Monday, April 28, 2014

PAKI-EXPLAIN NAMAN

sibol5 ILANG buwan na ang nakalilipas ay tone-toneladang basura ang na-intercept na nakalagay sa mga container van na dumating sa daungan ng Pilipinas galing daw sa Canada! Noon pa raw July dumating ang mga kargamento.


Noong isang araw ay napag-usapan na ulit ito, ibig-sabihin, hindi pa naresolba ang mabahong isyu. Nakadidismaya ang tumambad mula sa loob ng mga van, nakagagalit ang mga larawan na nasa mga pahayagan.


Mga basura! Ang sabi ng isang nag-comment, ang tingin na nila sa bansa natin ay isang malaking basurahan. Sa gitna ng iba pang mga problema ng bayan sa smuggling, parang ibang klaseng sampal ito, sabi naman ng iba.


Dati mga naggagandahang kotse at mga high-end na motorsiklo, mga branded na bag, mga cellphone, atbp. Sa mga ganun pa lang na mga smuggled goods ay malaki na agad ang talo ng bayan dahil hindi nagbabayad ng buwis ang mga smuggler ng mga ito.


Pero rito sa pagpapasok sa bansa ng basura, malala! Sabi ng isang nakausap ko, hindi niya ma-explain ang pakiramdam n’ya.


Shocked daw siya. Dismayado. Wala na halos siyang opinyon pang iba. Naiiyak daw s’ya halos sa inis. Tumitindi nang tumitindi ang kagarapalan daw ng mga lumalapastangan sa mga batas ng bansa.


Hindi na bago ang problema ng smuggling sa Pilipinas. As a matter of fact, isa ito sa sinasabing dahilan ng mga pera na hindi nakararating sa kaban ng bayan.


Kaya nga hindi na makaalis sa mababang trust rating ang Bureau of Customs (BOC) at hindi na maiayos ng mga empleyado ng BOC ang kanilang pangit na reputasyon.


Ano na ang ginawa ng gobyerno kung ayon sa mga TV report ay hindi pa rin naiaalis ang mga basura?


Ayaw bang tanggapin pabalik ng Canada? Bakit dito ipinadala ang mga ito? Ang narinig natin ay isosoli raw ng gobyerno natin ang mga basura sa bansang pinanggalingan nito.


Pero kailan at ito na nga ba ang solusyon? Kapag naisoli ay tapos na dahil nawala na rito sa atin ang mga basura?


Paki-explain naman sana.


The post PAKI-EXPLAIN NAMAN appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PAKI-EXPLAIN NAMAN


No comments:

Post a Comment