Monday, February 2, 2015

DURUGIN ANG MGA BABOY NA MILF

NAGPUPUYOS ang damdamin ng marami sa karumal-dumal na pagkamatay ng 44 opisyal at tauhan ng PNP-Special Action Forces (SAF) sa kamay ng mga elemento ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters noong nakaraaang Linggo.


Ito Ang Totoo: sa Lungsod ng Olongapo, ibinaba ng kagitna o “half mast” ang bandila ng Pilipinas sa Rizal Triangle noong Huwebes ng hapon sa pamumuno mismo ni Mayor Rolen C. Paulino.


Matapos ito, bumiyahe si Mayor Paulino sa kampo ng PNP-SAF sa may Morong Gate ng Subic Bay Freeport, mahigit 30 kilometro mula sa city hall, para mag-alay ng bulaklak sa mga nasawing “Tagaligtas” ng mamamayan.


Sablay talaga ang hindi pagsalubong ni Pangulong Noynoy Aquino sa mga bangkay ng PNP-SAF sa Villamor Air Base.


Sa kulturang Pinoy, napakahalaga ng pakikiramay at dapat alam iyan ni Pangulong Aquino dahil ang pakikiramay ng bayan ang nagbunsod sa kanya, at nauna pa ang kanyang ina, na maluklok sa puwesto bilang Pangulo ng bansa.


Ito Ang Totoo: dapat nang ibasura ng pamahalaan ang ilusyon na matatamo ang kapayapaan sa ilang bahagi ng Mindanao sa pamamagitan ng pagbibigay ng otonomiya sa mga rebelde at barbarong terorista.


Ang paglapastangan sa mga katawan ng nasawing PNP-SAF at direktang pang-iinsulto sa kanilang mga kaanak ay nagpapatunay na hindi sila mga normal na taong mapagkakatiwalaang rumespeto sa buhay ng tao at lalo sa kasunduan.


Sa ilang bahagi lang naman ng Mindanao ang kanilang presensya at hindi dapat tinatratong katapat ng pambansang pamahalaan dahil ang mga barbarong ito ay simpleng mga bandidong ewan nga ba kung bakit nakapoporma gayong walang barko, walang eroplano at walang panapat kung tutuusin sa pwersa ng Sandatahang Lakas ng ating bansa.


Makatutulog pa kaya si Miriam Coronel-Ferrer nang mahimbing sa ginawa niya na pagpirma pa sa kasunduang “decommissioning” kuno ng pwersa at sandata ng MILF sa araw mismo ng “National Day of Mourning” para sa 44 na PNP na hindi lamang pinatay kundi binaboy pa ng mga baboy na MILF?


Tulad ni PNoy, walang hiya rin talaga si Miriam Coronel-Ferrer. Ito Ang Totoo! ITO ANG TOTOO/VIC VIZCOCHO, JR.


.. Continue: Remate.ph (source)



DURUGIN ANG MGA BABOY NA MILF


No comments:

Post a Comment