Monday, April 28, 2014

Isapubliko ang nilagdaang EDCA — Solon kay PNoy

MISMONG mga kaalyado na ni Pangulong Aquino ang humikayat dito na isapubliko ang nilalaman ng nilagdaang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan Pilipinas at Estados Unidos.


Ayon kay Liberal Party stalwart Eastern Samar Rep. Ben Evardone, ito ay sa ngalan ng transparency at maiwasan aniya ang mga haka-hakang muling magtatayo ng base military ang Amerika sa Pilipinas.


Kailangan aniyang matiyak na tunay na makikinabang sa kasunduan ang Pilipinas at walang lalabaging batas sa bansa.


Aminado si Evardone na kailangang palakasin ang ugnayan sa mga kaalyado sa gitna na rin ng lumalalang tensyon sa territorial dispute sa China sa West Philippine.


Ang isa pang kaalyado ni Pangulong Aquino na si Akbayan partylist Rep. Walden Bello ay umalma sa pinasok na kasunduan sa US.


Sinabi ni Bello na wasted opportunity ng maituturing ito dahil isinuko na diumano ng Pilipinas ang soberenya ng bansa sa pagpayag na maging base militar ng Amerika at magamit sa superpower games nito sa mga kalabang bansa tulad ng China.


Isa aniyang kamangmangan ang pagpirma na ginawa dito dahil nais lamang ng Amerika na mapalawak ang kanilang pandaigdigang kapangyarihan sa maraming bansa.


Taliwas naman dito ang pananaw ni Iloilo Rep. Jerry Trenas sa pagsasabing malaking hadlang na rin sa posibleng pananakop ng China sa ilang teritoryo ng Pilipinas ang nilagdaang EDCA ng dalawang bansa.


“This is a necessary step to ensure that we can really count on the United States in the event that the conflict in disputed areas in the West Philippine sea escalates. The mere presence of the US military in the Philippines can be considered already as a deterrent against any armed offensive in our territories now being the object of China’s land grabbing binge,” paliwanag ni Trenas.


The post Isapubliko ang nilagdaang EDCA — Solon kay PNoy appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Isapubliko ang nilagdaang EDCA — Solon kay PNoy


No comments:

Post a Comment