Monday, February 2, 2015

Sarah Lahbati ayaw magsuot ng two-piece bikini

AYON kay Sarah Labhati, hindi raw niya pingarap sumabak sa mga beauty contest kahit na maraming naghihimok sa kanyang sumali at malaki raw ang pag-asa niyang maging beauty queen.


“Hindi ko makita ‘yung sarili ko na naka-two piece in front of millions of viewers. Saka hindi ko talaga hilig ‘yun. I respect my body and I want it for my own, kumbaga ‘yun nga hindi ko nakita ang sarili ko as Bb. Pilipinas candidate, but I have so much respect for them because of what they learn and what they go through and everything that they do is admirable. But it`s not just my thing,” say ni Sarah sa presscon ng Liwanag sa Dilim.


Tanong tuloy sa kanya kung wala rin siyang balak mag-pose ng sexy sa mga magazine, lalo sa FHM mags? “Mahilig ako sa shoots and getting glammed up. As long na classy ‘yung shoot and karespe-respeto, why not? Pagka-fit ako and feel ko na sexy ako,” aniya.


Dahil nauso ang mga ginagawa ng sikat na celebrities na nagpo-propose ng marriage, wala ba silang balak magpakasal ni Richard Gutierrez?


Napag-uusapan na raw nila minsan ang kasal pero right now ay mas gusto nilang maayos muna ang problema ng kanilang mga magulang. At baka this year raw ay sundan na nila si Zion who will turn two-years old sa April, 2015.


Hindi raw magiging problema kung kailan sila magpapakasal ni Richard dahil simula nang maging silang dalawa ay alam na nila na they wanted to spend the rest of their lives with each other, tulad ng pagmamahalan ng mga kumpare at kumpare raw nila na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.


Kaya pala hindi sila nakarating sa kasal nina Dong at Marian ay naipit daw sila nang walang biyahe pabalik ng Manila from Cebu dahil sa bagyo.


Samantala, may nakarating sa amin na magiging co-host ni Dingdong si Sarah sa artista search na pinagwagihan niyang, Starstruck 6. Pero hindi pa raw sure si Sarah kung matutuloy dahil wala pa naman daw official offer sa kanya ang GMA Network.


As of now ay naghihintay pa si Sarah kung ano ang ibibigay sa kanya ng Kapuso Network.


***


Masayang Jasmine Curtis-Smith ang nakausap namin last Saturday sa TV 5 studio, Novaliches Q.C.


Happy raw siya dahil magsisimula na ang pagho-host niya ng Move It: Clash of the Streetdancers Philippine first-ever streetdance competition on TV.


Isa pa sa pagiging masaya ng younger sister ni Anne Curtiz ay natuldukan na rin ang matagal nang isyung susundan na niya ang Ate niya sa ABS-CBN.


“Masaya na po ako sa TV 5. Dito po ako nagsimula at sila po ang nagbigay sa akin ng tiwala na mapasok ang showbiz. Hindi po ako talaga nagbigay ng comment sa mga tanong kung lilipat na ako ng network dahil that time ay busy kaming magkapatid sa bakasyon sa Australia para makapiling ang aming pamilya,” pahayag ni Jasmine.


Sa “Move It” streetdance competition ay nakausap namin ang mga kilala na ring celebrities na susubok sa contest at naghahangad na maiuwi ang P500, 000 premyo at maging first-ever King/Queen of Philippine Streetdancer na sina TV star turned Manouvers dancer Job Zamora, Wowowillie back-up dancer Lovely Abella, former Mocha Girl Anne Sotelo, Matinee Idol and celebrity dancers John Wayne Sace, atbp.


Sa pakikipag-usap namin kina Lovely at John Wayne ay naungkat ang mga pinagdaanan nilang experience na ngayon lang yata mabubulgar.


Ayon kay Lovely, kapapanganak lang niya nang maisipan niyang sumali sa Pera o Bayong sa TV show ni Willie Revillame. Bago ito ay nang makita raw niya si Willie sa Mall ay kaagad siya humingi ng tulong para matustusan ang kanyang anak.


“One and half month nang magsilang ako ng sanggol. Talagang naghanap ako ng mapagkakakitaan para sa aking anak. That time nang mapasok ng ako bilang back-up dancer sa TV show ni Kuya Willie ay hindi fame ang hangad ko, paano kumita para sa aking anak.


“Nang mag-show si Kuya Willie sa abroad ay hinanap daw ng audience ang dancer na Bisaya magsalita. Magmula noon ay isinama na ako sa show,” pahayag ni Lovely na this time raw kung papalarin ay hangad niyang mabigyan siya ng pagkakataong umarte sa harap ng camera.


Si John Wayne naman ay hindi ikinaila na naging pasaway siya nang time nasa tugatog na rin ng kasikatan sa ABS-CBN kasabay nina John Lloyd Cruz.


Nag-drugs raw siya at laging late kung dumating sa studio. Nalulong daw siya sa gimik kasama ng barkada. One day na lang daw nagising siya na naawa sa sarili kaya nagsikap gamutin ang sariling pagkakamali sa buhay.


Gusto naman patunayan ni Job na may ibubuga rin siya pagdating sa pagsasayaw tulad ng kanyang ama na si Joshua Zamora.


Ayon kay Job, mas mahusay raw siyang sumayaw sa ama at makabago ang mga nalalaman niyang pagsayaw. Ang “Move It” streetdance competition ay mapapanood ng live every Sunday at 7:00 p.m. sa Kapatid Network. TEKA MUNA/GERRY OCAMPO


.. Continue: Remate.ph (source)



Sarah Lahbati ayaw magsuot ng two-piece bikini


No comments:

Post a Comment