NAKATUTOK ang Department of Energy (DoE) sa pang-araw-araw na sitwasyon at posibleng pagsipa ng presyo ng kuryente sa bansa.
Sinabi ni Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma na mismong si Energy Sec. Carlos Jericho Petilla ang nagmo-monitor ng galaw ng electricity price upang matiyak na hindi aabuso ang Manila Electric Co. (Meralco).
Sa ulat, hindi magpipigil ang Meralco para humirit ng dagdag-singil sa kuryente sa kanilang consumers.
Iyon ang dahilan kung bakit hindi na nagulat ang Malakanyang sa panibagong rate increase na ikakasa ng Meralco ngayong Hunyo.
Matatandaang sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na tanging ang generation charge na umaabot sa P4.15 bawat kilowatt-hour noong Disyembre bunsod ng pagkakataas ng presyo ng kuryente noong Nobyembre ang sakop ng ipinalabas na Temporary Restraining Order (TRO) ng Korte Suprema.
At pagkaraan ng 5 araw mula ng maghain ng aplikasyon sa Energy Regulatory Commission (ERC) ay inanunsyo ng Meraqlco ang dagdag-singil sa generation charge na ipapataw sa April bill ng Meralco consumers.
Tinatayang aabot naman sa P0.89/kWh ang dagdag-singil sa generation charge na ang ibig sabihin ay ang isang bahay na kumukunsumo ng 200/kWh ay posibleng aabot sa P178.00 ang magiging dagdag.
The post DoE tutok sa galaw ng singil sa kuryente appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment