (source)



MRT CHALLENGE


ISANG LIBO’T ISANG TUWA

MULA Aparri hanggang Jolo ay milyon-milyon po ang gumagamit ng iba’t ibang uri ng motorsiklo.


Ayon sa pangulo ng Motorcycle Dealers Association of the Philippines (MDAP) na si Edwin Go, halos nasa dalawang milyon ang mga rehistradong motorsiklo rito sa bansa at mahigit isang milyon naman ang hindi nakarehistro.


Kung pagsasamahin ay mahigit sa tatlong milyong katao ang gumagamit ng motorsiklo.


Sa tagal ng panahon, tulad na lamang ng tinatawag na carpool kung saan magsasama-sama ang ilang tao para sumakay sa isang sasakyan para makatipid ng pamasahe at gasolina, ito rin ay ginagawa ng mga may motorsiklo.


Kaya naman marami ang umalma sa panukala ni Sen. Vicente Sotto III na NO RELATION, NO BACK-RIDE POLICY.


Kawawa na naman ang mga naka-2-wheel.


Dahil pa rin sa lintik na riding-in-tandem kung bakit naisip ito ng senador.


Dahil sa mga krimen ng mga riding-in-tandem na dapat sana’y ang mga pulis ang namomroblema at ‘di ang mga naka-2-wheel.


Ang tanong ko lang, wala pa bang krimeng isinagawa ng magkapatid, mag-ama, o magpinsan?


Sigurado ba tayong magiging epektibo ito at makatutulong sa peace and order o pasakit lang ito sa marami nating kababayan na gusto lamang ay makatipid at mapabilis ang kanilang biyahe papunta sa kanilang importanteng destinasyon?


Wala bang krimeng ginawa na ang gamit na sasakyan ay kotse, van, o maging truck? Ang daming krimen diyan na ang salarin ay nakayapak lang.


Simpleng lumakad lamang palayo sa pinangyarihan ng krimen pero hindi pa rin mahuli minsan.


Baka pwede pang dumaan sa konsultasyon muna ang inyong panukala?


Parang variety show na lang tayo kung ganito. May matatawa’t may maiiyak. INSIDE MOTORING/Eggay Quesada


.. Continue: Remate.ph (source)



ISANG LIBO’T ISANG TUWA


PINOY NAKIKIPAGPATAYAN NA

NAUUWI na, parekoy, sa pakikipagpatayan ang kalagayan ng Philippine contingent sa United Nations peacekeeping force sa Golan Heights, Syria.


Umabot na kasi sa Golan Heights ang agawan ng teritoryo ng Al Nustra na kaalyado ng Al Qaida ni Osama Bin Laden at ng Islamic State of Iraq and Syria bagama’t pareho ang mga ito na lumalaban sa pamahalaang Syria…at Israel na rin.


Bahagi ng Syria ang Golan Heights ngunit inagaw at sinakop ito ng Israel upang hindi magamit ng una na lunsaran ng pag-atake nito sa huli. Sinakop naman ng UN ang lugar sa layuning hindi magamit ng Israel at Syria sa sarili nilang digmaan.


May kabuuang 342 na sundalong Pinoy sa lugar na ito at ang puwesto ng nasa 71 sundalo ang nasa gitna ng labanan habang sinusulat natin ito makaraang salakayin din ng Al Nustra ang malapit na posisyon ng Fiji contingent at disarmahan at ikulong ang mga ito.


Isinunod ng Al Nustra ang mga Pinoy subalit hindi bumigay ang mga ito at lalong hindi nagsuko ng mga armas ang mga ito gaya ng gustong mangyari ng Al Nustra kaya inatake na ang mga ito kahapon.


Ngayon nga, parekoy, ay nilinaw na mismo ng ating pamahalaan na hindi dapat bumigay ang mga Pinoy at, sa halip, dapat silang manindigan kahit itaya pa nila ang kanilang buhay.


Nakatakdang pauwiin ng pamahalaan ang mga sundalo sa darating Oktubre subalit paano kung masabak na ang mga ito sa giyera bago dumating ang nasabing buwan at hindi sa giyerang Israel at Syria na tunay na dahilan ng kanilang pagtungo roon?


Ngayon pa lang ay kailangan nang magpaliwanag ang pamahalaan sa bayan, lalo na sa mga pamilya ng mga sundalo, sakaling may mangyari at magbuwis nga ng buhay ang mga Pinoy roon.


Isa pang dapat na bantayan, parekoy, ang epekto ng pakikilahok ng digmaan ng mga Pinoy sa Golan Heights sa loob mismo ng Pilipinas. Hindi dapat maliitin ang banta ng mga terorista sa loob ng bansa lalo’t naranasan na ng Metro Manila, at nararanasan hanggang ngayon lalo na sa Mindanao at sa ating mga karagatan, ang pambobomba ng mga kapanalig dito ng mga terorista sa Golan Heights. BURDADO/Jun Briones


.. Continue: Remate.ph (source)



PINOY NAKIKIPAGPATAYAN NA


Ex-Erap spokesman, pumanaw na

SUMAKABILANG-BUHAY na ang dating tagapagsalita ni dating Pangulo at ngayon’y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na si Jerry Barican.


Ito ang inihayag kaninang umaga ng kanyang kaibigan na si Atty. Trixie Cruz-Angales.


Ayon sa ulat, si Barican ay dumanas ng major heart attack noon pang Pebrero at simula noon ay naratay na sa higaan.


Si Barican ay kabilang sa mga naaresto at nakulong noong panahon ng martial law dahil sa pagtuligsa kay dating Pangulong Ferdinanad Marcos. Robert Ticzon


.. Continue: Remate.ph (source)



Ex-Erap spokesman, pumanaw na


Unawat sa away-mag-asawa, patay

PATAY ang isang lalaki matapos barilin ng kapitbahay nang habang umaawat sa away ng una at ng kanyang asawa sa Caloocan City, Sabado ng hapon, Agosto 30.


Dead-on-arrival sa Caloocan Medical Center (CMC) sanhi ng tama ng bala sa dibdib si Francisco Urbano, 46, ng Libis Espina St., ng lungsod.


Nakatakas naman ang suspek na si Amado Casas, nasa hustong gulang at kapitbahay ng biktima.


Sa ulat, alas-5:30 ng hapon, nagtatalo ang suspek at asawa sa tapat ng kanilang bahay nang makialam ang biktima na ikinagalit ni Casas.


Bumunot ng baril ang suspek bago pinutukan ang biktima at tumakas habang dinala naman ang huli sa CMC na ‘di na umabot nang buhay. Rene Manahan


.. Continue: Remate.ph (source)



Unawat sa away-mag-asawa, patay


Binatilyo, nalunod sa Manila Bay

PATAY ang isang 17-anyos na lalaki nang nalunod sa Manila Bay malapit sa Manila Ocean Park sa Ermita, Maynila kaninang umaga.


Idineklarang dead-on-arrival sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Marvin Cuaresma, ng 1421 P. Guevara St., Sta. Cruz, Manila.


Sa report ni SPO2 Jonathan Bautista ng Manila Police District, dakong 3:00 ng madaling-araw nang nagkayayaan ang biktima at mga kaibigan nito na mag-stroll sa Luneta.


Dahil hindi umano nasiyahan ang grupo ng biktima sa pamamasyal lamang ay naisipan nilang maglakad-lakad sa Manila Ocean Park hanggang sa maengganyong maligo sa dagat ganap na alas-7 ng umaga.


Ayon sa mga kaibigan ng biktima na sina Jerico Del Rosario, Jun Adrian Ortiz at Russel Talaveres, nagbiro pa raw ito na hindi marunong lumangoy subalit hinawakan niya ang kanyang ilong saka lumusong sa tubig.


Gayunman, ilang saglit pa ay hindi na nila nakitang lumutang ang biktima kaya nag-alala ang mga ito at humingi ng saklolo.


Nabatid na isang William Dela Cruz ang sumisid sa tubig upang hanapin ang biktima at nang makita’y isinugod sa ospital subalit hindi na umabot nang buhay. Jocelyn Tabangcura-Domenden


.. Continue: Remate.ph (source)



Binatilyo, nalunod sa Manila Bay


Bangkay isinemento sa drum

ISANG salvage victim ang natagpuang nakasilid sa plastic drum na isinimento pa upang ikubli ang krimen sa Quezon City kaninang umaga, Agosto 31.


Ang hindi pa kilalang bangkay na hindi rin matukoy ang kasarian ay nasa state of decomposition na.


Sa ulat, natuklasan ang bangkay dakong 6:25 ng umaga sa loob mismo ng Santiago subd. sa may Bgy. Sta. Monica, Q.C.


Ayon sa Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD, bago ang pagkakatagpo sa bangkay, may nagreklamong mga residente hinggil sa nakasusulasok na amoy na nagmumula sa isang bakanteng lote na malapit sa clubhouse ng kanilang subdibisyon.


Ipinagbigay-alam naman agad ni Susan DequiƱa, naka-duty na opisyal ng Barangay Sta. Monica ang reklamo sa QCPD na rumesponde sa lugar.


Sinundan ng mga awtoridad ang amoy na nagdala sa kanila sa isang abandonadong plastic drum at kinalauna’y natuklasan nilang isang bangkay pala ng tao ang nakasemento sa loob ng nasabing drum.


Hinihinala ng CIDU na sa ibang lugar pinatay at isinemento ang biktima saka itinapon sa loob ng nasabing subdivision para ilihis ang kanilang gagawing imbestigasyon.


Tantiya rin ng CIDU na may isa hanggang dalawang araw nang nasa lugar ang drum at natuklasan na lamang nang magsimulang umalingsaw ang amoy ng nasabing bangkay. Robert Ticzon


.. Continue: Remate.ph (source)



Bangkay isinemento sa drum


Mangingisdang nagta-’trawi fishing’ sa La Union, arestado

CABA, LA UNION – inaresto ng local Philippine Coast Guard (PCG) ang 26 na mangingisda na nahuling nagsasagawa ng “trawi fishing” sa karagatan ng bayan ng Caba sa nasabing lalawigan.


Pinagsanib na yebro ng PCG at Caba Munucipal Police Station ang umaresto sa mga mangingisda na sakay ng fishing vessel.


Nakumpiska ng mga otoridad sa mga suspek ang kagamitang pangisda at limang malalaking banyera na may lamang iba’t ibang klase ng isda na umaabot sa mahigit 150 kilos.


Ang mga nasabing isda ay ipinamahagi umano sa mga bilanggo matapos maidokumento na nagsilbing ebedensya laban sa mga suspek na pawang taga-Pangasinan.


Ayon sa pulisya, wala umanong maipakitang legal papers ang mga suspek na nagpapahintulot silang mangisda sa nasabing lugar.


Mahigpit na pinagbabawal sa La Union ang trawi fishing sa pagitan ng 15 kilometer mula sa dalampasigan hanggang sa gitna ng karagatan dahil nakasisira ito ng mga corals at halamang-dagat na nagsisibing bahay ng mga isda. Allan Bergonia


.. Continue: Remate.ph (source)



Mangingisdang nagta-’trawi fishing’ sa La Union, arestado


Kampanya vs iligal na droga sa Bauang, pinaigting

PINAIGTING ng lokal na pamahalaan sa bayan ng Bauang ang kampanaya laban sa paggamit ng iligal na droga dahil sa pagtaas ng bilang ng krimen kaugnay nito.


Unang nailunsad noong 1998, ang programang Bauang Ayaw sa Droga (BAD) upang mahikayat ang pakikipagtulungan ng mamamayan at mga lider para malabanan ang ipinagbabawal na gamot.


Ang kampanya ay pinangunahan ni Mayor Martin De Guzman III kasama ang mga opisyal ng La Union Police Provincial Office, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga kapitan ng 39 barangay ng Bauang.


Ayon kay De Guzman, ang hayagang pagsuporta ng mga lider sa naturang kampanya ay isang paraan para mapangalagaan ang kanilang sariling pamilya at mga residente sa kanilang nasasakupan.


Ayon naman kay Joan Diaz, information officer, ang programa ay muling nailunsad dahil sa tumataas na krimeng dulot ng paggamit sa iligal na droga.


Ayon sa report ni Chief Inspector Benjamin Diagan, Jr. ng Bauang police station, 14 drug personalities na ang nasakote mula Hulyo nitong taon kumpara sa 13 na kasong naitala noong nakaraang taon.


Aniya pa, pangungunahan nila ang malawakang kampanya para masugpo ang lahat ng klase ng krimen partikular na ang pagsupil sa iligal na droga, pagnanakaw at iba pa.


Hinikayat naman ni Chief Inspector Ben Kimmayong of PDEA ang mga mamamayan na i-report sa awtoridad ang mga hinihinala o napatunayang drug pushers at drug traffickers sa kanilang lugar. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Kampanya vs iligal na droga sa Bauang, pinaigting


1 patay, 13 sugatan sa fire truck

ISANG vendorang patay habang 13 pa ang sugatan nang araruhin ng isang truck ng bumbero ang hilera ng mga tindahan sa Paco, Maynila.


Sa imbestigasyon, nawalan umano ng preno ang truck ng bumbero ng Southern Manila Volunteer Fire Brigade na dahilan upang araruhin nito ang mga tindahan sa kanto ng Angel Linao at Pedro Gil Sts. sa Paco, Maynila.


Dahil sa pangyayari, kinuyog ng mga bystanders ang driver ng fire truck at naawat lamang ito nang dumating ang mga awtoridad.


Dinala naman sa Philippine General Hospital (PGH) ang iba pang mga biktima na kinabibilangan ng pitong bata. Jocelyn Tabangcura-Domenden


.. Continue: Remate.ph (source)



1 patay, 13 sugatan sa fire truck


Tserman, todas sa riding-in-tandem

PATAY ang isang 59-anyos na barangay chairman nang barilin ng riding-in-tandem kagabi, Agosto 30, habang nakatigil ang kanyang sasakyan sa red light sa Sampaloc, Maynila.


Namatay habang ginagamot sa UST hospital ang biktimang si Rodrigo Cruz ng District 3 at residente ng 2636 Severino St., Sta. Cruz, Manila sanhi ng tama ng bala sa ulo.


Inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan sa suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo na tumakas matapos ang insidente.


Sa report ni SPO1 Charles John Duran ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 11:50 ng gabi nang naganap ang insidente sa panulukan ng Lacson at Dapitan Sts., Sampaloc, Manila.


Nauna dito, nakaupo sa harapang bahagi ng kanyang sasakyan Isuzu DMax (ZEG 123) na puti ang biktima na minamaneho ng isang Danilo Dela Cruz, 47, habang nasa likurang bahagi nakaupo ang isang Norelito Taruca, 50, nang pagsapit sa nasabing lugar ay huminto ang kanilang sinasakyan nang mag-red light.


Sa naunang ulat, nabatid na mga kagawad ng tserman ang kasama nitong nakasakay sa naturang sasakyan nang maganap ang pananambang.


Isang motorsiklo na magkaangkas na sinakyan ng mga suspek na kapwa naka-helmet ang tumabi sa kanilang sasakyan at walang sabi-sabing pinaputukan ang biktima.


Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.


Sa gulat, naglabasan ang kasamahan ng biktima sa sasakyan at humingi ng saklolo.


Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa pagpatay. Jocelyn Tabangcura-Domenden


.. Continue: Remate.ph (source)



Tserman, todas sa riding-in-tandem


Kauna-unahang Pinoy uupo sa ICJ

NAHIRANG si retired Supreme Court (SC) associate justice Adolf Azcuna bilang bagong commissioner ng International Commission of Jurists (ICJ).


Ang ICJ ay isang international human rights non-governmental organization.


Matatandaang si Azcuna ay dating nanilbihan bilang associate justice mula 2002 hanggang 2009.


Siya rin ang kauna-unahang Pinoy na uupo sa ICJ.


Nabatid na ang naturang kapulungan ay binubuo ng 60 judges at abogado mula sa iba’t ibang rehiyon sa mundo.


Bago naging mahistrado, naitalaga rin si Azcuna bilang presidential legal counsel ni dating Pangulong Corazon Aquino.


Naging chancellor din siya ng Philippine Judicial Academy mula noong taong 2009.


Agad na binati ng MalacaƱang ang nakuhang karangalan ni Azcuna para sa Pilipinas. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Kauna-unahang Pinoy uupo sa ICJ


Bagong LPA, lumalapit sa Pinas

MAYROON na namang namataang bagong low pressure area (LPA) na papalapit sa ating bansa.


Kasabay ito ng paglayo ng LPA na naghatid ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng ating bansa nitong mga nakaraang araw.


Huling namataan ang bagong namumuong sama ng panahon sa layong 1,550 kilometro sa Silangan ng Mindanao.


Habang ang naunang LPA naman ay natukoy sa 500 kilometro sa Kanluran ng Ambulong, Batangas.


Dahil dito, ang CARAGA, Davao, Northern Mindanao, Western Visayas at Palawan ay magkakaroon ng makulimlim na papawirin.


Habang ang Metro Manila naman ay unti-unting magkakaroon ng maaliwalas na panahon. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Bagong LPA, lumalapit sa Pinas


SC, iginiit na nanghingi ito ng pondo para sa eCourts

Taliwas sa pahayag ng MalacaƱang, iginiit ng Korte Suprema na nanghingi sila ng budget para sa electronic courts (eCourts) ng hudikatura. .. Continue: GMANetwork.com (source)



SC, iginiit na nanghingi ito ng pondo para sa eCourts


‘Greatest Escape’: Mga Pinoy, nailigtas matapos ang 7-oras na bakbakan sa Golan Heights

Nakatakas ang tropa ng mga Pilipinong tumatayo bilang peacekeepers ng United Nations sa Golan Heights matapos ang halos pitong oras ng pakikipagsagupa sa mga rebeldeng Syrian, ayon sa Armed Forces of the Philippines nitong Linggo. .. Continue: GMANetwork.com (source)



‘Greatest Escape’: Mga Pinoy, nailigtas matapos ang 7-oras na bakbakan sa Golan Heights


Pinoy kumasa sa Syrian rebels

MANILA, Philippines - Nagsimula na nitong Sabado ng umaga ang umaatikabong palitan ng putok sa pagitan ng AFP peacekeepers at umaatakeng Syrian rebels sa Gol .. Continue: Philstar.com (source)



Pinoy kumasa sa Syrian rebels


Libong OFWs sa Libya susunduin ng barko

MANILA, Philippines - Muling magpapadala ng barko ang Philippine Rapid Response Team (RTT) sa Libya upang sunduin ang nasa 1,000 Pinoy na apektado ng kaguluh .. Continue: Philstar.com (source)



Libong OFWs sa Libya susunduin ng barko


4 patay sa jailbreak

MANILA, Philippines - Apat katao kabilang ang isang jailguard ang nasawi habang 8 pa ang nasugatan matapos mauwi sa shootout ang jailbreak sa detention cell .. Continue: Philstar.com (source)



4 patay sa jailbreak


MalacaƱang muling nagpaalala sa OFWs sa pagdadala ng droga

MANILA, Philippines - Nagpaalala na naman kahapon ang MalacaƱang sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na natutuksong magdala ng ilegal na droga kapalit ng .. Continue: Philstar.com (source)



MalacaƱang muling nagpaalala sa OFWs sa pagdadala ng droga


Ekonomiya bumabagsak sa pulitika ng ‘MAD’

MANILA, Philippines - Nagbubunsod na umano ng pagkabawas ng kumpiyansa ng mga negosyante sa Pilipinas ang maraming ingay sa pulitika na nalilikha rin ng admi .. Continue: Philstar.com (source)



Ekonomiya bumabagsak sa pulitika ng ‘MAD’


Ombudsman kulang sa abogado

MANILA, Philippines - Aminado si Ombudsman Conchita Carpio-Morales na nahihirapan silang punan ang kakulangan ng mga abogado sa bansa. .. Continue: Philstar.com (source)



Ombudsman kulang sa abogado


Ipinadalang pera para sa lalaki sa Bulacan, nakuha ng kapangalan sa Cebu

Dobleng ingat ang dapat gawin ng mga nagpapadala ng pera sa pamamagitan ng courier. Sa Bulacan, isang lalaki ang nawalan ng P14,000.00 matapos makuha ang nasabing padalang pera sa sangay ng isang money remittance center sa Cebu. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Ipinadalang pera para sa lalaki sa Bulacan, nakuha ng kapangalan sa Cebu


Jail officer, 2 preso, patay sa barilan sa loob ng kulungan sa Zamboanga

Tatlo ang nasawi-- kabilang ang isang jail officer--sa naganap na barilan sa loob ng piitan sa Siocon, Zamboanga del Norte nitong Biyernes ng gabi. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Jail officer, 2 preso, patay sa barilan sa loob ng kulungan sa Zamboanga


Driver tigbak sa pamamaril

TIGBAK ang isang driver makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang salarin sa Brgy. Commonwealth, Quezon City kaninang madaling-araw, Agosto 30, Sabado.


Kinilala ang biktima na si Valentino Torres, 43, may-asawa, part time driver ng Ericson St., Dona Nicasia subd., Brgy. Commonwealth, QC.


Si Torres ay nasawi dahil sa tinamong apat na tama ng bala sa katawan.


Ayon sa ulat ni PO3 Hermogenes Capili ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang insidente sa Payatas Road, Ipil-Ipil St., Payatas B, QC, dakong 4:30 ng madaling-araw.


Sinabi sa ulat na pinakiusapan si Torres para ipagmaneho ang isang Evelyn Lisardo kung kaya nagtungo ang una sa bahay nito sa Payatas, QC.


Habang binubuksan na ng biktima ang gate ng bahay ni Lisardo sunod-sunod na pinagbabaril ang una ng hindi kilalang salarin na ikinasawi nito noon din.


Inaalam na ng mga pulis ang suspek sa naturang krimen. Santi Celario


.. Continue: Remate.ph (source)



Driver tigbak sa pamamaril


Cotabato municipal administrator tumba sa hired killer

ITINUMBA ng isang hired killer sa Cotabato City ang municipal administrator ng South Upi town, Maguindanao, nitong nakaraang Biyernes ng gabi, Agosto 29.


Sinabi ni Senior Supt. Rolen Balquin, director ng Cotabato City Police na namatay noon din sanhi ng tinamong tama ng cal. 45 sa may kili-kili ang biktimang si Anastacio Sidik Roxas, 64, municipal administrator ng South Upi town sa second district ng Maguindanao.


Ayon sa nakasaksi, naglakad lamang ang suspek na parang walang nangyaring at inilarawan itong 35-38-anyos, nakaberdeng t-shirt at itim na short pants.


Sa ulat, naganap ang insidente dakong 5:25 nitong Biyernes ng hapon na ilang metro lamang ang layo sa Cotabato City police precint 1.


Bago ito, ipinarada ng biktima ang kanyang sasakyan sa tabi ng kalsada na ilang metro lamang ang layo sa nasabing presinto.


Pero habang pababa na ng sasakyan, sumulpot ang suspek at niratrat ang biktima saka tumakas.


Mahigit 200 katao na ang napatay sa lunsod sa serye ng pagatake simula pa noong 2010. Robert Ticzon


.. Continue: Remate.ph (source)



Cotabato municipal administrator tumba sa hired killer


Batangas, uulanin dahil sa LPA

POSIBLENG makaranas ng pag-ulan ang lalawigan ng Batangas dahil sa papalapit na low pressure area (LPA) sa naturang lugar.


Ayon sa PAGASA, dakong 10:00 ng umaga kanina, Agosto 30, Sabado, ang LPA ay namataan sa layong 390 kilometro ng kanluran ng Ambulong, Batangas.


Bunsod nito, makararanas din ng pag-ulan ang ilang bahagi ng Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas at Metro Manila.


Bagama’t tinaya ng PAGASA na hindi naman magiging bagyo ang naturang sama ng panahon at agad itong malulusaw, patuloy pa ring pinapayuhan ng weather bureau ang mga residente sa nabanggit na mga lugar na mag-ingat dahil sa mga pagbaha o landslide na maranasan dulot ng mga pag-ulan doon. Santi Celario


.. Continue: Remate.ph (source)



Batangas, uulanin dahil sa LPA


Usec. Valte, tinanggap ang ice bucket challenge

CHALLENGE ACCEPTED!


Ito ang tugon ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte sa naging hamon ni ABS-CBN news anchor Ted Failon sa kanilang tatlong tagapagsalita ni Pangulong Benigno Aquino III na mag-ice bucket challenge.


Iyon nga lamang ay hindi magpapabuhos ng malamig na tubig o yelo si Usec. Valte dahil 24 oras lamang ang palugit para gawin ang hamon kundi magdo-donate ito ng maliit na halaga sa Philippine General Hospital (PGH) kung saan mayroong pasyente na may ALS (amyotrophic lateral sclerosis).


“Challenge accepted, so… ‘Yung, ano lang po, the donation will be made to… Meron po pala tayong… Napag-alaman ko rin po na meron po tayong mga pasyenteng merong ALS (amyotrophic lateral sclerosis) sa PGH (Philippine General Hospital), doon sa neuro ward. So dahil wala pa naman pong lunas ‘yung sakit na ALS, naisip ko po na magandang halimbawa ‘yung ginawa ni Brother Armin Luistro at ni Secretary (Dinky) Soliman na doon po mag-donate para doon sa nagiging bills ‘nung mga pasyente ng ALS natin naman dito. Kumbaga, ‘yung mga meron nang sakit, magbibigay na lang po tayo ng maliit na donasyon para po sa kanila,” ani Usec. Valte.


Ipinaliwanag ni Usec. Valte na hindi dapat mag-alboroto ang mga taong umaapela sa pamahalaan na sa halip na patulan ang ice bucket challenge at mag-donate ng $100 sa ALS foundation ay ituon na lamang ito sa mga mahihirap na bossing ni Pangulong Benigno Aquino III.


Aniya, dapat na malaman ng pubiko na may mga Filipino o boss si Pangulong Aquino na nasa PGH ngayon at nakikipaglaban sa kanilang sakit na ALS.


“Pwede rin po siguro ‘yon dahil it’s also for the same cause at nakakatulong din po tayo doon sa mga Pilipinong meron pong dinadalang ganitong sakit,” aniya pa rin sabay sabing “Yung mga pasyente po naman natin sa PGH ang makakakuha ‘nung ating magiging tulong.” Kris Jose


.. Continue: Remate.ph (source)



Usec. Valte, tinanggap ang ice bucket challenge


Aleman na may kanser, nagbigti

DALA ng iniindang malalang sakit, nagbigti ang isang German national sa Masbate kaninang umaga, Agosto 30.


Dakong 7:30 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si Rolf Joseph Jeub Grabowitz, 69, retired engineer at tubong Rosengartchen Oberursel, Germany at nakatira sa Door 1, Kimberly Apartment, Bgy. Nursery, nasabing lungsod.


Sa imbestigasyon ng Masbate Police Provincial Office, ipinalupot ng biktima ang nylon rope sa kanyabng leeg saka itinali sa hagdan ng kanyang apartment.


Napag-alaman na si Grabowitz ay matagal nang may kancer sa ilong simula pa noong Hunyo 14 na humantong na rin para magkaroon ito ng depresyon.


Hindi naman inaalis pa ng awtoridad na may may foul play sa insidente kaya patuloy pa rin itong iniimbestigahan.


Isasailalim na rin ang bangkay ng biktima sa awtopsiya para mapapatotohanan naman kung talagang nagpagkamatay ito. Robert Ticzon


.. Continue: Remate.ph (source)



Aleman na may kanser, nagbigti


Kelot utas sa cara y cruz

TIGBAK ang isang lalaki makaraang umanong makipagbarilan sa mga pulis habang inaaresto dahil sa pagsusugal ng cara y cruz sa Novaliches, Quezon City kaninang umaga, Agosto 30, Sabado.


Kinilala ang nasawi na si Roy Adolfo, 26, may live in-partner ng Luisito cor. Magdalena St., Brgy. Gulod, Novaliches, QC.


Si Adolfo ay nasawi noon din dahil sa tinamong tama ng bala ng baril sa kanyang katawan.


Ayon kay SPO1 Joel Gagaza ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang insidente sa Tatlong Hari St., Sitio Aguardente, Brgy. Gulod, Novaliches, QC dakong 9:30 ng umaga.


Sinabi ni Gagaza na nakatanggap ng tawag mula sa concern citizens ang mga tauhan ng QCPD station 4 – Novaliches dahil sa paglalaro ng cara y cruz ng apat na kalalakihan sa naturang lugar na may nakasukbit na baril sa kanilang mga bewang.


Agad tinungo ng grupo nila Police Chief Inspector Raul Resoles ang naturang lugar at natiyempuhan ang apat na kalalakihan na naglalaro ng cara y cruz.


Sinita ng mga pulis ang mga lalaki subalit sa halip na sumuko bumunot ng baril ang mga ito at pinaputukan ang mga pulis.


Gumanti naman ang mga pulis na ikinasawi ng isa sa mga suspek habang nakatakas naman ang tatlong iba.


Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang .9mm na baril na baril ng nasawi. Santi Celario


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot utas sa cara y cruz


Malakanyang, pinaalalahanan ang mga OFWs na mag-ingat sa drug syndicate

PATULOY na kinalampag ng Malakanyang ang overseas Filipino workers (OFWs) laban sa modus operandi ng mga drug syndicate.


Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, na hindi nagsasawa ang pamahalaan na paalalahanan ang mga Pinoy workers na nagtatrabaho sa ibang bansa na magamit ng mga drug syndicate.


Ito’y makaraang mahatulan ng parusang kamatayan ang dalawang OFWs na sina Emmanuel Sillo Camacho at Donna Buenagua Mazon sa Vietnam bunsod ng pagpupuslit ng iligal na droga.


Sa kabilang dako, hindi malayong maharap din sa death penalty ang isang filipina drug courier na nahulihan ng 3 kilo ng shabu sa Kuala Lumpur International Airport.


Sinasabing itinago ng filipina ang dala nitong shabu sa kanyang bagahe kapalit ng P70,000 para dalhin ang shabu sa malaysia.


Kaya ang panawagan ni Usec. Valte ay mag-ingat ang mga OFws na ito sa mga drug syndicate. Kris Jose


.. Continue: Remate.ph (source)



Malakanyang, pinaalalahanan ang mga OFWs na mag-ingat sa drug syndicate


PNoy, muling inupakan ng kongresista dahil sa FOI bill

BINATIKOS ni Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon ang patuloy na pagtanggi ni Pangulong Aquino na sertipikahang urgent ang Freedom of Information Bill.


Ito’y matapos banggit i-interview sa radio na hindi niya sesertipikahang urgent ang FOI bill dahil hindi naman ito maituturing na national emergency.


Hindi aniya pang-madalian ang FOI kumpara aniya sa Sin Tax Law at Reproductive Health Law.


Ngunit ayon kay Ridon, ito’y pagpapakita lamang na pagdating kay Pangulong Aquino ay may double-standard pa rin ito sa pagsesertipika ng mga panukala.


“A national emergency is not needed to certify a bill as urgent. Just look at how Aquino readily declared the bill extending the bogus land reform law as urgent. Such pronouncement reveals the president’s double standards when it comes to certifying bills,” ani Ridon, isa sa mga may-akda ng FOI bill.


Giit pa ng kongresista na kung susuriing mabuti, dapat urgent bill na ang FOI sa dami aniya ng mga pondong nawawaldas ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno.


“Well, Mr. President, did you consider that billions of public funds are easily being funneled by corrupt politicians to their own pockets because of lack of public scrutiny? Lack of essential information that hinder Filipinos from being free and self-governing can actually be considered a national emergency in itself,” paalala pa ni Ridon sa pangulo.


Nakikitang dahilan ni Ridon kung bakit hindi masertipikahang urgent ang FOI bill ay dahil may itinatago ang administrasyong Aquino sa paggamit ng pondo sa DAP.


“It is apparent that the Aquino administration is hiding many secrets as regards the utilization of DAP funds. MalacaƱang’s refusal to disclose DAP details may indeed prove to be the single largest stumbling block to the passage of the FOI Bill,” dagdag pa ng kongresista. Meliza Maluntag


.. Continue: Remate.ph (source)



PNoy, muling inupakan ng kongresista dahil sa FOI bill


Pekeng pera sa Ilocos Sur, ikinababahala

ABRA, ILOCOS SUR – Nababahala ang banker association ng Northern Luzon dahil sa dumadami ang “proliferation” ng pekeng peso bills sa nasabing lalawigan.


Ayon sa bankers’ association, nagbigay sila ng advise sa mga negosyante na maging “vigilant” na mag-ingat sa perang kanilang tinatanggap at suriin kung ito ay fake o hindi.


Ayon sa report, kahapon ay nakasabat ang mga otoridad ng P6,000 worth ng pekeng peso bills.


Ang karamihan sa pekeng bills ay P1,000 at P500.


“Kapag ma-encounter ng mga ganito ibig-sabihin na may mga nagsi-circulate dito sa locality,” ani Land Bank of the Philippines Bangued (Abra) branch manager Rodolfo dela Paz.


Ayon sa report, nagbigay ng tip ang bankers association na ang totoong P1000 bills ay mayroong rough na texture samantalang a fake ang very soft ito.


Ang totong bills ay may dalawang letters at six to seven digit ito at hanapin ang blue at red fibers sa bills. Allan Bergonia


.. Continue: Remate.ph (source)



Pekeng pera sa Ilocos Sur, ikinababahala


5 volcanic quakes naitala sa Taal, 11 rockfalls sa Mayon

LIMANG volcanic quakes ang naitala sa Taal volcano sa Batangas habang 11 rock falls naman ang naitala sa volcanic quakes sa Mayon volcano sa Albay sa nakalipas na 24-oras ayon sa ulat kaninang umaga, Agosto 30, ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).


Sa kabila nito, nananatili pa rin sa alert level 1 ang bulkang Taal habang ang Mayon naman ay nakitaan ng white steam emission.


Gayunpaman, hindi pa rin maaring lapitan ang crater ng bulkang Taal dahil posible ring magkaroon ng biglaang steam explosions.


Samantala, dalawang volcanic quakes naman umano ang naitala sa bulkang Mayon sa Albay at 11 rock falls.


Nagkaroon din umano ng steam emission sa Mayon.


Nabatid na itinaas na sa alert level 2 ang Mayon bunsod ng pag-aalburuto nito na nagbabadya ng mas malaking pagsabog. Robert Ticzon


.. Continue: Remate.ph (source)



5 volcanic quakes naitala sa Taal, 11 rockfalls sa Mayon


Panukalang batas: 3-day leave with pay para sa empleyadong may anak na nag-aaral, iminungkahi

Kabilang ka ba sa ina o ama na nalulungkot kapag hindi nasasamahan ang anak sa kaniyang school activities dahil hindi makaliban sa trabaho bunga ng umiiral na patakaran na "no work, no pay?" Basahin ang magandang balitang ito na galing sa Kamara de Representantes. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Panukalang batas: 3-day leave with pay para sa empleyadong may anak na nag-aaral, iminungkahi


LPA lalabas na ng bansa

POSIBLE makakalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang binabantayang low pressure area (LPA) sa loob ng 24-oras.


Ayon sa PAGASA, asahan pa rin ang maulap at katamtamang mga pag-ulan at thunderstorms sa Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, at Western Visayas.


Mahina hanggang sa katamtamang lakas ng hangin naman ang mararanasan sa bahagi ng Palawan, Visayas at Mindanao, mula sa kanluran kanlurang-silangan ng malaking bahagi ng Luzon.


Ang alon sa mga coastal waters sa buong bansa ay mananatiling mahina hanggang sa katamtaman.


Sa kabila ng pag-ulan na nagdulot ng pagbaha sa ibang lugar sa bansa nitong nakaraang araw, maaari pa rin umanong makaranas ng El NiƱo sa mga susunod na buwan.


Ayon sa Bureau of Meteorology ng Australia, apat sa pitong climate models ng mga ito ang nagpapahiwatig na makararanas pa rin ang bansa ng El NiƱo sa mga susunod na buwan.


Maari umanong maranasan ang malubhang El NiƱo sa mga susunod na buwan hanggang sa summer ng 2015.


Aabot umano sa 50 porsyento sa kanilang pagtaya ang tyansa na makararanas ng El NiƱo ang bansa. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



LPA lalabas na ng bansa


1,000 OFWs sa Libya, susunduin ng inarkilang barko

MAGPAPADALA ng barko ang Philippine Rapid Response Team (RTT) sa Malta upang sunduin ang 1,000 Pinoy mula Libya na inilikas sa iba’t ibang parte ng Europa.


Ito’y sa kabila ng unang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi na barko ang susundo sa ililikas na overseas Filipino workers (OFW) dahil hindi nasasagad ang kapasidad nito na 1,500 pasahero.


Kinumpirma ni Consul General Leila Lora-Santos ng Philippine Embassy sa Roma na susunduin ang mga Pinoy sa iba’t ibang daungan ng inarkilang barko mula sa Southern Europe na lalayag ngayong Sabado.


Unang hihintuan nito ay ang Benghazi port sa Libya na maraming Pinoy ang inilikas at dadaong sa iba pang lugar na naghihintay ang ilang OFWs.


Samantala, maraming Pinoy na rin ang pansamantalang nailikas sa Malta upang makunan ng flight pauwi naman ng Pilipinas sa pakikipagtulungan ng kanilang mga pinagtatrabahuhang kumpanya. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



1,000 OFWs sa Libya, susunduin ng inarkilang barko


Pag-iibigan nina Enzo Pastor at Dalia Guerrero, mauwi nga kaya sa trahediya?

Hindi makapaniwala ang mga nakakakilala sa mag-asawang Enzo Pastor at Dalia Guerrero, na madadawit ang huli sa karumal-dumal na pagpatay sa una. Kung paniniwalaan ang sinumpaang salaysay ng umano'y hitman ni Enzo, lumalabas na batid ni Dalia ang plano na itumba ang kaniyang asawa. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Pag-iibigan nina Enzo Pastor at Dalia Guerrero, mauwi nga kaya sa trahediya?


Friday, August 29, 2014

Libu-libong empleyado ng Malaysia Airlines, sisibakin

AABOT sa 6,000 empleyado ng Malaysia Airlines ang iniulat na sisibakin matapos ang twin aviation disasters ng flight MH370 at MH17.


Sinabi ni Majority Investor Khazanah Nasional na 14 na workforce na lamang ang ititira at magiging state owned na ang Malaysia Airlines.


Ang hakbang ay bahagi ng recovery plan mula nang maganap ang insidente na misteryoso pa ring nawawala hanggang ngayon ang flight MH37O mula noong March 8, samantalang mahigit 200 ang namatay sa MH17 flight matapos pinabagsak sa Eastern Ukraine.


Sinasabing 1.3-billion US dollars ang nawala sa Malaysia Airlines sa loob ng 3 taon habang lalo pang bumagsak ang kita nito dahil sa dalawang nabanggit na trahedya.


Mananatili munang CEO ng Malaysia Airlines si Ahmad Jauhari Yahya hanggang July 2015, bagama’t magtatalaga na ng kapalit bago matapos ang taong ito. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Libu-libong empleyado ng Malaysia Airlines, sisibakin


Pinoy, hinatulan ng kamatayan sa Vietnam

HINATULAN ng kamatayan ang isang Pilipino dahil sa umano’y pagpuslit ng cocaine sa Vietnam.


Ayon sa report ng State Media ng Vietnam, si Emmanuel Sillo Camacho, 39, ay convicted sa pagpupuslit ng 3.4 kilo ng cocaine mula sa Brazil.


Si camacho ay naaresto sa Bai International Airport sa Hanoi noong December 2013.


Sinabi ni Camacho na pinangakuan siya ng trabaho sa Brazil na siya ay susuweldo ng 1,500 dollars kada buwan para ipuslit ang cocaine. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Pinoy, hinatulan ng kamatayan sa Vietnam


Midwife, kinidnap sa Sulu

DINUKOT ng mga hinihinalang Abu Sayyaf ang isang midwife sa Barangay Linbug Kabaw, Panglima Estino, Sulu.


Ayon sa report, papunta na sa kanyang trabaho sa Luuk District Hospital ang biktimang kinilalang si Lailani Bernabe nang dukutin ng mga armadong kalalakihan pinaniniwalaang dinala ng mga suspek ang biktima patungo sa Barangay Bagsak, Talipao, Sulu.


Sa ngayon nagpapatuloy ang isinasagawang recue operations ng Philippine Marines laban sa mga dumukot sa naturang midwife. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Midwife, kinidnap sa Sulu


3 Gilas tampok sa official music video ng FIBA World Cup 2014

UMANI ng suporta sa mga viewers ang official music video ng FIBA World Cup na ‘Sube la Copa’ o ‘Raise the Cup’ na nai-release lamang noong Huwebes.


Na-feature sa nasabing music video ang mga sikat na international basketball players na kumanta, naglaro at sumayaw para sa flagship ng iba’t ibang bansang kalahok sa World Cup.


Ang mga players sa video ay sina Pau Gasol, Serge Ibaka, Jose Calderon at Ricky Rubio ng Spain; Luis Scola, Andres Nocioni at Pablo Prigioni ng Argentina; Ante Tomic, Bojan Bogdanovic at Dario Saric ng Croatia; Marcelinho Huertas ng Brazil; Gustavo Ayon at Jorge Gutierrez ng Mexico.


Hindi rin nagpahuli sa pag-indak ang Gilas Pilipinas players na sina Japeth Aguilar, Ranidel de Ocampo at Gabe Norwood na napili para sa music video.


Ang ‘Sube la Copa’ ay sinulat at ni-record ng award-winning Spanish singer na si Huecco na kilala sa kanyang medley ng rock, electro, latin rhythms, flamenco at hip hop flavours. Marjorie Dacoro


.. Continue: Remate.ph (source)



3 Gilas tampok sa official music video ng FIBA World Cup 2014


7-anyos, ginahasa ng 17-anyos

IBINUNYAG na ng isang bata ang isang taong paglilihim sa kanyang naranasang pang-aabuso mula sa isang binatilyo.


Sa ulat ng Quezon Police Provincial Office, nabatid na taong 2013 pa nang molestyahin ng 16-anyos na suspek ang 7-anyos na babae.


Nakita umano ng suspek na nasa loob ng bahay ang biktima kasama ang isa niya pang kapatid kung kaya pumasok ito at sapilitang ginahasa ang bata.


Nasaksihan pa umano ng kapatid ng biktima ang buong pangyayari ngunit sa takot na may gawin pang masama sa kanila ang suspek ay hindi na lamang ito umimik.


Subalit hindi na nakatiis pa ang biktima kung kaya nagsumbong na ito sa kanyang ina na agad namang dumulog sa pulisya.


Nasampahan na ng kasong rape ang suspek na hanggang ngayon ay pinaghahanap pa. Marjorie Dacoro


.. Continue: Remate.ph (source)



7-anyos, ginahasa ng 17-anyos


House Bill 4807, hindi anti-selfie

BINALAAN ni House Committee on Public Information at Misamis Occidental Rep. Jorge Almonte ang mga nagbibigay ng bansag na anti-selfie bill sa House Bill 4807.


Ayon sa opisyal, panlilito ang ginagawa ng mga nagpapakalat ng naturang maling “tag” sa panukalang batas na may pamagat na “Protection Against Personal Intrusion Act” dahil hindi naman ito “anti-selfie.”


Paliwanag ni Almonte, ang pagkuha ng larawan, video at audio sa pribadong tao para gamitin sa commercial purposes ang siyang bawal.


Habang ang pagkuha ng litrato at video sa sariling mukha ay hindi kailanman ipagbabawal.


Dismayado rin si Buhay Partylist Rep. Lito Atienza sa bansag na anti-selfie dahil naliligaw umano ang konteksto ng mga nagpapakalat nito.


Payo ng mga mambabatas, magbasa muna ang publiko o sinumang magkokomentaryo dahil baka sa bandang huli ay mapahiya pa ang mga ito kapag nalaman ng tao na mali ang kanilang intindi sa isinusulong na panukalang batas. Marjorie Dacoro


.. Continue: Remate.ph (source)



House Bill 4807, hindi anti-selfie


3 negosyante ng bakal kinasuhan ng Customs

SINAMPAHAN ng Bureau of Customs (BoC) ang tatlong negosyante ng mga steel products sa bansa.


Ang mga kinasuhang negosyante ay kinilalang sina Archer Blaze na pag-aari ni Tessie Ligon at custom broker Aloha Pamintuan, Echo Titan na pag-aari ni Renator Miranda at Customs broker Junnil Rollon dahil sa paglabag sa Tariff and Customs Code of the Philippines.


Ayon sa BoC, peke ang mga dokumentong isinumite at hindi nagdeklara ng tamang bigat, ganon din ang presyo ng mga kargamento na naglalaman ng mga angle bars, steel round bars at flat bars.


Pinakita rin ng BoC ang pekeng conditional release permits para maisaayos ang mga kargamento na nakakarga sa 47 mga 20-foot containers. Marjorie Dacoro


.. Continue: Remate.ph (source)



3 negosyante ng bakal kinasuhan ng Customs


Vice Ganda kinastigo sa kalaswaan

IPINATAWAG na para kastiguhin ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang komedyanteng si Vice Ganda.


Pinadadalo ang television host ng It’s Showtime na sa tunay na buhay ay si Jose Mari Viceral sa “mandatory conference” ng MTRCB kasama ang mga executive ng “Gandang Gabi Vice” (GGV) dahil sa paghihirit nito ng mga “double meaning languages” na pawang mga malalaswa ang ibig-sabihin.


Sasailalim sa seminar ang TV host at ang mga staff ng talkshow na umeere tuwing Linggo ng gabi.


Ayon naman sa isang ulat, inabisuhan din ang GGV na iwasang mag-guest ng mga menor-de-edad.


Ayon sa National Council for Children’s Television, bad example for children ang mga patawa o green jokes ni Vice Ganda. Robert Ticzon


.. Continue: Remate.ph (source)



Vice Ganda kinastigo sa kalaswaan


Jailbreak sa Zamboanga, 3 tigbak, 8 sugatan

TATLO ang nalagas habang walo naman ang nasugatan sa nangyaring maaksyong jailbreak sa Zamboanga del Norte provincial jail sa may Barangay Poblacion sa bayan ng Siocon sa Zamboanga del Norte provincial jail nitong Biyernes, alas-7:55 p.m., Agosto 29.


Kabilang sa mga namatay ay ang jail guard na si JO1 Ryanbel Bagun at ang dalawang presong sina Ruel Humoc at Preciouso Humoc.


Sugatan naman ang walo, kabilang ang dalawang pulis na sina P03 Romel Jay Hachuela at P01 Paul Tombic; dalawang jail guards na sina J02 Roldan Felizarta at Patric Galvez, habang apat naman ay mga preso na nakilalang sina Reneboy Humoc, Lito Magsayo, Ryllmark Canonio at si Zenaid Insu.


Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), naaresto na nilang lahat ang mga tumakas na preso sa kanilang isinagawang joint operation kasama ang PNP at mga sundalo.


Sa pagsisiyasat ng Zambonga City Police, lumabas na may isang preso na hindi nakuha ang pangalan ang biglang nang-agaw ng baril sa isang jailguard hanggang sa umalingangaw na lamang ang sunod-sunod na putok ng baril at nakitang nakabulagta ang tatlong katao.


Lalo namang nagkagulo nang samantalahin ng ilang mga preso ang nasabing insidente para tumakas.


Iniimbestigahan pa ng awtoridad ang nasabing jailbreak para matukoy kung ano ang naging pagkukulang ng BJMP sa insidente. Robert Ticzon


.. Continue: Remate.ph (source)



Jailbreak sa Zamboanga, 3 tigbak, 8 sugatan


Pinay, nahulihan ng 3kg shabu sa Malaysian airport

Maaaring mahaharap sa parusang kamatayan ang isang Pilipina matapos siyang mahulihan ng tatlong kilong methamphetamine hydrochloride (shabu) sa Kuala Lumpur International Airport. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Pinay, nahulihan ng 3kg shabu sa Malaysian airport


PAULIT-ULIT NA HATAK

PAULIT-ULIT na mga pasaway na pedicab driver ang pinaghahatak ng mga tauhan ng traffic enforcer sa kanto ng United Nations Avenue at Taft Avenue na nakahambalang at walang mga permit na bumibiyahe sa Maynila. EDDIE LEANILLO


.. Continue: Remate.ph (source)



PAULIT-ULIT NA HATAK


90 days suspension ni Jinggoy tuloy

MANILA, Philippines - Pinagtibay na ng Sandiganbayan Fifth Division ang naunang desisyon nito na suspendihin ng 90 araw si Sen. .. Continue: Philstar.com (source)



90 days suspension ni Jinggoy tuloy


UNA sa LP: ‘Wag nang humirit sa term extension

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng kumpiyansa si United Nationalist Alliance Secretary-General Toby Tiangco na hihinto na ang makaadministrasyong Liberal Pa .. Continue: Philstar.com (source)



UNA sa LP: ‘Wag nang humirit sa term extension


Pinoy peacekeepers nakiki-paggirian sa Syrian rebels

MANILA, Philippines - Hindi susuko ang 75 Pinoy peacekeepers na nakikipaggirian ngayon sa mga Syrian rebels sa Golan Heights. .. Continue: Philstar.com (source)



Pinoy peacekeepers nakiki-paggirian sa Syrian rebels


Kahit may giyera OFWs nakakapasok pa rin sa Libya

MANILA, Philippines - Nakakapasok at nakabalik pa rin sa Libya ang mga OFWs kahit nakataas sa alert level 4 ang sit­wasyon doon. .. Continue: Philstar.com (source)



Kahit may giyera OFWs nakakapasok pa rin sa Libya


Sen. Poe sumakay ng MRT

MANILA, Philippines - Nakipila kahapon at sumakay ng MRT si Sen. .. Continue: Philstar.com (source)



Sen. Poe sumakay ng MRT


Isyu sa China napapabayaan na

MANILA, Philippines - Napapabayaan na umano ng gobyerno ang territorial defense habang ang China ay walang tigil sa pagpapalakas ng presensiya sa West Philip .. Continue: Philstar.com (source)



Isyu sa China napapabayaan na


Rehiyon sa bansa na may pinakamaraming kaso ng rape at karahasan sa kababaihan

Alam niyo ba kung saang rehiyon sa bansa ang may naitalang pinakaraming kaso ng pang-aabuso at insidente ng karahasan laban sa kababaihan? .. Continue: GMANetwork.com (source)



Rehiyon sa bansa na may pinakamaraming kaso ng rape at karahasan sa kababaihan


Bangkay ng babae na may tama ng bala sa ulo, natagpuan sa overpass ng NLEX

Isang babae ang natagpuang patay sa overpass ng North Luzon Expressway sa Mabalacat, Pampanga nitong Biyernes ng umaga. Palaisipan pa kung bakit pinaslang ang biktima pero tila malabo umano na pagnanakaw ang motibo sa krimen dahil hindi nawala ang bag nito. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Bangkay ng babae na may tama ng bala sa ulo, natagpuan sa overpass ng NLEX


Bangkay ng lalaki na nasa sako, nakita sa sapa; ulo at kanang braso, nawawala

Kakila-kilabot ang sinapit na kamatayan ng isang lalaki na natagpuan ang bangkay na nakalagay sa sako at wala ang ulo at isang braso sa Ilocos Norte. Ayon sa ina ng biktima, bago nawala ang anak, nagbilin ito sa kaniya na ibalot na lang siya sa kumot at itapon sa ilog kapag siya ay namatay. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Bangkay ng lalaki na nasa sako, nakita sa sapa; ulo at kanang braso, nawawala


Djokovic cruises into third round

NOVAK DJOKOVIC routed Paul-Henri Mathieu, 6-1, 6-3, 6-0, on Thursday (Friday morning in Manila) to advance into the third round of the U.S. Open.


The Serbian top seed fired 13 aces and 33 total winners against the Frenchman.


This kind of performance helped dispel any lingering suggestion that marriage and impending fatherhood had distracted Djokovic from the game.


“I think there is no question about it, my full priorities and commitments and energy goes to my family as much as I need to, but that doesn’t mean that I’m not going to continue on doing what I was doing so far,” Djokovic said.


Djokovic, whose four trips to the final in the past four years earned him only one title in 2011, wwill next face American Sam Querrey.


Querrey, one of just three US men to make it into the second round, advanced with a 6-3, 6-4, 6-4 win over 28th-seeded Spaniard Guillermo Garcia-Lopez. Noli Cruz


.. Continue: Remate.ph (source)



Djokovic cruises into third round


Lugar na bentahan ng pirated DVD at iba pang optical media, sinalakay sa Iloilo city

Sinalakay ng mga awtoridad ang magkakahiwalay na lugar sa Iloilo City na pugad ng bentahan ng mga pirated optical discs. Tinatayang nasa 200 sako ng piniratang CD, VCD at DVD ang nakumpiska na nagkakahalaga ng P28 milyon. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Lugar na bentahan ng pirated DVD at iba pang optical media, sinalakay sa Iloilo city


26-anyos na HS student, nahuling gumagamit daw marijuana sa loob ng paaralan

Isang 26-anyos na high school student sa Bacolod City ang dinakip matapos na mahuling gumagamit umano ng marijuana sa loob mismo ng pinapasukang paaralan. .. Continue: GMANetwork.com (source)



26-anyos na HS student, nahuling gumagamit daw marijuana sa loob ng paaralan


Ilang menor de edad na biktima ni 'Yolanda' sa probinsiya, nasagip sa prostitusyon sa Caloocan

Tinakasan nila ang kahirapan sa Samar dahil sa hagupit ng bagyong "Yolanda." Sa pagpunta nila sa Metro Manila, nasadlak naman sila sa putikan matapos mapasok sa iligal na gawain ng pagbebenta ng katawan. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Ilang menor de edad na biktima ni 'Yolanda' sa probinsiya, nasagip sa prostitusyon sa Caloocan


MANILA CITY TRAFFIC

FOR the first time last Wednesday, after months of not having taken a public ride that pass through the streets of Manila, I found out that traffic is now flowing smoothly in the area (although it is another story in Espana which turns into a sea of floodwaters during or after a short but heavy downpour).


Like many commuters who once patronized the MRT but opted to take other means of public transportation for fear of another MRT breakdown (indeed, I was told there was a train malfunction again that day), I took instead an airconditioned bus to Pasay and found myself enjoying the very cool and comfortable bus ride and appreciated the almost full view of Quiapo Church and the people hearing mass.


Except for one or two vendors, the vicinity has been cleared and people could start appreciating the church is a central landmark of the City. After Quiapo bridge, I started to wonder where the bus was taking us when it reached Lawton, as it turned to its right and took the street before reaching Plaza Lawton and entered a bus terminal.


It stopped only to unload people and went out again towards Taft Avenue. Again, I saw the splendor of the Post Office Building and realized that the area has ceased to be a loading and unloading area. Thanks to the Manila Traffic and Parking Bureau led by its very energetic and hardworking Officer in Charge, Carter Don Logica.


I received a complaint, though, from PLM Professor Bella Robles about the horrendous traffic along Chinese General Hospital, made worse, she said, by “defective traffic lights, undisciplined drivers, and illegally parked vehicles.”


Annie Tubera, Media Affairs officer of the Office of Vice-Mayor Isko Moreno, attributed the traffic to the construction of the streets in the area. I am sure that the most visible person in the streets of Manila these days, OIC-Director Carter Don Logica, will immediately act on the matter as soon as it reaches him. BEEN THERE, DONE THAT/Josephine Jaron-Codilla


.. Continue: Remate.ph (source)



MANILA CITY TRAFFIC


QC’S DIAMOND JUBILEE

QUEZON City Mayor Herbert “Bistek” Bautista and the Sangguniang Panlunsod have partnered to come up with a resolution primarily aimed at effectively promoting its rich cultural, historical and artistic wealth in time for the city’s diamond jubilee celebration.


Noting the importance of the city’s cultural history in making its people proud of its uniqueness, the mayor is determined to keep all QC’s historical treasures protected, preserved and, at the same time known to all, especially school children.


For her part, Vice-Mayor Joy Belmonte, the council’s presiding officer, says the Sanggunian has come up with a measure which will task the city’s tourism department and the Division of City Schools to come up with a program designed to promote the rich cultural, historical and artistic wealth as part of the celebration of the 75th founding anniversary of the city this October.


Mayor Bistek explains that the growth of a city can not only be measured on account of its financial stability, with the high skyscrapers that fenced the city’s territory and the standard of living that its constituents enjoy, but also by being aware of the rich well-preserved historical treasures of the city that characterize places in QC.


“We have a rich cultural heritage, and therefore there is a need to educate our young constituents to open their mind on the importance of the city’s history, culture and arts so they will also be proud of the city’s past,” the city chief executive says.


To conserve and preserve QC’s historical treasure, the city council has approved Resolution No. SP-5997, S-2014 urging the QC Division of City Schools and the city’s Tourism Department to prepare programs teaching the city’s history, culture and arts as part of the city’s 75th founding anniversary, Vice-Mayor Belmonte says.


Quezon City has a rich historical, cultural and artistic heritage that residents of the city should be proud of, according to the daughter of ex-mayor and now House Speaker Sonny Belmonte.


In celebration of the city’s founding anniversary, the local government through the resolution seeks to encourage young learners to open their minds on the relevance of commemorating historical events most significant to the historical, cultural and artistic heritage, and progress of the city.


The book entitled “The City With A Soul” written by Ma. Luisa T. Camagay shall serve as the main source of reference about the past and early traditions of QC, the resolution says. GOOD RIDDANCE/Arlie O. Calalo


.. Continue: Remate.ph (source)



QC’S DIAMOND JUBILEE


TOTOO ANG DEMONYO, TUMINGIN KA SA KATABI MO

SABI nila, ang pinakamalaking pagwawagi ng demonyo ay ang paniwalain ang mga tao na hindi siya totoo – that he does not exist.


Ikaw ba? Naniniwala ka ba na may demonyo? ‘Yan ang nakalulungkot. Marami kasi ang naisahan ng demonyo at ‘di na naniniwala na totoo si Satanas at iba pang evil spirits.


Kaya tuloy, ang gulo na ng mundo. Tumingin ka sa iyong paligid. Karahasan. Kriminalidad. Panggagahasa, atbp. Marami pa na kamag-anak ang salarin o may kagagawan. Iba na talaga ang mundo, sabi nila.


Natural ‘pag hindi ka naniniwala na may demonyo, hindi ka conscious, ‘di ka handa at ‘di mo pinoprotektahan ang iyong sarili laban dito.


Nasa ating harapan na ang lahat ng ebidensya ng pagiging aktibo ng demonyo sa ating lipunan, maging hanggang sa ating mga tahanan. Ngunit bulag pa rin tayo … o nagbubulagbulagan at ayaw bumitiw sa tamis at sarap na dulot ng mga masamang gawain natin.


Mapalad kami sa Diocese of Antipolo. Mabuti na lang at bukas ang mata ng aming Obispong si Gabriel Reyes at ng aming kaparian.


Kailan lamang ay tinatag ni Bishop Gabby ang Deliverance Ministry sa aming diyosesis.


Tinalaga niya noong Agosto 4 lamang ang apat na pari bilang mga exorcist priest: 1. Fr. Jeffrey Benitez Quintela ng parokya namin sa San Isidro Labrador, Nangka, Marikina; 2. Fr. Michael Balatbata, Antipolo Cathedral; 3. Fr. Rommel Felizardo, Our Lady of the Abandoned Parish, San Roque, Marikina; 4. Fr. Mark Anthony Naval, John Paul II Minor Seminary.


Hindi biro ang maging exorcist priest dahil kailangang wala kang bahid. Alam kasi ng demonyo ang pinakatinatago nating sikreto at gagamitin nila ito sa labanan. Kaya hindi lahat ng pari ay pwedeng maging exorcist.


Manalangin tayo na mapagtagumpayan ng apat na paring ito, sampu ng iba pang exorcist priest sa ibang diocese, ang mga demonyo sa mga taong napo-possess nito.


Kailan lamang daw ay 50 demonyo ang napalayas ni Fr. Jeff Quintela sa isang babaeng possessed ng demonyo. Ito ay ginanap mismo sa simbahan ng San Isidro Labrador. Naikwento lamang ito sa amin ni Fr. Nonoy na humingi ng dasal para sa mga kaparian.


Ngayon, ‘di ka na dapat magtataka na balot ng kasakiman at kademonyohan ang mga grupo ng ISIS (Islamic State of Iraq and Syria), Abu Sayaff, mga grupo sa Gaza, mga bully sa West Philippine Sea, atbp.


Ano sa palagay mo? ABISO/Paul Edward P. Sison


.. Continue: Remate.ph (source)



TOTOO ANG DEMONYO, TUMINGIN KA SA KATABI MO


UNANG GINTO

NAGDIRIWANG ang ating bansa, lalo na ang mundo ng Filipino sports.


Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakasungkit tayo ng ginto sa Youth Olympics Games, na ginanap sa Nanjing sa China.


Dala-dala ang bandila ng Pilipinas, buong giting na naipanalo ng batang Filipino Archer na si Gabriel Moreno ang kanyang laro sa Nanjing, sa tulong ng kanyang kapares na isang Chinese national sa mixed team event sa sports na Archery.


Hindi matatawaran ang kakayahan nating mga pinoy sa larangan ng Archery.


Maging ang aking anak ay interesado sa sports na ito at sumailalim din sa seryosong trainings.


Noon pa man ay mataas na ang pag-asa ko sa mga sport tulad ng Archery, Billiards at Beach Volleyballs para sa mga Pinoy.


Dahil tulad ng boxing, dito sa mga larangan na ito tayo maaaring maka-compete sa international stage.


At dito sa mga sport na ito malaki ang pag-asa natin na makahakot ng mga medalyang ginto.


Isa pa ang chess.


Hindi nga ba at kailan lang ay bumandera sa mga pahayagan ang dalawang batang Filipino chess players, isang 14-year old at isang 8-year old, na nagpapakita ng kakaibang galing sa sports na chess, pero ang nakalulungkot lang ay pinili nilang mag-training sa Amerika dahil sa paniniwalang mas makakukuha sila ng suporta roon imbes na rito sa sariling bayan.


Noon pa man ay iginigiit ko na, na mas dapat tutukan ng ating pamahalaan ang mga sport kung saan tayo mas may pag-asang makakuha ng ginto.


Napakalaking inspirasyon ang dinala ng batang si Gabe Moreno.


Dahil sa kanyang performance sa Nanjing ay mas tumaas ang pag-asa ng ating mga Archer na makapasok sa mga kumpetisyon sa international stage.


Kailangan lang talaga ng suporta, mula sa pamahalaan at pribadong sektor.


At ang nakukuhang atensyon ni Gabe Moreno ngayon dahil sa kanyang medalyang ginto, na unang-una para sa Pilipinas, ay perfect na promotion sa sports na ito.


Congratulations, Gabriel Moreno. Salamat sa iyong ipinakitang giting.


Sana ay una lang ito at marami pang ginto ang dumating. SIBOL/Atty. Ariel Enrile-Inton


.. Continue: Remate.ph (source)



UNANG GINTO


‘THE BEST ANG QCPD’

KAMAKAILAN ay nahirang na ‘The Best Police District ang Quezon City Police District (QCPD) sa National Capital Region (NCR). Hindi isa, kundi maraming beses nang nakatanggap ang QCPD ng ganitong pagkilala dahil sa mga extraordinary accomplishment.


Kumpara sa iba pang police districts sa Metro Manila, tila baga milya-milya ang layo ng QCPD sa kanilang anti-criminality campaign. Sa nakalipas na buwan lamang ay sunod-sunod ang achievements ng QCPD, notable sa mga ito ang busting isang big-time carnap ring.


Well-organized ang carnapping syndicate na ito, pero dahil sa dedikasyon sa trabaho, ‘di umubra ang sindikato sa QC police. Maraming nakaw na sasakyan ang nakuha sa grupo, pero ang pinakamahalaga, ang syndicate boss at mga tauhan ay mga nakakulong na.


At ilang araw lang ang nakararaan, nagpakitang-gilas na naman ang QCPD sa kanilang pagbuwag ng sindikato naman sa droga.


Kilo-kilong shabu na nagkakahalaga ng P75-million ang nakumpiska ng anti-narcotics operatives sa tatlong nadakip na drug dealer. Noong nakaraang buwan ay naunang nabuwag ng QCPD ang isang drug ring na nakuhanan din ng milyong halaga ng shabu.


Nais nating purihin ang buong QCPD District Anti-Illegal Drugs (DAID) sa pangunguna ni Senior Insp. Roberto Razon. Dahil sa matagumpay na magkasunod na drug operations, hindi lang QCPD ang mabango sa madla kundi ang buong kapulisan.


‘Yan nga ang sinasabi natin. Makahuhuli naman pala ang kapulisan ng kilo-kilong shabu kung talagang magtatrabaho lamang.


Tulad ng QCPD, kaya rin ng ibang distrito at ang buong kapulisan kung maging tunay lamang sila sa kanilang trabaho.


Sa totoo lang kasi, kapag pera na ng sindikato ang kumilos, nananaig na ang pagiging mukhang pera ng karamihan sa ating awtoridad.


Pero naniniwala rin tayo na ang mga police operative ay nagtatrabaho ayon sa anino ng pag-uugali ng boss na police official.


Isang halimbawa ay ang QCPD. Ito’y patunay lang na magaling si QCPD director C/Supt. Richard ‘Nero Wolfe’ Albano. CHOKEPOINT/Bong Padua


.. Continue: Remate.ph (source)



‘THE BEST ANG QCPD’


MAKIISA, TUMULONG SA MANILA BAYANIHAN!

NOONG Disyembre 18, 2008, ang Korte Suprema, bilang pagbibigay sa karapatan ng tao, upang balansehin ang paraang pangkalusugan ay nagbigay halaga sa pagpapatuloy ng mga suliranin sa kalusugan at pangunahing panganib na binibigyang halaga ng pamahalaan at ng mga kalapit nating mga bansa.


Sa Mandamus na nag-uutos sa 13 ahensya ng pamahalaan upang linisin at muling paunlarin at preserbahin ang Manila Bay sa kani-kanilang sariling pamamaraan. Dahil dito, ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) kasama ang mandamus na mga ahensya, mga katuwang, mga kasapi ay binago, lalo pang pinalawak ang Operational Plan para sa Manila Bay Coastal Strategy (OPMBCS), at pinaunlad lalo ang implementasyon ng balangkas ng plano para sa 2013-2017.


Ang plano ay naghihimatong sa mga pangunahing lugar na may kinalaman dito: tulad ng Water Pollution (liquid and solid waste management and informal settlers), Habitats and Resources Rehabilitation, at Partnership and Governanca (Enabling Mechanisms).


Sa pamantayan ng pagpapatupad sa iba’t ibang pamamaraan upang lalong mapaganda ang kondisyon ng Manila Bay at ang kanyang pangunahing sistema, ang mga mahahalagang resulta ay hindi pa rin makita. Marami pang dapat na gawin at isaayos. Ang pag-asenso ng kalidad ng tubig sa Manila Bay ay malayo pang makamit.


Nagkakaisa ang iba’t ibang stakeholders kung papaano gagawin upang makabubuti para sa Manila Bay, subalit dahil na rin sa kakulangan ng kaalaman ng ibang may magandang mithiin hindi pa rin maisakatuparan ang lahat ng pagbabago.


Dahil na rin sa kahalagahan ng information, education and communication (IEC), bilang isa sa mga makinarya upang itaguyod ang epektibong pagtutuwang, pinangunahan ng Manila Bay Coordinating Office (MBCO), ang “Manila Bayanihan: Para sa Kalinisan”, ang unified advocacy brand identity, para sa ikaaayos ng Manila Bay at magpapalakas sa mga naisin ukol sa bay’s environmental agenda. ANG INYONG LINGKOD/Dr. Hilda Ong


.. Continue: Remate.ph (source)



MAKIISA, TUMULONG SA MANILA BAYANIHAN!