Tuesday, February 24, 2015

Marjorie, nagpapakampi kay Claudine

MARAMI ang nagtaka kay Marjorie Barretto nang sabihin nito sa kanyang Instagram account na paborito ni Julia Barretto ang 2000 movie na “Anak” nina Vilma Santos at Claudine Barretto. Oo, binanggit niya si Claudine, kaya mas lalong nagulo ang kaisipan ng mga tsismosa. Paano raw naging favorite ni Julia ang nasabing pelikula gayong 4-years old pa lang ito noong ipalabas ang movie nina Ate Vi at ng kanyang tita Clau? Naa-appreciate na ba ng bata ang mga heavy drama movies?


Marahil isinangkalan lang daw ni Marjorie ang kanyang dalaga na magde-debut na sa March 10 para magpakampi kay Claudine laban sa sister nilang si Gretchen Barretto na kaaway na raw ng una. Pwede ring sabihing gusto lang makuha ng Marj ang basbas ni Ate Vi na isang institution na para mas lalong maging bongga ang dating ng kanyang dalaga.


Anyway, idol daw kasi ng Kapamilya teenstar ang Star for All Seasons kaya laking tuwa nito nang magkapagpa-picture ito kasama ang Batangas governor. After nga ng selfie with Ate Vi ay umuwing tuwang-tuwa raw si Julia.


“I doubt that she really liked Anak. She was way too young to appreciate that movie when it was shown. I also doubt that she idolizes Vilma. Laki na nang generation gap. Me thinks that Marjorie was just trying to get the support and approval of Vilma for her daughter. Iba kasi ang dating if Julia gets the support of a Vilma who is already an institution,’ komento ng isang netizen.


“Sa tingin ko, maayos na si Claudine ngayon kaya kung balak niya lang maghanap ng kakampi sana talaga ‘wag na niya gawin kung ‘yun lang naman ang intention niya. Pero kung bukal sa puso talaga, go lang!” sabi naman ng isa pa.


Speaking of Gov. Vi, tuwang-tuwa na naman ang Vilmanians sa bagong international nomination ng kanilang iniidolo. Nominated siya sa Silk International Ff sa Ireland for her performance in “Ekstra”. Finalist din ang Ekstra sa New York Festivals World’s Best Films and TV.


Sa local scene, muli na naman nating masisilayan ang paborito nating aktres sa katsang telon sa pamamagitan ng pelikulang gagawin nila ni Angel Locsin. Malapit na itong mag-shoot at si Bb. Joyce Bernal ang mgdidirek nito under Star Cinema.


Ano pa ba? Ah, ang pinakakaabangan ng lahat kung kailan isisiwalat ni Ate Vi ang kanyang tatakbuhang posisyon sa darating na 2016 election. Sa Fb ay mga nagsusulputan nang account na “Vilma Santos for Vice-President”, “Vilma Santos for President” at “Vilma Santos for Senator.”


***


DANIEL PADILLA NOMINADO SA NICKELODEON


Si Teen King Daniel Padilla ay nominado sa Favorite Asian Act category ng 2015 Nickelodeon Kids’ Choice Awards (KCA).


Ang bidang ito sa “Crazy Beautiful You” (kasama si Kathryn Bernardo na palabas na ngayon sa mga sinehan sa buong Pilipinas) ay makakasama sa nominasyon ang mga Asian superstars katulad ng Indonesian girl group JKT48, ng Malaysian YouTube sensation na si Jinnyboy, at ang Singaporean actor na si Tosh Zhang.


Matinding suporta mula sa fans ang kailangan ni Daniel dahil ang mananalo ay magdedepende sa online voting. Ang winners ay malalaman sa March 28 sa Forum Inglewood, California.


Ano pa ang hinihintay n’yo Kathniel fans? Go!


***


TONI GONZAGA, BIBIDA MULI SA ISANG TELESERYE


Solid Kapamilya pa rin si Toni Gonzaga dahil kamakailan ay pumirma muli ang aktres ng three-year contract sa ABS-CBN. Naikwento ni Toni na bukod sa kanyang kasalukuyang mga proyekto sa Kapamilya network, magiging bahagi siya ng isang bagong reality show. Bukod rito, excited ang aktres na muling gumawa ng teleserye.


“Pito o walong taon na ata noong huling teleserye ko. Kaya sobra akong excited para sa project na ito,” saad ni Toni. Ipinahayag rin ni Toni na muling magbubukas ang Bahay ni Kuya sa 10th anniversary ng Pinoy Big Brother sa Hunyo.


Dumalo sa pirmahan ng kontrata sina ABS-CBN TV production head Laurenti Dyogi, ABS-CBN broadcast head Cory Vidanes, ABS-CBN president and CEO Charo Santos-Concio, Toni’s mother and manager Pinty Gonzaga, at ABS-CBN finance head Aldrin Cerrado.


***

For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK!/ABE PAULITE


.. Continue: Remate.ph (source)



Marjorie, nagpapakampi kay Claudine


No comments:

Post a Comment