Wednesday, February 25, 2015

FX ng pulis, natangay ng 2 karnaper

TINANGAY ng dalawang karnaper ang sasakyan ng isang pulis na pinalo sa ulo sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.


Kinilala ni Quezon City Police District director Senior Supt. Joel Pagdilao ang biktimang si PO3 Gerardo Granado, 47, binata, miyembro ng QCPD na nakatalaga sa CIDU/Warrant Section at residente ng Lot 21, Blk. 58 Pangarap Village, Caloocan City.


Tumakas naman ang mga suspek tangay ang Maroon na FX ng biktima (TSY-202), mga personal na dokumento, mga ID, Iphone, at black bag na may lamang .9mm caliber pistol na may dalawang magazine.


Sa ulat, naganap ang insidente dakong 2:30 ng madaling-araw sa parking ng Regalado Ave., Bgy. Pasong Putik, QC.


Ayon sa biktima, pumarada siya sandali para mag-CR nang biglang lumapit ang dalawang suspek at sinakal siya ng isa habang ang isa’y pinalo siya sa ulo ng isang matigas na bagay kaya nawalang siya ng malay.


Nang magising, wala na ang mga suspek at ang kanyang sasakyan dahilan para magtungo ito sa himpilan ng pulisya para maghain ng reklamo.


Nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis laban sa mga suspek. SANTI CELARIO


.. Continue: Remate.ph (source)



FX ng pulis, natangay ng 2 karnaper


No comments:

Post a Comment