Monday, February 2, 2015

ARAW NG PAGLULUKSA

HINDI ito ang unang pagkakataon na si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino ay nag-declare ng National Day of Mourning.


Walong Hong Kong tourist ang nasawi sa hostake-taking sa tapat ng Quirino Grandstand sa Rizal Park noong Aug. 23, 2010 na kung saan si Noynoy ay na-inaugurate 55 days earlier bilang Pangulo ng bansa.


Nanatiling tahimik si Pangulong Noynoy sa madugong insidente ngunit matapos ang dalawang araw ay nag-declare siya ng isang National Day of Mourning.


Half-mast sa buong bansa at pati na sa lahat ng embahada at consulate worldwide.


Katulad ng naganap sa Rizal Park hostage crisis, si Noynoy ay nanatiling tahimik sa massacre sa Maguindanao nitong January 25, 2015 na kung saan 44 na special action force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) ang napaslang.


Naganap ang sagupaan ng SAF at ng magkasanib na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at the Moro Islamic Liberation Front ngunit maski ang PNP officer-in-charge at ng hepe ng Department of Interior and Local Government (DILG) ay hindi alam kung bakit nangyari ang crisis na ito.


Maski si Pangulong Noynoy ay atubiling magsalita sa umpisa. Later on, sinabi niya na gagawa na lang siya ng fact finding committee.


Ang labi ng mga nasawing SAF commando ay inilipad patungo sa Villamor Air Base sa Pasay City para bigyan ng military honor subalit walang commander-in-chief na sana’y sasaludo sa 42. Ang dalawa pa ay inilibing sa hometown nila sa Zamboanga.


Naroon kasi si Noynoy sa inauguration ng planta ng Mitsubishi Motors Corporation na kung saan nangako siya na tutulungan niya ang car company na ito na umunlad ang kanyang negosyo sa Pinas.


Kinabukasan ay tumuloy na siya sa Camp Bagong Diwa sa Taguig para makiramay sa mga naulila at nangakong tutulungan din niya ang mga ito.


Nag-declare rin siya ng Day of Mourning katulad ng deklarasyon niya noong 2010. DEEP FRIED/RAUL VALINO


.. Continue: Remate.ph (source)



ARAW NG PAGLULUKSA


No comments:

Post a Comment