PINASINAYAAN kamakailan nina Manila Water President at CEO Gerardo Ablaza, Jr. at ni Maynilad President at CEO Victorico Vargas ang Portal Flow System sa Common Purpose Facility ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa La Mesa Reservoir sa Quezon City.
Ang Portal Flow System ang titiyak ng ganap na kawastuhan ng pagsukat sa pagbabahagi ng raw water sa pagitan ng dalawang konsesyunaryo ng patubig sa Metro Manila. Sa pamamagitan din ng makabagong sistemang ito madaragdagan ang paraan upang maiwasang umapaw ang La Mesa Reservoir sa tulong ng “real time” control sa agos ng tubig patungo rito.
-oOo-
NASA MYANMAR NA ANG MANILA WATER
MATAPOS ang matagumpay na proyekto sa Ho Chi Minh City, Vietnam, ang Manila Water, ang konsesyunaryo ng silangang bahagi ng Kalakhang Maynila at lalawigan ng Rizal, ay lumagda ng isang kasunduang magbabalangkas ng isang programang magpapababa sa antas ng nasasayang na tubig o system loss sa Yangon City, Myanmar.
Kasamang pumirma si Gerardo C. Ablaza, Jr., presidente & CEO ng Manila Water ang Mitsubishi Corporation ng Japan at Yangon City Development Committee, ang tagapangasiwa ng patubig sa Yangon.
Binuksan ng Myanmar ang kanyang ekonomiya sa ibang bansa bilang bahagi ng pagbabago nito tungo sa demokratisasyon noong 2011. Matagumpay na naibaba ng Manila Water ang system loss ng silangang bahagi ng Metro Manila sa 11% mula sa 63% noong 1997.
Kasamang pinamamahalaan ng Manila Water ang sistemang patubig at sanitasyon sa pamamagitan ng mga sangay nito sa isla ng Boracay, Clark Special Economic and Freeport Zones sa Pampanga, at ng BiƱan, Sta. Rosa at Cabuyao sa Laguna.
Ang sangay nito sa Cebu ay nakatakdang maghatid ng malinis at maiinom na tubig sa ilang bayan sa lalawigan sa gitna ng taon.
The post PROYEKTO NG MANILA WATER AT MAYNILAD SA COMMON PURPOSE FACILITY NG MWSS appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment