Tuesday, April 1, 2014

Chile nilindol ng mag. 8.2 at niragasa pa ng tsunami

INUGA na ng magnitude 8.2 na lindol, niragasa pa ng tsunami ang Chile kaninang umaga, Abril 2.


Sinabi ng US Geological Survey, na unang naitala ang lindol sa lakas na magnitude 8.0 ngunit itinaas pa sa 8.2 matapos ang ilang minute lamang.


Naobserbahan ang sentro ng pagyanig sa layong 95 kilometro hilagang kanluran mula sa pampang ng Iquique, Chile.


Nasa lalim lamang ito na 20.1 kilometro.


Nagpalabas agad ng tsunami warning sa bansang Peru, Ecuador, Colombia, Panama, Costa Rica at Nicaragua.


Sunod na nanawagan ng paglikas ang National Emergency Office ng Chile sa mga residente na nasa baybayin.


Sa ulat ng Chilean navy, rumagasa ang unang tsunami sa Pisagua, Chile makalipas lamang ang 45 minuto matapos ang lindol.


Umabot ito sa taas na 6.3 talampakan.


Sa ulat ng ONEMI emergency office ng Chile, may mga natanggap itong impormasyon na nagdulot ng landslide ang naturang lindol sa hilaga ng naturang bansa.


Dahil sa landslide, ilang kalsada at mga daanan ang nahaharangan at di madaaan ng mga sasakyan.


The post Chile nilindol ng mag. 8.2 at niragasa pa ng tsunami appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Chile nilindol ng mag. 8.2 at niragasa pa ng tsunami


No comments:

Post a Comment