Sunday, April 27, 2014

Motion to bail ihihirit ni Cedric Lee

MAGHAHAIN ng motion to bail sa korte sa kasong serious illegal detention ang negosyanteng si Cedric Lee kasunod ng kanilang pagkakaaresto sa Eastern Samar noong Sabado kasama si Simeon Raz na isinampa ng aktor na si Vhong Navarro.


Sinabi ni Atty. Howard Calleja, abogado ni Lee, kabilang sa kanilang mosyon na isusumite sa korte ay ang motion to bail at makulong ang kanyang kliyente sa NBI detention cell dahil maraming banta at galit sa kanila kapag sa city jail ito makulong.


Muli ring nanindigan si Atty. Calleja na inosente si Cedric at hindi ito inaresto bagkus ito ay sumuko.


Ngayong araw, ibabalik sa Taguig Regional Trial Court (RTC) ang warrant of arrest nina Lee at dedesisyunan din kung saan sila ipipiit.


Bago ilipad papuntang Metro Manila, kinunan ng fingerprints sina Lee at Raz na sinundan ng mugshots.


Alas-8:00 ng umaga kahapon nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang sinakyang Philippine Airlines (PAL) flight PR 2989 mula sa Samar.


The post Motion to bail ihihirit ni Cedric Lee appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Motion to bail ihihirit ni Cedric Lee


No comments:

Post a Comment