STA. BARBARA, PANGASINAN – Isang ginang ang patay matapos hambalusin ng matigas na bagay ng kanyang anak na umano’y may diperensya sa pag-iisip sa Sta. Barbara sa nasabing lalawigan.
Sa impormasyon ng Sta. Barbara police, nag-uusap ang suspek at ang biktima nang biglang hampasin ng suspek ng matigas na bagay ang ulo ng biktima sanhi ng agaran nitong pagkamatay.
Agad namang naaresto ang suspek matapos bigong makapagbigay ng patunay ang kanyang mga kaanak na may diperensya nga ito sa pag-iisip.
Nahaharap ngayon sa kasong parricide ang suspek kasalukuyan nang nakakulong sa Sta. Barbara police detention cell. ALLAN BERGONIA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment