Wednesday, February 18, 2015

PNoy, nakiisa sa pagbati ng Happy Chinese New Year

NAKIISA si Pangulong Benigno Aquino III sa pagbati sa Filipino-Chinese Community ng Bagong Taon o Happy Chinese New Year.


Sa mensahe ni Pangulong Aquino ay sinabi nitong ang gobyerno ay nakiisa sa pagdiriwang ng mga ito ng kanilang Lunar New Year.


Binigyang-diin ng Chief Executive ang mahalagang papel ng mga Chinese sa kasaysayan ng Pilipinas bilang mga mangangalakal, game changer at mga aktibong kasapi ng pag-usad ng bansa.


Umaasa rin ang Punong Ehekutibo na ang pagdiriwang ng Chinese New Year ay magpapalakas pa sa mga katangian ng Intsik o Tsinoy na nagbubunsod ng mas matatag at nagkakaisang bansa.


“Our country’s dynamism is driven by our multifaceted milieu, which allows us to harness the many talents and perspectives of our people for the benefit of all. May today’s festivities reinforce the values and qualities that enabled your community to contribute to a more vibrant Philippines; may it forge a stronger Filipino nation that is conscious of diversity and united in purpose,” ayon kay Pangulong Aquino. KRIS JOSE


.. Continue: Remate.ph (source)



PNoy, nakiisa sa pagbati ng Happy Chinese New Year


No comments:

Post a Comment