BILANG pakikiisa sa ika-112 taon ng Araw ng Paggawa (Labor Day) sa bansa, magkakaloob ng libreng sakay sa mga manggagawa ng pamahalaan at pribadong kompanya ang Light Rail Transit (LRT) Line 1 and 2 sa Huwebes, Mayo 1, 2014.
Libre ang pagsakay ng mga manggagawa sa LRT 1 at 2 mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi sa pamamagitan ng pagpiprisinta ng kanilang company ID sa mga security station personnel sa train station na kanilang sasakyan.
Nilinaw naman ni LRTA Administrator Honorito Chaneco na mananatili ang mahigpit na pagpapairal ng panuntunang “No Inspection, No Entry” sa lahat ng mga pasahero upang matiyak na magiging ligtas at matiwasay ang pagbiyahe ng mga pasahero.
Ang nalalapit na pagdiriwang ng Araw ng Paggawa na may temang “Sa Sipag, Tiyaga at Talino, Buong Mundo Saludo sa Manggagawang Pilipino” ay ipinagdiriwang bilang pagkilala sa lahat ng mga manggagawang Pilipino, hindi lamang ang mga nasa bansa kundi maging ang mga nasa ibayong dagat.
The post LRT maghahandog ng libreng sakay sa May 1 appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment