MATAPOS ang mahabang pananahimik, sa wakas ay nagising din ang mga graduate ng Philippine National Police Academy (PNPA). Sa pamamagitan ng isang liham, ipinaabot ng dismayadong PNPA alumni ang kanilang daing kay Pangulong Noynoy Aquino.
May punto ang PNPA alumni sa tinawag nilang ‘di makatwirang diskriminasyon sa promosyon at assignments na nangyayari sa PNP.
Higit na pinapaburan, anila, ng PNP leadership ang Philippine Military Academy (PMA) graduates kaysa sa graduates ng PNPA. Kung sabagay, kitang-kita ang pruweba dahil sa matataas at ‘juicy’ positions, walang PNPA graduates, kundi PMA ang nakaupo.
‘Di dapat ipagwalang bahala ni PNoy ang problemang ito. Madali namang resolbahin kung talagang gustong resolbahin.
Take note: mga expert sa Malakanyang – sa mahabang panahon, walang naririnig at ngayo’y biglang nag-alburuto ang PNPA alumni. Maliit pa ang sunog at huwag maliitin ang PNPA.
NEPO VS DELLOSA
SA pagkakatalaga ng bagong pamunuan ng Bureau of Customs, marami ang nag-akala na magkakaroon na ng kaayusan sa waterfront. Pero sa nangyayaring sigalot sa pagitan nina Deputy Commissioners Ariel Nepomuceno at Jesse Dellosa, tila walang nagbago.
Tulad kasi ng nakaraang mga pamunuan, kitaan pa rin sa pera mula sa mga iligal sa Aduana ang ugat ng away, ayon sa ulat.
‘Di na yata titino ang BOC, dahil kahit kasi sino ang ilagay ay nariyan pa rin ang smuggling na dahilan ng away ng mga namumuno.
SIBAKIN SI CAPT. DE CASTRO
DAHIL bingi sa daing ng mga Taalenyo, dapat nang sibakin ni R-4A director C/Supt. Jess Gatchalian si S/Insp. Allan Avena de Castro.
Maraming magulang ang nagrereklamo sa kahinaan ni De Castro na pigilin ang maya’t mayang away sa pergalan sa Brgy. Cutihan sa Taal.
Kundi lasing, naka-shabu raw kasi ang mga naglalaro sa mga sugalan sa pergalan na yan na ang operator ay isang nagngangalang ‘Beth’.
Antayin pa ba ni Capt. De Castro na may mamatay riyan.
Ang kapal naman ni kapitan. Ano ba ang dahilan at hindi mo mapasara yan?
The post PNPA ALUMNI NAGISING DIN appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment