Wednesday, February 18, 2015

Malakanyang sa LRT-MRT commuters: ‘Konting tiis na lang’

KONTING tiis na lang.


Ito ang apela ng Malakanyang sa mga MRT at LRT commuters na naiinis na sa paulit-ulit na kapalpakan sa operasyon ng mga tren.


Ayon kay Press Sec. Sonny Coloma, Jr., nais ng pamahalaan na mabigyan ng dagdag na ginhawa ang mga mananakay ng MRT at LRT kaya nga aniya nagsasagawa na ng sunod-sunod na hakbang upang magdagdag ng mga tren ay mapahusay pa ang serbisyo.


At kahit aniya mayroong mga “inconveniences at disruption” sa kasalukuyan ay hindi naman isasakripisyo ng gobyerno ang kaligtasan ng mga mamamayan na gumagamit ng nito.


“Kaninang umaga yata ‘yung report—nagkaroon ng glitch at ayon din sa report ng MRT ay 12 train sets ang gumagana out of the 16 ba ‘yon o 18. ‘Yung programang inilatag nila ay para sa buong taon ng 2015 ipapatupad. Ang pinakatampok diyan ‘yung acquisition of new train sets pero hindi ito magaganap hanggang September,” anito.


Sa kasalukuyan ay inaasikaso muna ng pamahalaan ang ibang aspeto ng sistema gaya ng pagpapalit ng mga riles; pag-upgrade ng power system; pag-set up ng unified fair collection system; at pagbibigay ng mas convenient facilities sa mga commuters sa mga train stations.


“Kaya ‘yan naman ang buong latag ng kanilang buong programa at sa bawat pagkakataon naman, tuwing magkakaroon ng repair ang maintenance issue, ang inuuna nila—ng management ng MRT-LRT—ay ‘yung kaligtasan ng mga mamamayan.


Hindi naman nako-compromise ito kaya’t kung mayroong operational issue o problem, the safety of the passengers or the commuters is the primary consideration,” aniya pa rin. KRIS JOSE


.. Continue: Remate.ph (source)



Malakanyang sa LRT-MRT commuters: ‘Konting tiis na lang’


No comments:

Post a Comment