Monday, February 23, 2015

Dalagita pinatay saka isinako sa CamSur

NAGSASAGAWA na ng malalim na imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang responsible sa likod ng karumaldumal na pagpaslang sa isang 17-anyos na dalagita sa Calabanga, Camarines Sur.


Sa nakalap na impormasyon, nabatid na inakala ng mga residente na basura ang laman ng isang palutang-lutang na sako sa patubig sa Bgy. Balunbon, ngunit laking gulat ng mga ito nang iahon mula sa tubig ang sako at nakumpirmang tao ang laman nito.


Nang buksan, kinilala ang biktimang na 17-anyos na dalaga na residente ng nasabing lugar.


Pinaniniwalaang pinatay muna ang dalagita bago isinilid sa sako kasama ang kanyang mga damit at personal na gamit.


Matapos ibigkis ang sako, binalot pa ito ng isang trapal bago itinapon sa tubig.


Kaugnay nito, patuloy pa ang imbestigasyon na isinasagawa ng PNP upang matukoy kung sino at ano ang motibo sa pagpaslang. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Dalagita pinatay saka isinako sa CamSur


No comments:

Post a Comment