Wednesday, April 9, 2014

Baguio massacre suspect itinanggi ang krimen

SUMUKO sa awtoridad nitong Miyerkules ng gabi, Abril 8 ang isang lalaki na itinuturong nasa likod ng pagmasaker sa limang katao sa Baguio City nitong nakaraang Linggo.


Sumuko ang suspek na si Philip Tolentino Avino, kay mismong Manila Vice Mayor Isko Moreno nitong Martes ng hatinggabi sa isang lugar sa Cubao, Quezon City.


Ang half brother ni Avino na si P03 Jeffrey Sta. Ana, miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) at si Manila Barangay 584 Chiarman Chit Tolentino na tiyahin ng suspek ang umaayos sa pagsuko ng kanilang kamag-anak kay Moreno.


Pero sa kanilang pagkikita, sinabi ni Moreno na mariing itinanggi ni Avino na may kinalaman siya sa masaker.


Giit pa nitong inosente siya at hiniling na idaan sa tamang proseso ang paglilitis sa kanya.


Dinala na ito ni Moreno sa Manila City Hall police detachment na makikipag-koordinasyon sa Baguio City police, na may hawak ng kaso para sa kaukulang disposisyon.


Namatay sa masaker ang mga biktimang sina Jackelyn Kale Marquez Nociete, 19 na may 18 saksak, Joey Marquez Nociete Jr., 9-anyos, 14 saksak, Dave John de Guzman, may 8 saksak, Raymond Del Mundo, 8-anyos, may 5 saksak at ang kasambahay na si Jonalyn Lozano, 32-anyos na may 12 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.


Naganap ang pagmasaker sa pagitan ng 3:30 hanggang 6:30 ng gabi dakong nitong nakaraang Linggo sa apartment ng mga biktima sa 3rd Kayang St., sa Kayang Hilltop, Baguio City.


The post Baguio massacre suspect itinanggi ang krimen appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Baguio massacre suspect itinanggi ang krimen


No comments:

Post a Comment