NAARESTO na ng National Bureau of Investigation ang negosyanteng si Cedric Lee at isa pang akusado sa pambubogbog sa TV host-actor na si Vhong Navarro.
Kinumpirma ni Justice Secretary Leila de Lima na nakorner ng NBI sina Lee at Simeon Raz sa bayan ng Oras, Samar.
Ayon kay National Bureau of Investigation Central Visayas director Max Salvador, nakatanggap sila ng impormasyon na nasa lugar lamang si Lee para sa inaasikasong negosyo.
Isinilbi ng NBI ang warrant of arrest kaugnay sa kasong serious illegal detention na isang non-bailable offense.
Tinangka pa umano ng dalawa na tumakas ngunit sumuko rin sa kalaunan.
Ayon kay de Lima, mula Samar ay dinala sa NBI main office sa Manila ang dalawang akusado.
Una nang tinangka ng mga otoridad na arestuhin si Lee sa San Juan ngunit wala ito sa kanyang bahay.
The post Cedric Lee at kasama, naaresto sa Samar appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment