Wednesday, April 30, 2014

Brownout, mararanasan sa Davao City

MAKARARANAS ng mala-impyernong init ang lungsod ng Davao makaraang ipatupad ang mas mahabang brownout na tatagal pa ng hanggang anim na oras sa lungsod at mga kalapit na lugar.


Sinisi ng Davao Light and Power Company (DLPC) ang humabang brownout dahil sa kakaunting supply mula sa Mindanao Grid.


Ayon sa kompanya, nasa 220 megawatts ang kabuuang energy supply nila subalit pumapalo sa 320 megawatts ang peak demand kaya’t anim na oras ang katumbas ng diperensyang 100 megawatts.


Apektado ng brownout ang Davao City at Panabo City ng Davao del Norte at mga bayan ng Carmen Dujali at Sto. Tomas.


The post Brownout, mararanasan sa Davao City appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Brownout, mararanasan sa Davao City


7 Vietnamese, timbog sa illegal fishing sa Zambales

ARESTADO ang pitong Vietnamese dahil sa iligal na pangingisda sa karagatang sakop ng Subic, Zambales.


Kinilala ang mga dayuhan na sina Pham Minh Ouoc, Nguyen Huynh Duc, Le Van Muoi, Nguyen Van Tu, Nguyen Binh, Ngo Van Tuan at Truong Van Luan.


Ayon kay acting Philippine Coast Guard (PCG) Spokesman, Commander Geny Basilio, naging katuwang nila sa pag-aresto sa mga illegal poacher ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).


Namataan ang isang Vietnamese vessel na naghahango ng mga isda sa karagatan.


Nasabat naman mula sa mga dayuhan ang 40 kilo ng tuna at 100 kilo ng pusit.


Iprinisenta na ang mga dayuhan sa Regional Trial Court sa bayan ng iba para sa inquest proceedings matapos magsampa ng kaso ang BFAR.


The post 7 Vietnamese, timbog sa illegal fishing sa Zambales appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



7 Vietnamese, timbog sa illegal fishing sa Zambales


Skilled courses para sa mga kolehiyo pinayo ng DOLE

PINAYUHAN ngayon ng Deparment of Labor and Employment (DOLE) ang mga estudyante sa kolehiyo na kumuha ng mga skilled course.


Ani Labor Secretary Rosalinda Baldoz, dapat isaalang-alang ang pagkuha ng skilled courses na madaling pakinabangan at maiiwasan ang mataas na unemployment rate kung masusundan ng mga estudyante ang tamang demand sa job market.


Kaugnay nito, inilarga ngayon ng iba’t ibang unyon at grupo ng mga manggagawa ang isang malawakang Labor Day Protest sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.


Magsisimulang magtipon bandang 9:00 ng umaga sa Welcome Rotonda ang mga ito na pangungunahan ng Kilusang Mayo Uno at iba pang mga militanteng grupo.


Magkakaroon ng programa sa Mabuhay Rotonda bandang 10:00 ng umaga at tutulak ang grupo patungong Liwasang Bonifacio at magmamartsa papuntang Mendiola.


The post Skilled courses para sa mga kolehiyo pinayo ng DOLE appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Skilled courses para sa mga kolehiyo pinayo ng DOLE


Korte nagpasok ng ‘Not Guilty’ plea ni Cedric at Raz

MAKARAAN tumangging magkomento sa isinampang kaso, korte na lamang ang nagpasok ng not guilty plea para kina Cedric Lee at Zimmer Raz sa ginanap na arraignment sa ksong serious illegal detention.


Ang pagiging umid ng mga akusado ay makaraang magmatigas ang kampo ng dalawa na magbigay ng anomang komento matapos basahan ng sakdal kanina sa Taguig City Regional Trial Court (RTC) para sa kasong isinampa ng aktor na si Vhong Navarro.


Ayon kay Atty. Alma Mallonga, abogado ni Navarro, bahagi na ng proseso na ang korte ang magpapasok ng plea kung ang isang akusado ay hindi tutugon sa nakasampang reklamo.


Bago naisagawa ang arraignment, niresolba muna ng korte ang hirit ng kampo ng negosyante na ipagpaliban ang pagbasa ng sakdal.


Agad namang ibinalik sa NBI detention facility ang dalawa matapos ang pagharap nila sa Taguig City RTC.


Itinakda ang pagdinig sa bail petition ng kampo ni Lee sa Mayo 6, 2014.


Samantala, lumutang ngayong araw ang impormasyon na balak na ring sumuko ni Deniece Cornejo, isa sa mga akusado sa kasong serious illegal detention.


The post Korte nagpasok ng ‘Not Guilty’ plea ni Cedric at Raz appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Korte nagpasok ng ‘Not Guilty’ plea ni Cedric at Raz


Militar vs Abu Sayyaf sa Sulu, 24 patay

SUMIPA na sa 24 ang bilang ng mga namatay habang 44 ang sugatan sa sagupaan ng militar at grupong Abu Sayyaf sa bayan ng Patikul, Sulu.


Ayon kay AFP PIO Chief, Lt. Col. Ramon Zagala, isa sa mga namatay ay sundalo habang ang mga nalalabi ay pawang miyembro ng ASG.


Kinilala na ang 20 bandido habang hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng 3 pang miyembro.


Dakong 4:00 ng hapon noong Martes nang magsimula ang sagupaan sa Sitio Kanjimao, barangay Buhanginan matapos tangkain ng bandidong grupo na bawiin ang kanilang kampo na kinubkob ng militar.


Nabatid na pinaghandaan ng militar ang paglusob ng mgsa bandidong ASG na ikinamatay ng maraming bandido.


The post Militar vs Abu Sayyaf sa Sulu, 24 patay appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Militar vs Abu Sayyaf sa Sulu, 24 patay


AFP, sasama sa Labor Day Celebration ngayon

SASAMA ang mga sundalo mula sa third infantry division ng Philippine Army sa Labor Day Celebration ngayon sa panibagong yugto ng buhay ng mga manggagawa.


Ayon kay Major General Aurelio Baladad, Commander ng Third Infantry Division sa Western Visayas, kinikilala nila ang pagsisikap ng mga manggagawa sa rehiyon bilang kabalikat ng industriya ng paggawa at sa pagtulong na rin nito na makausad ang bansa.


Umaasa rin si Baladad na magiging sandigan ang mga kawal at kapwa Pilipino para sa mapayapa at ligtas na selebrasyon ng Araw ng Paggawa ngayong taon


The post AFP, sasama sa Labor Day Celebration ngayon appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



AFP, sasama sa Labor Day Celebration ngayon


Pamilya ng MERS-CoV victim sa KSA, humihingi ng tulong

HUMIHINGI ng tulong ang pamilya ng overseas Filipino worker (OFW) na tubong Bacarra, Ilocos Norte na hinihinalang namatay dahil sa MERS coronavirus (MERS-CoV) sa Jeddah, Saudi Arabia para maiuwi na sa bansa ang bangkay nito.


Ayon sa hipag ng biktimang si Rosalina, ang OFW na si Charles Ilarde, 41, ng Brgy. Cabulalaan, Bacarra ay walang kaukulang dokumento nang magtungo sa nasabing bansa.


Sinabi niya na nagpatulong na sila sa Department of Foreign Affairs (DFA) ngunit hindi pa matukoy kung kailan maiuuwi ang bangkay ng nasabing OFW.


Nabatid na bago namatay ang biktima ay nagkasakit. Dinala siya sa isang ospital sa Jeddah ngunit hindi tinanggap dahil walang kaukulang dokumento tulad ng kanyang pasaporte.


Ayon pa kay Rosalina, wala pang ipinaparating sa kanila kung ang bangkay ay i-cremate o ipa-otopsiya bago iuwi sa bansa.


The post Pamilya ng MERS-CoV victim sa KSA, humihingi ng tulong appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pamilya ng MERS-CoV victim sa KSA, humihingi ng tulong


PNoy, mag-iikot sa Laguna ngayong Labor Day

HINDI pa man nakaka-first base sa Kongreso, agad kinontra ng Malacañang ang hirit na P135 dagdag-sahod sa mga manggagawa partikular sa gobyerno.


Matatandaang inihayag ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na balak nilang ihain sa pagbubukas ng Kongreso ang nasabing panukala at ihahain din sa Wage Board.


Maging ang mga employers ay agad nagpahayag ng pagtutol sa wage hike dahil hindi raw nila alam kung saan ito kukunin.


Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, kailangang mabalanse at dapat timbangin ang magkakatunggaling sektor upang magkaroon ng tinatawag na inclusive growth.


Ayon naman kay Pangulong Noynoy Aquino, malabo ito sa empleyado ng gobyerno dahil tiyak na mababawasan ang pondo ng ibang ahensya.


Samantala, ngayong Labor Day, mag-iikot ang Pangulong Aquino simula alas-10 mamaya sa Testech CPIP sa Laguna; sa Alliance Manols, Inc., sa Laguna Techno Park, Biñan, Laguna at sa Integrated Micro-Electronics, Inc., Biñan, Laguna.


The post PNoy, mag-iikot sa Laguna ngayong Labor Day appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PNoy, mag-iikot sa Laguna ngayong Labor Day


Dalagita, ilang ulit hinalay ng tiyuhin

LABIS na takot ang naging dahilan upang hindi agad makapagsumbong ang isang dalagita sa ginawang panghahalay sa kanya sa Tayabas City.


Ngunit ‘di rin nagtagal ay napagdesisyonan din nitong sabihin sa ina ang kanyang sinapit.


Sa imbestigasyon ng pulisya at batay na rin sa pahayag ng 13-anyos na biktima, Hulyo 24 noong nakaraang taon nang halayin siya ng kanyang tiyuhin.


Nag-iisa lamang umano siya sa kanilang bahay ng dumating ang suspek.


Dahil armado ng patalim, hindi nagawang manlaban ng biktima.


Isinalaysay din nito na una siyang ginawan ng kahalayan ng suspek taong 2012.


Ayon sa biktima, naganap ito sa mismong bahay ng suspek at naulit pa sa kanilang tahanan.


Kaugnay nito, isinasailalim na ngayon sa eksaminasyon ang biktima habang nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso.


The post Dalagita, ilang ulit hinalay ng tiyuhin appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Dalagita, ilang ulit hinalay ng tiyuhin


Bus vs trak sa Nepal, 18 patay, 19 sugatan

PATAY ang 18 katao kabilang ang 19 sugatan sa salpukan ng bus at trak sa Nepal.


Sa ulat, naganap ang aksidente sa bulubunduking daan sa Narpani village, 250 kilometro ang layo mula sa Katmandu.


Ayon kay police official Dipendra Chetri, matapos ang aksidente ay nagpagulong-gulong ang dalawang sasakyan sa highway.


Madalas nangyayari ang vehicular accident sa Nepal dahil sa hindi magandang klase ng kalsada.


The post Bus vs trak sa Nepal, 18 patay, 19 sugatan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bus vs trak sa Nepal, 18 patay, 19 sugatan


DFA chief: PHL, dedepensahan ng US sakaling salakayin ng ibang bansa

Batay sa isang matagal nang kasunduang militar, dedepensahan ng United States ang Pilipinas sa oras ng pang-aatake ng ibang bansa sanhi ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea, ayon kay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario noong Miyerkules. .. Continue: GMANetwork.com (source)



DFA chief: PHL, dedepensahan ng US sakaling salakayin ng ibang bansa


Crawford named top reserve

JAMAL CRAWFORD of the Los Angeles Clippers won the NBA’s Sixth Man of the Year award for the second time in his career.


The prolific shooting guard was originally scheduled to have received the award at Staples Center on Tuesday night before the Clippers’ Game 5 victory over Golden State Warriors, but the ceremony was pushed back in the wake of the Donald Sterling scandal.


Crawford, who averaged 18.6 points per game this season, also won the award in 2010 while playing for the Atlanta Hawks. Noli Cruz


The post Crawford named top reserve appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Crawford named top reserve


Mayweather interested to buy Clippers

BOXING superstar Floyd Mayweather, Jr. emerged as prospective buyer of the Los Angeles Clippers.


Mayweather said he’s interested in putting together a group — with himself as a majority owner — to buy the Clippers if the team is put up for sale.


The boxer will make $40 million or so Saturday night when he takes on Marcos Maidana in the third fight of a six-fight deal with Showtime that is reportedly worth $250 million.


He also has a condo next to Staples Center and is a courtside fixture at both Lakers and Clippers games.


Mayweather said he had nothing bad to say about Donald Sterling, who he said often invites him to sit next to him and his wife at the games and has always treated him with respect. Noli Cruz


The post Mayweather interested to buy Clippers appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mayweather interested to buy Clippers


Wizards eliminate Bulls

THE Washington Wizards clichéd a seat in the second round of the NBA playoffs following a 75-69 win over the Chicago Bulls on Tuesday (Wednesday in Manila).


John Wall finished with 24 points while Nene returned from suspension to add 20 as the Wizards closed the series in five games.


The fifth-seeded Wizards advanced in the postseason for just the third time since the 1970s. They will meet Indiana or Atlanta in the Eastern Conference semifinals. The Hawks lead the series 3-2.


The Miami Heat were the first to advance after sweeping the Charlotte Bobcats in four games. Noli Cruz


The post Wizards eliminate Bulls appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Wizards eliminate Bulls


Labor protest kasado ngayon

MANILA, Philippines - Magsasagawa ng malawakang pagkilos ang grupo ng mga manggagawa sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ngayong Labor Day. .. Continue: Philstar.com (source)



Labor protest kasado ngayon


13 kadete ng PMA sa Cudia case kasuhan - CHR

MANILA, Philippines - Pinakakasuhan ng Commission on Human Rights (CHR) ng administratibo, kriminal at sibil ang 13 kadete ng Philipine Military Academy (PMA .. Continue: Philstar.com (source)



13 kadete ng PMA sa Cudia case kasuhan - CHR


Mas mabigat na parusa para sa monopolyo sa negosyo giit

MANILA, Philippines - Isinusulong ni Deputy House Speaker at 2nd district Leyte Rep. .. Continue: Philstar.com (source)



Mas mabigat na parusa para sa monopolyo sa negosyo giit


Sahod ng Presidente gustong itaas sa P1M kada buwan

MANILA, Philippines - Sa gitna ng hinihiling na dagdag na sahod ng mga ordinar­yong manggagawa, isinusulong sa Senado ang panukalang batas na naglalayong ita .. Continue: Philstar.com (source)



Sahod ng Presidente gustong itaas sa P1M kada buwan


QC buses dapat may CCTV

MANILA, Philippines - Nararapat na may mga closed circuit television o CCTV ang mga bus sa Quezon City upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mamamayan. .. Continue: Philstar.com (source)



QC buses dapat may CCTV


Manila Water nakapagtala ng 3M ‘safe man-hours’

MANILA, Philippines - Nagkamit kamakailan ang Manila Water ng pambihirang tagumpay sa larangan ng kaligtasan sa pamamagitan ng pagtatala ng tatlong milyong ‘ .. Continue: Philstar.com (source)



Manila Water nakapagtala ng 3M ‘safe man-hours’


PNoy nakakalbo dahil sa kuryente

MANILA, Philippines - Aminado si Pangulong Aquino na nakakalbo na ang kanyang buhok dahil sa problema ng bansa sa kuryente. .. Continue: Philstar.com (source)



PNoy nakakalbo dahil sa kuryente


Singil sa kuryente tataas sa Mayo

MANILA, Philippines - Panibagong pagtataas sa singil sa kuryente ang ipatutupad ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Mayo. .. Continue: Philstar.com (source)



Singil sa kuryente tataas sa Mayo


E-subpoena inilunsad

MANILA, Philippines - Inilunsad kahapon ng Korte Suprema, Justice Department at Local Government Department ang e-subpoena system na idinisenyo para mapabili .. Continue: Philstar.com (source)



E-subpoena inilunsad


‘Pag nakulong Enrile bibigyan ng special treatment

MANILA, Philippines - Naniniwala si Senator Antonio Trillanes IV na dapat bigyan ng special treatment ang 90-taong gulang na si Senate Minority Leader Juan P .. Continue: Philstar.com (source)



‘Pag nakulong Enrile bibigyan ng special treatment


Mga manggagawa, walang maaasahang anunsiyo ng umento sa Labor Day

Walang maaasahang magandang balita ang mga manggagawa pagdating sa usapin ng dagdag-sahod ngayong Labor Day. Sa ulat ng GMA news "24 Oras" nitong Miyerkules, inihayag ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz, na isang beses lang sa isang taon tinatalakay ng regional wage board ang minimum wage. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Mga manggagawa, walang maaasahang anunsiyo ng umento sa Labor Day


Ex-COA chief Villar, naghain ng 'not guilty' plea sa kasong pandarambong

Naghain ng "not guilty" plea nitong Miyerkules si dating Commission on Audit (COA) Chief Reynaldo Villar kaugnay ng kinakaharap na kasong pandarambong na dinidinig sa Sandiganbayan First Division. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Ex-COA chief Villar, naghain ng 'not guilty' plea sa kasong pandarambong


5, kinasuhan sa pagpatay sa Japanese engineer

Sinampahan na ng reklamong robbery with homicide nitong Miyerkules ang limang suspek sa pagpatay at pagnanakaw sa isang Japanese engineer sa San Miguel, Bulacan. .. Continue: GMANetwork.com (source)



5, kinasuhan sa pagpatay sa Japanese engineer


Suspek sa pamamaril, nahuli nang masagasaan habang tumatakas

Isang lalaki na pinaniniwalaan ng pulisya na nag-trip lang at namaril ng isang lalaki sa kapistahan ang nadakip nang masagasaan siya ng sasakyan na nagdadala ng tubig habang papatakas sa Barotac Nuevo sa Iloilo. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Suspek sa pamamaril, nahuli nang masagasaan habang tumatakas


Binatilyo, patay sa rabies ng tuta; biktima, sa albularyo dinala nang makagat sa daliri

Isang binatilyo ang binawian ng buhay isang buwan makaraan siyang makagat ng tuta sa daliri sa bayan ng Bacnotan sa lalawigan ng La Union. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Binatilyo, patay sa rabies ng tuta; biktima, sa albularyo dinala nang makagat sa daliri


3 OFW SUNUGIN AT MEDIAMEN KAY PNOY

_benny antiporda MALULUNGKOT na usapin ang dumarating sa atin kagaya ng pagkakadamay ng mga overseas Filipino worker sa Middle East Respiratory Syndrome at kawalan ng linaw na aksyon ng pamahalaan sa media killings.


3 PATAY SA MERS, 12 INFECTED


KUNG hindi tayo nagkakamali, tatlong OFW na ang namamatay sa mga bansang Arabo.


Tig-isa ang mga bansang Saudi Arabia, United Arab Emirates at Dubai ng mga OFW na namatay dahil sa MERS.


Iniuulat ding may 12 na nahawahan ng MERS sa Saudi Arabia at UAE. Tig-6 ang nasabing mga bansa.


SUNUGIN SILA


DAHIL sa labis na pagmamahal natin sa ating mga miyembro ng pamilya, karaniwang gusto nating makita, mayakap at mahalikan ang bangkay ng mga namatay sa atin.


Pero dahil nakahahawa ang MERS na posibleng ikamatay rin maging ang mga miyembro ng pamilya at nakikipaglamay, pinakamabuting hindi na paabutin pa sa Pilipinas ang bangkay ng mga ito.


At hayaan nating cremation o pagsunog na lang ang remedyo para sila mailibing nang maayos at walang mahahawahan.


Tiisin na lang ng mga naulila na hindi nila makita ang kanilang mga mahal sa buhay na biktima ng MERS lalo para sa kanilang kabutihan naman ang cremation at hindi pagpunta siguro sa lamayan sa ibang bansa.


KUNG MAY MAMALASIN PA


HALIMBAWANG may mamalasin pa sa nasa 12 OFW na biktima ng MERS na karaniwan ay mga nurse, marahil ay ipaubaya na natin sa mga kinauukulan ang paglilibing sa mga ito.


At aasahan na rin natin na daraanin ng mga awtoridad sa mga bansang Arabo sa cremation o pagsusunog ng bangkay ang maayos na paglilibing.


Hilingin na lamang natin ang ayuda ng mga pamahalaang Arabo kung paano ang mga sahod at benepisyo ng mga biktima.


Gayundin na hihilingin natin ang maayos na pag-ayuda rin ng pamahalaang Pilipinas sa mga biktima. Lalo na ang kanilang mga naulila.


Alalahanin na sa pamilya-OFW, karaniwang sa mga OFW umaasa ang kabuuang pamilya.


Paano gumampan ng mahalagang papel ang mismong pamahalaan bilang pagbibigay-pugay sa mga OFW na salbabida ng pamahalaan sa krisis sa pananalapi?


105 PATAY SA 345 INFECTED


HANGGANG kamakalawa, may 105 na ang patay sa MERS, kabilang na ang tatlong OFW.


Rekord ito ng World Health Organization na nababahala na sa mabilis na pagdami ng mga biktima, lalo na mula sa nakalipas na buwan na nasa 150 ang nahawaan mula sa kabuuang 345 na naimpeksyon na.


Karamihan sa mga namatay ang matatagpuan sa Saudi Arabia at sumunod dito ang UAE.


Mayroon na ring namatay sa Malaysia na kapit-bansa lamang natin.


11 BANSA MAY MERS


SA mga ulat na natatanggap natin, narito ang mga bansang may rekord ng MERS simula noong 2012 hanggang sa kasalukuyan.


Labing-isang bansa ang mga ito na kinabibilangan ng France, Italy, Jordan, Kuwait, Malaysia, Oman, Qatar, Saudi Arabia, Tunisia, United Kingdom, United Arab Emirates (UAE), Egypt, Indonesia, Philippines at Abu Dhabi.


MAGBANTAY NANG TODO


SA dami ng mga bansang apektado ng MERS, nangangahulugan, mga Bro, na dapat magbantay ang lahat, kahit saan sa bansa.


Ito’y dahil sa pag-uwi o pagbabakasyon ng libo-libong OFW mula sa nasabing mga bansa.


Iba pa, mga Bro, ang mga turista na dumarating mula sa nasabing mga bansa.


Hindi sapat ang pagbabantay ng mga awtoridad sa ating mga paliparan at pier na pinapasukan ng mga OFW.


Tayong lahat na inuuwian ng mga OFW at turista, basta may mapansin tayong mga palatandaan ng MERS ay mag-report agad sa pinakamalapit na ospital, lalo na ang mga ospital ng gobyerno na may kakayahang tumingin sa MERS.


O anoman ang makakayanan natin, basta mailapit natin sa mga kinauukulan ang ating mga suspetsa na may nagkakasakit nito.


SINTOMAS


HETO ang mga palatandaan ng MERS, mga Bro.


Basta may nahihirapang huminga at may kasamang lagnat, ubo at problema sa pag-ihi, mag-ulat na tayo sa mga kinauukulan.


‘Yan ay kung ang mga mayroon nito ay ating mga bisita na maaaring galing sa ibang mga bansa, kamag-anak man natin o dayuhan.


Hindi masamang hatakin natin ang mga ito na magpa-check up sa mga doktor para lang matiyak kung nagdadala sila ng MERS o hindi.


BAHALA ANG PAMAHALAAN


KARANIWANG problema natin ang napakamahal na check up ng mga doktor, klinika at ospital.


Sa hirap ng buhay, unahin nating ipatingin sa mga doktor, health center, klinika o ospital ng gobyerno ang mga posibleng MERS carrier.


Sa pagkakaalam natin, mga Bro, libre ang check up sa mga ito.


Dahil inoobliga ng pamahalaan ang sarili nito na pigilan ang pagdating at paglaganap ng sakit na ito sa ating bansa.


40% PATAY


SINASABING mas mabagsik ang MERS kaysa sa SARS na pumatay, lalo na sa Asya noong 2002-2003, ng may 776 katao.


Sa MERS, pinakamababa ang 40 porsyento sa mga biktima ang tiyak na patay.


Kaya naman, mga Bro, tayong lahat ay magtulungan sa pagbabantay laban sa sakit.


Huwag nating daanin sa albularyo o pagpapabaya at pagturing lang na ordinaryo ang nasabing mga sintomas.


oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.


The post 3 OFW SUNUGIN AT MEDIAMEN KAY PNOY appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



3 OFW SUNUGIN AT MEDIAMEN KAY PNOY


Suweldo sa illegally terminated OFWs iginiit

DAPAT ibigay ang natitirang sahod ng illegally terminated overseas Filipino workers (OFWs) base sa kanilang pinirmahang kontrata na nilabag ng employers.


Bukod pa ito sa reimbursement ng kanilang placement fees kasama ang interest.


Dapat din silang suportahan ng gobyerno ng Pilipinas hanggang sa muling makabangon.


Ito ang ilan sa nilalaman ng Senate Bill 2162, na inihain ni Sen. Grace Poe bilang amyenda sa Republic Act 10022 o ang amendment sa Migrant Workers and Overseas Filipino Act of 1995.


“It is our duty to protect our modern-day heroes who have contributed significantly to the survival of our economy. The sacrifices they make should not be taken for granted,” ayon kay Poe sa kanyang introductory note.


Alinsunod sa panukala, tungkulin ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magbigay ng bagong training at retraining, livelihood at technology assistance, seminars para sa microfinance assistance, at iba mga oportunidad gaya nito para sa displaced OFWs.


Layon din ng panukala na ibigay sa OFW ang buong sweldo nito para sa hindi natapos na bahagi ng kaniyang kontrata, sa halip na bahagi lamang ng 3 buwan sahod sa bawat taon ng unserved period.


Base sa pinakahuling survey National Statistics Office (NSO), tinatayang nasa 2.2 milyon ang bilang ng OFWs.


The post Suweldo sa illegally terminated OFWs iginiit appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Suweldo sa illegally terminated OFWs iginiit


NO TO GMO!

Nagpiket ang mga magsasaka, kasama ang mga asyano magbubikd sa harapan ng DA upang tuligsain ang isinusulong ng pribadong kumpanya ang binhi ng “Dolden Rice “ na banta sa karapatan ng mga magsasaka at sa pagkawala ng sari-saring uri ng punla o binhi ng palay. Ivan G.

NAGPIKET ang mga magsasaka, kasama ang mga magbubikd sa harapan ng DA upang tuligsain ang isinusulong ng pribadong kumpanya na paggamit ng binhi ng “Golden Rice” na banta sa karapatan ng mga magsasaka at sa pagkawala ng sari-saring uri ng punla o binhi ng palay.



The post NO TO GMO! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



NO TO GMO!


HABAAA!

HALOS 10 TALAMPAKANG SAWA!!! ang nahuli ng mga residente ng Barangay 671. Calixto Dyco Paco Maynila, matapos lumabas sa Lungga ang nasabing Ahas na Sawa DAHIL SA INIT NG PANAHON.

HALOS 10 talampakang sawa ang nahuli ng mga residente ng Barangay 671, Calixto Dyco Paco Maynila, matapos lumabas sa lungga ang nasabing sawa marahil dahil sa sobrang mainit na panahon.



The post HABAAA! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



HABAAA!


SELYADO!

 Nilagdaan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco at mga magulang ng mga estudyante na makakatanggap ng scholarship program ang memorandum of agreement para libreng pag-aaral sa high school,college,at post graduate upang matupad ang kanilang mga pangarap sa buhay (Edgar Rabulan)



NILAGDAAN ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco at mga magulang ng mga estudyante na makatatanggap ng scholarship program ang memorandum of agreement para sa libreng pag-aaral sa high school, college,at post graduate upang matupad ang kanilang mga pangarap sa buhay.



The post SELYADO! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



SELYADO!


LUGAW PATROL!

 “ LUGAW PATROL “….pinangunahan ni Caloocan City police chief PSSUPT. Bernard Casas Tambaoan, ang pamimigay ng lugaw at nilagang itlog sa may 200 bata at magulang ng Barangay 73 sa pagdiriwang ng ika-48 kaarawan na ginanap sa harap ng istasyon kaninang umaga. Taon –taon ginagawa niya ito bilang pasasalamat, magkakaroon din ng misa. Sa ibang larawan makikitang sinusubuan ng lugaw ang nakababatang kapatid. (NICK GALINO)

PINANGUNAHAN ni Caloocan City police chief P/SUPT. Bernard Casas Tambaoan, ang pamimigay ng lugaw at nilagang itlog sa may 200 bata at magulang sa Barangay 73 sa pagdiriwang ng ika-48 kaarawan na ginanap sa harap ng istasyon kaninang umaga.



The post LUGAW PATROL! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



LUGAW PATROL!


Grado ng isang college student, ibinitin dahil sa kaniyang post sa Facebook

Problemado ngayon ang isang college student sa Talisay city sa Cebu dahil ayaw daw ibigay ng pamantasan ang kaniyang mga grado dahil sa isang post niya sa Facebook patungkol sa sigalot sa pamunuan ng paaralan. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Grado ng isang college student, ibinitin dahil sa kaniyang post sa Facebook


Umayan solo sa unahan

KINABIG ni Pinoy woodpusher Vincent Umayan ang solo liderato matapos kaldagin si Shawn Hsiming Ho (elo 1977) ng Singapore sa round 5 ng World Amateur Chess Championships 2014 – Open sa Singapore kaninang umaga.


Perfect five points ang unrated na si Umayan sa event na ipinatutupad ang nine-rounds swiss system.

“Sana maipagpatuloy ko itong paghawak sa top spot,” wika ni Umayan na seeded No. 163 lang sa nasabing tournament. “Marami pang laban pero gagwin natin ang lahat ng magagawa para makapagbigay tayo ng karangalan sa ating bansa.”


Pitong chessers ang nasa likuran ni Umayan na may tig 4.5 puntos at wala ni isang pinoy.

May Pinoy woodpusher ang kasalo mula ninth to 22nd place, ito’y si Recososa Napolean (elo 1877) na may 4.0 pts.


Giniba ni ranked No. 37 Napolean si Premnath Kanagenthiran ng Malaysia.

Makakalaban ni Umayan sa round six si ranked No. 3 Niranga Kandearachchi (elo 1985) ng Sri Lanka habang si Napolean ay susubukan si Ho.


Nagwagi naman ang ibang Pinoy na sina Leonardo Alidani (elo 1959) at Eliodoro Polistico (elo 1794) subalit hindi sumapat ang kanilang puntos para makadikit sa mga nasa top 15.


May naipon pa lang na 3.5 points sina Alidani at Polistico kaya naman kailangan nilang manalo sa susunod nilang laro para makausad ng bahagya papunta sa unahan.


“May apat na laro pa at kaya pang makadikit para kahit paano masamahan namin sa itaas si Vincent (Umayan).” sabi ni Alidani.


Yumuko naman sina Pinoy Marlon Constantino at Ramil Rumusud.


The post Umayan solo sa unahan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Umayan solo sa unahan


KAUNA-UNAHANG “SAFE WORK SYSTEMS HAND-BOOK” NG MANILA WATER

ang inyong lingkod hilda ong INILUNSAD ng Manila Water ang Safe Work Systems Handbook bilang gabay sa mga kawani nito upang maiwasan ang mga sakuna sa trabaho.


“Safety starts with me” ang tagline ng Manila Water, ang silangang konsesyonaryo ng tubig at alkantarilya na layong panatilihing laging ligtas ang mga empleyado sa opisina pati na ang mga customer, komunidad at service providers kung saan may mga ginagawang proyekto ang kompanya.


Ayon kay Manila Water Project Delivery Group Director Thomas Mattison, ang nasabing handbook ay ginawa upang masigurong mayroong angkop na kaalaman ang mga empleyado upang maiwasan ang mga posibleng panganib sa opisina at malinaw na maipaliwanag din sa komunidad at customers ang kahalagahan ng safety.


“Inilathala ng Manila Water Safety Solutions ang manual upang mapahalagahan at masiguro ang pagsunod ng mga empleyado sa safety guidelines sa pamamagitan ng paggamit ng visual standards upang makamit ang kaligtasan sa buong opisina at project sites,” paliwanag ni Mattison.


Ayon kay Manila Water Safety Solutions Head Liezel Lee, ang handbook ay alinsunod o compliant sa Philippine Occupational Safety and Health Standards at Fire Code.

Bukod pa rito, plano ring ibahagi ang handbook sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Occupational Safety and Health Center.


Ang safety handbook ay binuo base sa sumusunod na haligi ng kaligtasan: Assessing the Task, Hazard Identification and Risk Assessment, Defining Control Measure, at Identification of Applicable Work Permit.


-oOo-


Tayo’y magsaya at magdiwang! Happy Birthday to National Water Resources Board (NWRB) Birthday Celebrants for the month of May 2014: Gloria C. Macalalad (May 9), Ferdie I. Billones (May 12), Isidra D. Peñaranda (May 15), Ma. Cristina B. Arellano (May 21), Antonio L. Clarete Jr. (May 25) at Celestino “Leloy” Bustamante (May 19) ng Zamida Engineering Consultancy & General Merchandise, 154 Cantan Street, Cebu City.


The post KAUNA-UNAHANG “SAFE WORK SYSTEMS HAND-BOOK” NG MANILA WATER appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



KAUNA-UNAHANG “SAFE WORK SYSTEMS HAND-BOOK” NG MANILA WATER


Bohol town police chief, tigbak sa ambush

SIYAM na bala ang ibinaon sa katawan ng isang hepe ng pulisya nang ambusin ng riding-in-tandem sa Bohol nitong Martes ng gabi, Abril 29.


Dead-on-the spot sanhi ng kapansanan sa iba’t ibang bahagi ng katawan si SP01 Noel Romagos, Danao PNP station commander.


Wala namang ideya pa ang awtoridad kung sino ang pumatay sa biktima pero isa sa mga tinitingnang motibo ay may relasyon sa pagiging alagad ng batas nito.


Ayon kay Bohol Provincial Police Office (BPPO), naganap ang insidente nitong Martes ng alas-7 p.m. sa Barangay Sta Fe, Danao.


Bago ito, papunta sa ibang bayan ang biktima at ang misis nito pero pagsapit sa naturang barangay ay huminto sa pagmo-motorsiklo dahil may kakausapin ang kanyang misis na kaibigan.


Habang naghihintay sa labas, biglang dumating ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo at nagsabi kung pwedeng magtanong.


Hindi pa man nakapagtatanong, bumunot ng baril ang dalawang suspek at niratrat ang hindi nakapormang biktima.


The post Bohol town police chief, tigbak sa ambush appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bohol town police chief, tigbak sa ambush


G Toengi, palengkera at pasigaw mag-host!

HUWAG nang uulitin nina Bobby Yan at G Toengi na hingin ang palakpak sa audience ng Miss Taguig para sa bawat candidates dahil mapapahiya ‘yung walang tili at palakpak. Napaka-insensitive pa ni Bobby dahil nagtanong pa siya kung bakit dalawa lang ang pumalakpak sa isang kandidata? Hindi yata naisip ng mga hosts na ito na sila mismo ang nang-insulto sa candidates. Hindi akma sa pageant ang adlib nila. Dapat sa ganitong pageant ay maging pormal din si G sa hosting dahil ang napanood namin sa kanya ay parang ‘palengkera style’ dahil sa tono niyang pasigaw.


Anyway, pangalawang taon na naming nasaksihan ang Mutya ng Taguig sa imbitasyon ng Taguig PIO Chief na si Lito Laparan. Bukod sa hosts, bongga ang preparasyon, presentation at ginastusan ngayong taong ito na ginanap sa Samsung Hall ng SM Aura. Suportado ito ng city government sa pangunguna ni Mayor Lani Cayetano. 25 barangays ng Taguig ang naglaban-laban para makamit ang titulo.


Mabilis ang konsepto ng pageant. Kakaiba ang opening na isa-isang lumalabas sa entablado ang mga judges sa pangunguna ng dating Ms. Universe Margie Moran-Florendo, Miss. International 1979 Melanie Marquez, Direk Ricky Davao, Direk Manny Palo at ang BB. Pilipinas International na si Mary Anne Guidote.


Gusto rin namin ang ‘Malong Dance’ ng mga candidates bago sila ipakilala. Saludo kami sa director ng pageant.


Ang mga winners sa Mutya ng Taguig ay sina 4th runner-up Jeramie Mae De Vera ng South Daang Hari, 3rd runner-up si Kristel Anne ng Las Piñas ng Central Signal, 2nd runner-up si Jennahlisa Fernandez ng Bagumbayan, 1st runner-up si Kristine Bianca Quizon ng Lower Bicutan at ang Mutya ng Taguig ay si Ramona Mauricio ng Napindan.


Boom!!!


The post G Toengi, palengkera at pasigaw mag-host! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



G Toengi, palengkera at pasigaw mag-host!


PNoy, walang good news sa Araw ng Manggagawa

WALANG good news na maririnig ang mga manggagawa mula kay Pangulong Benigno aquino III sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa bukas, Mayo 1.


Sinabi Presidential spokesman Edwin Lacierda na 26 na dayalogo na aniya ang idinaos sa Malakanyang na aniya’y katanggap-tanggap naman sa labor groups ang mga napagkakayarian sa dayalogo.


Isa aniya sa sinuportahan ng labor groups sa pangunguna ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ay ang tax break dahil nauna na aniyang ibasura ng Pangulong Aquino ang umento sa sahod.


Kaya nga aniya agad na inatasan ni Pangulong Aquino ang Labor Secretary Rosalinda Baldoz at Internal Revenue Commissioner Kim Henares na pag-usapang mabuti ang usaping ito.


“That’s the reason why President Aquino ordered or instructed Secretary Baldoz and Commissioner Henares to sit down and study this thing further because, again, you have also the issue of the uniformity of taxation. We want to make sure that whatever we do should be uniform and should not unfairly prejudice any one sector,” anito.


The post PNoy, walang good news sa Araw ng Manggagawa appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PNoy, walang good news sa Araw ng Manggagawa


UPDATE: Mason na naputulan ng paa, patay na

PATAY na ang isang 43-anyos na mason na naputulan ng paa matapos masagasaan ng tren ng Philippine National Railways (PNR) kaninang umaga sa Antipolo St., kanto ng Jose Abad Santos sa Sta. Cruz, Maynila.


Alas-7 ng umaga nang masagasaan ang biktimang si Max Padon, mason ng Aleway Construction kung saan agad itong dinala sa Ospital ng Tondo subalit binawian din ng buhay makalipas ang ilang oras .


Ayon sa MPD-Police Station 7, ang biktima ay namatay habang ginagamot sa ospital subalit dahil sa matinding pinsala sa kanyang ulo, pagkaputol ng isang paa at pagkakadurog ng isa pang paa nito ay bumigay din ang kanyang katawan at tuluyang namatay.


The post UPDATE: Mason na naputulan ng paa, patay na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



UPDATE: Mason na naputulan ng paa, patay na


Bading, nilimasan ng mga kasabawat ng katalik

NAUDLOT ang pakikipagtalik ng 32-anyos na bading sa lalaking bago pa lamang niyang nakilala nang pasukin sila sa loob ng tinuluyang silid ng tatlong armadong holdaper at samsamin ang lahat ng gamit at salapi ng biktima kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.


Huli na nang matuklasan ni Gilbert Sablad, registered nurse at residente ng Blk. 21-42 Green Town, Bayan Luma, Imus, Cavite na kasabwat pala ng mga holdaper ang lalaking nakipagkilala lamang sa kanya sa loob ng Metropoint Mall sa EDSA kanto ng Taft Avenue, Martes ng gabi matapos tumakas kasama ang mga holdaper.


Sa ulat, alas-6 ng gabi, Martes, nang magkakilala ang biktima at ang suspek na si Yuhan Pormentera hanggang magpalitan na sila ng mensahe sa pamamagitan ng text at nagkasundong magkita at magtalik sa tinutuluyang silid ng suspek sa Blk. 11, Lot 11, Mulabe St., Sto. Niño.


Isinama ni Pormentera sa kanyang inuupahang silid si Sablad alas-4 ng madaling-araw at habang nasa kainitan ng kanilang pagtatalik, biglang pumasok ang tatlong lalaking armado ng patalim at puwersahang kinuha ang kanyang mini ipod na nagkakahalaga ng P15,000 Nokia cellphone na may halagang P12,000 at P3,000 cash.


Inihatid pa umano ng dalawang suspek si Sablad sa EDSA bago ipinasiya niyang magsumbong sa pulisya. Kaagad namang nagtungo sina PO1 Andrew Pangan at PO1 Ariel Domingo ng Police Community Precinct (PCP) 6 sa inuupahang silid ni Pormentera subalit nakatakas na ang mga ito.


Nakuha ng pulisya sa loob ng silid ang naiwanang drivers license ni Pormentera nang tumakas kasama ang tatlo niyang kasabwat.


The post Bading, nilimasan ng mga kasabawat ng katalik appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bading, nilimasan ng mga kasabawat ng katalik


Dambuhalang sawa nahuli sa Maynila

NASA 10 talampakan o mahigit 3 metro ang haba ng nahuling sawa habang tumatawid sa kalye sa Justo Lukban Elementary School sa Calixto Dyco St., Paco, Maynila.


Nabatid na isang residente sa lugar na si Lotlot Maravilla ang nakapansin sa sawa habang nagmomotor at inakalang humps kaya muntik niya itong masagasaan.


Bunsod nito, agad siyang tumawag ng ilang kapitbahay upang hulihin ito na tumagal naman sa isang oras dahil sa bigat nitong 9 kilos.


Wala namang nasugatan sa paghuli sa sawa na isang reticulated python o sawang bitin at walang kamandag.


Ayon naman kay Wally Gatmaitan, Secretary ng Barangay 671 na kanila nang itinawag sa Manila Zoo ang nahuling sawa para dito na lamang dalhin.


The post Dambuhalang sawa nahuli sa Maynila appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Dambuhalang sawa nahuli sa Maynila


Tuesday, April 29, 2014

Ginang ginahasa saka kinatay sa itikan

PATAY na nang matagpuan ang hubo’t hubad pang ginang sa isang itikan sa Barangay Lopez, Jaena, Norala.


Kinilala ang biktima na si Hilda Labargan, 39, mag-iitik, natagpuang patay ng kanyang mister na si Ronald Labargan Sr. sa mismong kanilang itikan.


Ayon sa report, isa sa itinuturong suspek ang helper sa itikan na si Eddie Boy Lavena, ng Bgy. Lambak, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat.


Sinasabing ginahasa muna ang biktima bago pinatay kung saan nagtamo ito ng head injury.


Narekober sa crime scene ang isang martilyo at short pants na may dugo na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng suspek.


Personal grudge ang tinitingnang motibo ng awtoridad sa pagpatay sa biktima.


The post Ginang ginahasa saka kinatay sa itikan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Ginang ginahasa saka kinatay sa itikan


Binatilyo patay sa rabies sa La Union

DAHIL sa kakaibang ikinikilos ng isang binatilyo na nagwawala at nanginginig ang katawan ay dinala na ito ng kanyang pamilya sa ospital sa Bagulin, La Union.


Dito na nalaman na kumalat na ang rabies sa utak ng binatilyo bago ito binawian ng buhay.


Ayon sa health worker, isa pang 45-anyos na mister ang kanilang inoobserbahan na nakitaan na rin ng sintomas ng rabies matapos kagatin ng tuta na kumagat sa binatilyo.


Sinasabing kakaiba na rin ang ikinikilos ng hindi na pinangalanang biktima.


Sumailalim na rin sa pagsusuri ang apat pang kaanak na nakasalamuha ng dalawang nakagat ng tuta at naturukan na rin ng anti-rabies vaccine.


Samantala, mayroon pang dalawang kaso ng dog bite sa nabanggit na lugar ang naitala.


Una rito, naalarma ang La Union provincial veterinary office matapos matuklasan na kumain at ginawang pulutan ang asong positibo sa rabies ang 30 residente sa bulubundukin ng Bagulin, La Union noong nakaraang buwan ng Abril.


The post Binatilyo patay sa rabies sa La Union appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Binatilyo patay sa rabies sa La Union


Rabies outbreak, idineklara sa 5 lugar sa Negros Occidental

Nagdeklara na ng rabies outbreak ang limang mga lugar sa Negros Occidental matapos masuring positibo ang mga aso sa rabies virus — at matapos ang pagkamatay ng isang tao mula sa nasabing impeksyon. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Rabies outbreak, idineklara sa 5 lugar sa Negros Occidental


NBA bans Clippers team owner

THE National Basketball Association banned Los Angeles Clippers owner Donald Sterling for life and fined him $2.5 million for racial comments he made in a taped conversation with his reported girlfriend.


As part of the ban, Sterling is not allowed “to attend any NBA games or practices, be present at any Clippers office or facility, or participate in any business or player personnel decisions involving the team.” Sterling also will be barred from attending any Board of Governors meetings and participating in any other league activity.


The fine is the maximum the NBA can issue under the NBA constitution, Silver said. Seventy-five percent of the NBA’s owners must vote to oust Sterling to force him to sell.


Several groups hoping to purchase the Clippers are already stepping forward, including Magic Johnson and Guggenheim Partners.


The NBA’s announcement comes a little more than three days after TMZ released the first audio recording of Sterling telling his reported girlfriend – identified as V. Stiviano – he didn’t want her bringing African-Americans to Clippers games. In the recording, he also said he wanted her to remove photos of African-Americans – including one of former Los Angeles Lakers guard and NBA Hall of Famer Magic Johnson – from social media. Noli Cruz


The post NBA bans Clippers team owner appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



NBA bans Clippers team owner


Cedric, Raz mananatili sa NBI

MANILA, Philippines - Mananatili sa National Bureau of Investigation (NBI) detention facility sina Cedric Lee at Simeon Raz sa kabila ng commitment order na .. Continue: Philstar.com (source)



Cedric, Raz mananatili sa NBI


US dedepensa sa Pinas

MANILA, Philippines - Hindi iiwan at handang idepensa ng Estados Unidos ang Pilipinas sa pa­nahon ng krisis o kagipitan. .. Continue: Philstar.com (source)



US dedepensa sa Pinas


Paghawak ng gov’t sa media killings ’di sapat

MANILA, Philippines - Aminado si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. .. Continue: Philstar.com (source)



Paghawak ng gov’t sa media killings ’di sapat


US troops na rumesponde sa Yolanda pinuri ni Obama

MANILA, Philippines - Pinapurihan kahapon ni US Pres. .. Continue: Philstar.com (source)



US troops na rumesponde sa Yolanda pinuri ni Obama


PNoy nakipagdayalogo sa mga manggagawa

MANILA, Philippines - Nakipagdayalogo kahapon si Pangulong Aquino sa mga kinatawan ng manggagawa sa gobyerno at pribadong sektor sa Malacañang kaugnay ng nal .. Continue: Philstar.com (source)



PNoy nakipagdayalogo sa mga manggagawa


Pinay tinamaan ng Mers CoV sa Saudi

MANILA, Philippines - Isa pang Pinay ang inilagay sa isolation area matapos mag-positibo sa nakamamatay na Middle East Respiratory Syndrome (MERS) Corona­vir .. Continue: Philstar.com (source)



Pinay tinamaan ng Mers CoV sa Saudi


NDRRMC director nag-resign

MANILA, Philippines - Nagbitiw sa puwesto si National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Eduardo del Rosario. .. Continue: Philstar.com (source)



NDRRMC director nag-resign


7-anyos na babaeng makikinood ng TV sa kapit-bahay, ginahasa at tinangka pang lunurin

Hindi man nakaligtas sa kahayukan ng suspek, naisalba naman ang buhay ng isang 7-anyos na babae sa Naga City dahil sa maagap na pagsaklolo ng kaniyang lolo nang marinig ang kaniyang pagsigaw matapos siyang ihulog ng suspek sa palayan na lubog sa tubig. .. Continue: GMANetwork.com (source)



7-anyos na babaeng makikinood ng TV sa kapit-bahay, ginahasa at tinangka pang lunurin


23 katao, arestado sa anti-drug raid sa Cagayan de Oro

Dinakip ng mga awtoridad ang may 23 suspek na hinihinalang pagtutulak at gumagamit ng iligal na droga sa Cagayan de Oro City. .. Continue: GMANetwork.com (source)



23 katao, arestado sa anti-drug raid sa Cagayan de Oro


Buhawi, nanalasa sa isang bayan sa Pangasinan -- report

Tinatayang nasa 20 kabahayan ang napinsala sa San Carlos City, Pangasinan matapos manalasa ang buhawi, ayon sa isang ulat sa radyo nitong Lunes. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Buhawi, nanalasa sa isang bayan sa Pangasinan -- report


6 KERNEL, 23 PULIS SA DROGA AT LUMAPIT SA MGA SANTO

benny-antiporda17 NIRATRAT ng awtomatikong baril si Chief Inspector Elmer Santiago, intelligence officer ng Philippine National Police, sa isang lugar sa Mandaluyong City noong Miyerkules Santo at namatay siya noon din.


Ito’y makaraang makipagkita ito sa isa niyang opisyal at humiling ng tulong para suportahan siya sa kampanya laban sa malawak na droga sa Metro Manila at Central Luzon.


Mga pulis ba ang pumatay sa kanya?


Ito ang tanong at lilitaw lang ang katotohanan sa araw na may lalantad na magtestigo pabor sa kanya.


DIAGRAM SA DROGA


MAGALING sa pagsunod sa mga yapak ng mga sangkot sa droga si Major Santiago.


Nagawa nitong tuntunin ang pinagmumulan ng droga na kumakalat sa Metro Manila hanggang sa lalawigan ng Zambales at Bataan.


Nagawa rin nitong amuyin ang mga pulis na sangkot o protektor ng droga.


Gayundin ang mga drug lord at pusher.


At ito ang kanyang iginuhit saka isinumite sa Camp Crame, ayon sa nakaaalam sa ginawa ni Santiago noong nabubuhay pa siya.


6 KERNEL, 23 PULIS


SA kanyang diagram, nagmula ang droga o utak nito sa Muntinlupa City, sa National Bilibid Prisons, lalo na.


Ibig-sabihin, may nakakulong na malaking drug lord at kahit ito nakakulong, nakapag-o-operate pa rin ito ng sindikato mula sa kanyang selda hanggang sa nasabing mga lalawigan.


At nagiging matagumpay ang pagdaloy ng droga dahil sa pagdaan nito sa kamay ng anim na kernel at 23 pulis.


Sakop ng mga pulis na ito ang Subic-Olongapo area at nasa anim na bayan ng Bataan.


Kaya naman gayon na lang kung bakit hindi masugpo-sugpo ang droga sa mga lugar na ito, kabilang na syempre sa ilang lugar sa Metro Manila.


SUSPENDIDO


MAY mga ulat na nagsasabing suspendido at iniimbestigahan na ang ilan sa mga isinangkot sa droga ni Santiago.


Ang tanong: hanggang kanino ang imbestigasyon at saan patutungo ang imbestigasyon?


Mayroon na bang nakakulong sa mga ito at mayroon bang huhugasan ng kamay ang mga awtoridad?


‘Yun bang === mayroon bang ililibre sa kaso ng mga awtoridad?


DRUG LORD AT MGA PUSHER


NASAAN din ang mga druglord at pusher?


Mayroon na bang dinampot sa mga ito upang mapasama sa mga dapat na managot sa naglipanang droga sa Metro Manila o Bilibid at sa Zambales at Bataan?


Tila tahimik ang pulisya sa usaping ito. O baka naman magugulat na lang tayo kung may maglipana ring mga bangkay na itatapon kung saan-saan.


Sapagkat kung kinatay si Santiago ng mga pulis o galamay ng mga drug lord, sino ang makatitiyak na mabubuhay nang matagal ang mga bossing at bata ng mga pulis na sangkot sa droga.


Ang kamatayan o salvaging ang karaniwang ultimate solution para makapaghugas ng kamay ang mga sangkot na pulis at drug lord sa kanilang iligal na gawain, mga Bro.


Anak ng tokwa, PNP chief, Director General Alan Purisima, paano ito, huh?


MALABONG MGA SAGOT


KUNG magkaroon ba ng engkuwentrong militar ang Pilipinas at Tsina, sasaklolohan ba ni President Barack Obama ang mahal kong Pinas?


Ito ang isang mahalagang tanong sa pagpunta ni Obama sa Pinas.


Ang sagot, eh, parang katumbas ng sinabi ni Mar Roxas sa mga biktima ni bagyong Yolanda noon.


Bahala kayo sa buhay ninyo dahil ang gusto namin ay mapayapang paglutas sa mga problema.


Ang suporta lang sa kasong isinampa ng Pinas ukol sa territorial claims sa West Philippine Sea sa United Nations ang malinaw na sagot ni Obama.


ARMAS AT TRAINING LANG


PAGBIBIGAY lang ng armas at training sa paggamit ng mga ito ang isa ring malinaw na sagot.


Napakalinaw rin ng sinabi ni Obama na wala itong intensyon na harangin ang maniobra ng Tsina sa West Philippine Sea at hindi lang magandang tingnan kung gagamit ang Tsina ng pananakot. Sapagkat sobrang malaki umano ang kalakalan at samahan ng Tsino at mga Kano.


Kaya malabo talaga ang pag-asa ng Pinas na tulungan siya ni Uncle Sam sa giyera.


Pumiyok tuloy si PNoy sa pagsasabing mas gusto nitong umunlad ang Pilipinas kaysa sumabak sa giyera para lang ipagtanggol ang ilang tipak ng bato sa West Philippine Sea na hindi matirhan ng tao.


MAGPATULONG SA MGA SANTO


DAHIL sa malabong usapin sa seguridad at proteksyon ng Pinas mula sa mga Kano sa sigalot sa West Philippine Sea, pinakamabuti siguro na tumakbo na lang tayo sa mga bagong santo at kay Pope Francis.


Baka naman pakinggan ng mga santong sina Pope John XXIII at Pope John Paul II ang dasal natin na ipagtanggol ang Pilipinas sakaling magkaroon ng giyera sa West Philippine Sea.


Maganda ring magpatulong tayo kay Pope Francis o Papa Kiko para sa ating pag-unlad.


Dahil payag pala si Papa Kiko na gapusin ang mga korap at ihagis sa gitna ng karagatan.


Ang mga korap ang dahilan ng hindi pag-unlad ng Pilipinas at napakarami ang mga ito kahit pagbatayan lang ang listahan ng mga mandurugas na ikinanta ng mga Napoles kina Justice Secretary Leila de Lima at ex-Senator Ping Lacson.


Ito na rin ang mga dahilan kung bakit wala tayong fighter jet at iba pang armas na gamit sa pagtatanggol ng ating mga teritoryo mula sa pang-aagaw ng iba.


oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.


The post 6 KERNEL, 23 PULIS SA DROGA AT LUMAPIT SA MGA SANTO appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



6 KERNEL, 23 PULIS SA DROGA AT LUMAPIT SA MGA SANTO


TAKOT?

sibol57 ANG sabi ni Janet Lim-Napoles, bakit daw matatakot ang mga mambabatas sa kanyang listahan kung wala naman silang kasalanan.


Naging laman ng usap-usapan ang sinasabing listahan ni Napoles magmula nang nag-request siya kay Secretary Leila de Lima ng Department of Justice na maging state witness na lang at kanya raw isisiwalat ang lahat ng kanyang nalalaman ukol sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam kung saan siya ang itinuturing na mastermind.


May listahan pa raw siya ng mga sangkot sa nasabing isyu o iskandalo.


Marami raw ang nagalit sa mga pahayag na ito ni Napoles, marami rin ang humamon sa akusado na ilabas na at ilantad ang kanyang ipinagmamalaking listahan.


Kaya nga ang sagot ni Napoles ay huwag matakot ang walang kasalanan.


Pero ang hamon ng ilan, takot nga ba ang isyu rito o para na rin lang magkabukuhan na at masolusyonan na ang problemang ito at para hindi na lahat na lang ng tao ay parang naghihintay na lang sa mga sa sabihin ni Napoles.


Sikat na sikat na siya pero sa tinagal-tagal na ng panahon na pinag-uusapan ito ay wala pa ring malinaw na direksyon.


Ang masamang epekto ng pabitin-bitin na pagpapalabas ng sinasabing listahan ay napagdududahan ang lahat ng mambabatas at maging ang mga walang kasalanan ay hindi maka-move on.


Halimbawa, may kakilala ako na lagi na lang kasama sa mga sinasabing sangkot daw pero hindi naman.


Wala lamang magawa ang aking kakilala kundi maghintay, na sana ay mailantad na ang mga may kasalanan sa bayan at malinis na ang reputasyon ng mga inosente.


Hindi nga ba’t ito rin ang panawagan ni Congressman Ronaldo Zamora, minority leader at congressman ng San Juan – lahat kasi ay napagdududahan.


Sa mga salita ni Zamora – everybody is painted with the same strokes.


Hangga’t hindi nailalabas ang ipinananakot na listahan, lahat ay suspek at hindi maganda ito para sa bayan.


Natutuwa ang marami at natimbog si Napoles at dahan-dahan ay isinisiwalat ang kanyang mga kakuntsaba pero hindi na rin maganda na ang tagal ng suspense.


Ilabas na ang listahan para matapos na ang isyung ito.


The post TAKOT? appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



TAKOT?


MARIKINA GOES AFTER DRUG BOSSES

abiso4 KAPAG pinutol ang puno, ‘di na ito mamumunga.


Gayundin pagdating sa illegal drugs. Kapag ang main source or major players ang nahuli at napakulong, matitigil ang daloy ng droga sa maliliit na pushers.


Ganyan ang stratehiya ng Marikina sa pagsugpo ng iligal na droga sa mga lugar na sinasakupan nito.

Kaya sunod-sunod ang pagkakabasyo ng milyon-milyong halaga ng shabu sa Marikina.


Nitong nakaraang dalawang linggo ay tatlong malaking operasyon ang ginawa sa Brgy. Tumana na ikinapilay ng mga sindikato ng droga rito.


Hataw agad si Police Senior Superintendent Vincent Calanoga sa pagsugpo ng iligal na droga at pilayan ang drug syndicates matapos na bigyan ni Mayor Del R. de Guzman ng marching orders na paigtingin ang kampanya laban sa kriminalidad.


Nais kasi ni Mayor Del na manumbalik ang pagiging Best Police Force ng Marikina sa buong Eastern Police District (EPD).


At the rate they are going, ‘di malayong maging best police force ang Marikina sa buong Metro Manila. Dahil kasi ito sa team effort approach nina Mayor Del, S/Supt. Calanoga, Vice Mayor Jose Fabian Cadiz, Kon. Frankie Ayuson at Rep. Miro Quimbo.


Sa pamamagitan ng resolusyon bilang 65 Serye ng 2014, kinilala ng pamahalaang lungsod ng Marikina si Calanoga, ang Chief of Police ng PNP-Marikina, at ang mga pulis na kasama sa buy-bust operation na isinagawa noong ika-11 ng Abril sa Singkamas St., Brgy. Tumana na roon nahuli ang limang (5) suspek na hinihinalang tulak ng droga.


Nakuha sa mga ito ang ilang sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang street value na PhP6M, 41 piraso ng bala ng kalibre .45 at 21 pirasong bala ng 9MM, dalawang bag ng pera na naglalaman ng pera na humigit kumulang sa PhP200,000 at tatlong (3) unit ng motorsiklo.


Samantala, nito lang ika-27 ng Abril, nadakip ng mga pulis-Marikina ang mga suspek na sina Amino Malaatao Abdul, Asmila Afuan Gimba at Ian Lawrence Merdegia Banares sa isinagawang buy-bust operation sa Mais St., Brgy. Tumana. Nakuha sa mga suspek ang 66 piraso ng maliliit na sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang .45 caliber at .9MM na baril, 8 bala ng .45 caliber, 6 bala ng .9MM, 44 bala ng .22 caliber, dalawang digital weighing scale, at 6 cellphone.


Marami ang nangangamba na baka nagpaparamdam lamang itong si Calanoga. Baka raw hanggang umpisa lang.


Pero, handpicked ni Deputy Director General Felipe L. Rojas, Jr. itong si Calanoga. Maganda naman daw ang track record nito, sabi pa nga ni kosa, non-alquitran ng Philippine Star.


Saludo ako sa ipinakikitang tikas at determinasyon ni Calanoga. Low profile pa siya at hindi madaldal. Pinababayaan niya na ang kanyang mga accomplishment ang magsalita para sa kanya. Siya na nga ba ang matagal nang hinihintay ng mga Marikenyo para ganap na masugpo ang kriminalidad sa bayan namin?


The post MARIKINA GOES AFTER DRUG BOSSES appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



MARIKINA GOES AFTER DRUG BOSSES


MAHUSAY ANG ARMAS

pakurot51 BAGAMA’T sinasabi ni dating Pangulong Joseph Estrada na hindi siya nakapagtapos ng kanyang pag-aaral, hamak na mas matalino naman siya sa ibang pinuno ng bansa na gamit nga ang utak subalit hindi naman ang puso.


Mas mahusay ang armas na gamit ni Manila Mayor Estrada sa kanyang pagsabak sa pulitika at iyan ay ang kanyang puso para sa mahihirap. Dahil sa malasakit ni Erap sa maliliit ay napalapit siya sa puso ng masa kaya’t hindi matatawaran ang kanyang karisma.


Sa pag-upo ni Mayor Erap sa Manila City Hall noong Hulyo, hindi lahat ng empleyado ay sa panig niya. Marami pa rin ang nasa panig ni dating Manila Mayor Alfredo Lim. Kahit sa hanay ng mga pulis at guro, hindi maiaalis na hindi sila naniniwala sa mga pangako ni Estrada.


Subalit ngayon, unti-unti na nilang minamahal ang dating Pangulo sapagkat alam nito kung sino at ano ang dapat bigyang prayoridad sa kanyang panunungkulan sa lungsod.


Hindi matatawaran ang tulong na ibinibigay ng alkalde sa mga nagtatrabaho para sa kaayusan at katahimikan ng lungsod. Hindi niya minamaliit at sa halip ay kinikilala niya ang ginagawang hirap ng mga pulis upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa Maynila.


Kaya naman, bilang pasalamat, mula sa P1,000 monthly allowance na kanyang ibinalik, ginawa niyang P2,500 bawat buwan ang allowance ng mga miyembro ng Manila Police District. Makatatanggap ang may 2,700 pulis at non-uniformed personnel ng MPD ng P10,000 hanggang buwan ng Abril.


Noong Lunes, bilang bahagi rin ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan, namahagi rin ng bigas si Mayor Estrada sa mga miyembro ng MPD na ipinagpasalamat naman ni MPD director Chief Supt. Rolando Asuncion.


Sa pag-upo ni Asuncion, naglunsad ito ng “all out war against illegal gambling” kaya ang mga pulis na nakikinabang sa sugal ay gutom ang inaabot.


Pasalamat din ang ipinaaabot ng Manila’s Finest sa pagbibigay ng allowance ni Estrada sa mga pulis dahil malaking tulong ito sa kanila lalo na ngayong panahon ng enrollment ng mga bata.


Malamang, hindi lang pulis ang magpapasalamat kay Estrada sa darating na mga buwan sapagkat nangako ito na itataas din ang allowance ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan.


The post MAHUSAY ANG ARMAS appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



MAHUSAY ANG ARMAS


DISMAYADO ANG MGA BAGONG ABOGADO

lily-reyes61 NADISMAYA raw ang ating mga bagong abogado sa hindi pagkakatuloy ng kanilang oath taking noong Lunes dahil sa dalawang araw na state visit ni US President Barack Obama.


Ang oath taking ng 1,174 na bar passers ay itinakda noong nakalipas na Lunes sa Philippine International Convention Center o PICC ngunit dahil sa pagdating ni US President Barack Obama ay nakansela ito at muling itinakda ito ng Korte Suprema sa darating na Mayo 5.


Tsk, tsk, tsk. Kung saan-saang probinsya pa nanggaling ang mga bar passer na ito. Hindi kaya naisip ng Korte Suprema na gumastos na ng kanilang mga plane ticket ang mga bagong abogado?


Sigurado niyan. ‘Yung galing sa ibang probinsya ay matagal na rito sa Metro Manila, kasama ang kanilang pamilya. Kaya hindi biro-biro ang kanilang mga ginastos.


Maging itong si Cebu City Mayor Michael Rama, na isa ring abogado, ay emosyonal ding naglabas ng kanyang pagkadismaya sa biglaang pagkakansela ng oath taking. Tinawag pa nga ni Mayor Rama na ridiculous decision ang hakbang na ito ng Korte Suprema.


AMERIKA IPAGTATANGGOL ANG PILIPINAS…


PANININDIGAN daw ng Amerika ang commitment nito na idepensa ang Pilipinas at ipagtatanggol ang seguridad at kalayaan ng bansa kung sakaling lumusob ang China.


Talaga lang, ha? Pero bakit naging mailap si US Pres. Barack Obama sa pagbibigay ng kategorikal na sagot tungkol sa kahandaan ng Amerika sa pagdepensa kung sakaling lusubin ng China ang ating bansa kaugnay sa territorial dispute natin sa una?


Iginiit ng pangulo ng Amerika na bagama’t malayo ang pagitan ay malalim naman daw ang pagkakaibigan ng Pilipinas at Amerika. Gaano nga ba kalalim ang pagkakaibigan ng dalawang bansang ito?


Sabagay, sa tuwing may nangyayaring kalamidad sa Pilipinas ay ang Estados Unidos ang isa sa mga bansang unang dumaramay sa mga Filipino at iyan ay dapat nating ipagpasalamat.


***

Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo o hinaing, suhestyon at komento, mag-text lang po sa 09087230036.


The post DISMAYADO ANG MGA BAGONG ABOGADO appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



DISMAYADO ANG MGA BAGONG ABOGADO


KAHIT KAMAG-ANAK INC. OKS LANG KAY MANAGER

johnny_magalona1036 IPAGPATULOY natin ang pagbubulgar sa mga violation at katiwalian na pinaggagawa ni National Food Authority-East District Office (NFA-EDO) Mngr. Ray Villacorta.


Ukol naman ito ngayon sa paglabag nito sa ipanagbabawal na KAMAG-ANAK INCOPORATED. Sa patakaran kasi ng NFA, bawal na bawal ang mga magkakamag-anak sa mga retailer.


Pero simula nang maging NFA-EDO manager itong si Villacorta ay pinapayagan na nito ang mag-asawa, anak, kapatid at maging ‘yung first time lang na makakukuha ng NFA license.


Pinapayagan din ni Villacorta ‘yung mga nag-a-apply ng license nang kasabay sa pag-accredit din dito.


Ang nakatutuwa pa nito, kapag kaalyadong retailer ni Villacorta ang nag-aaplay ng accreditation, kahit wala ito sa loob ng palengke, ay ia-accredit niya ito bilang mga major market. Ang galing, no?


Pero ang masakit, ‘pag ang isang retailer na gustong magpa-accredit, kapag hindi siya marunong maglangis o magtongpats kay Mngr. Villacorta, ay iko-close accreditation niya ito.


Naku po…namputsa naman!


Heto pa ang isang katarantaduhan ni Villacorta kapag hindi niya type ang isang nag-aaplay ng accreditation: kaagad niya itong ii-stop accreditation.


O kaya naman sasabihin niya sa mga retailer ay nasa director’s office na ang mga application kahit wala pa naman. Niloloko ni Villacorta ang mga retailer pero ang totoo ay nasa drawer lang niya ang mga application na halos inaamag na. Walang actions. (ITUTULOY)


PASUGALAN NI KAPITAN SA BATANGAS CITY


NAKUPO, ang lakas ng patupadahan at iba pang mga iligal na pasugalan ni Kap. Marasigan sa Brgy. Pinamukan, Silangan, Batangas City.


Bukod sa patupadahan ay malakas din daw ang pasakla, color games at beto-beto ni Kap. Marasigan.


Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin pinatitigil ni Batangas PD Sr./Supt. Omega Fidel ang mga pasugalan ni Kap. Marasigan. Gano’ng halos buong mga taga-Brgy. Pinamukan at kalapit na barangay ay nagrereklamo.


Magkano ba ito, PD?


***

Anomang mga reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.


The post KAHIT KAMAG-ANAK INC. OKS LANG KAY MANAGER appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



KAHIT KAMAG-ANAK INC. OKS LANG KAY MANAGER


SI ERAP ANG PAG-ASA NI ROXAS

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEB41 KUNG gusto ng Liberal Party na makabangon muli ang kanilang pambatong si DILG Sec. Mar Roxas ay dapat silang gumawa ng paraan para sulsulan at tumuloy na tumakbong pangulo muli ng bansa itong si Manila Mayor Erap Estrada.


Sa nakikita kasi natin ay ito na lamang ang makapipigil sa pagkapangulo ni VP Jojo Binay na sa ilang araw na lang ay ibabandera na sa madla ang kanyang bagong partido na siyang gagamitin nito para sa 2016 election.


Maging ang mga negosyante ay magiging mailap daw kay Roxas dahil alam naman daw nilang walang tsansa ang asawa ni Korina na makaupo sa pinakamataas na pedestal ng bansa.


Kung tutuloy kasi si Erap na tumakbong muli bilang presidente ng Pinas ay tiyak mahahati ang botong makukuha ni Binay at dito lamang lalakas ang tsansa ni Roxas.


Simpleng dahilan lamang ang puwede nilang isubo sa grupong Estrada para kagatin ito ng dating Pangulo at iyan ay ang pag-iwan ni Binay kay Jinggoy para gawing ka-tandem sana sa halalang 2016.


Malinaw na nabuo lamang ang Erap for president again movement nang magdesisyon si Binay na kalimutan na ang Binay-Jinggoy tandem matapos bumaho ang pangalan ng panganay na anak ni Erap kay Loi dahil sa pork barrel scam.


Lalo pang nakumpirma ito ng grupong Estrada matapos palutangin ni Binay na isang ekonomista na malayong-malayo kay Jinggoy ang kanyang magiging ka-tandem.


Pokus ang kailangang gawin muna ng grupo ni Roxas at kailangan nilang mapagtagumpayan ‘yan dahil ang pag-uudyok lang kay Erap, na pumangalawa kay PNoy noong 2010 at nagdala kay Binay para maging Pangalawang Pangulo ang susi sa LP para manatili ang kanilang pader sa Malakanyang.


The post SI ERAP ANG PAG-ASA NI ROXAS appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



SI ERAP ANG PAG-ASA NI ROXAS


Pulis na rumesponde sa amok, napatay ng mga kapwa-pulis nang mapagkamalan na siya ang nag-aamok

Isang pulis na nakasibilyan na rumesponde lang sa report na may isang nag-aamok ang napatay ng kaniyang mga kapwa pulis nang mapagkamalan na siya ang nag-aamok. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Pulis na rumesponde sa amok, napatay ng mga kapwa-pulis nang mapagkamalan na siya ang nag-aamok


KAMBYO NI MIRIAM AT RD NG REGION 5 NAPIKON

burdado-jun-briones218 MAYHEM o kaguluhan ang ibubunga ng listahan ni Napoles ng kanyang mga kasabwat umano sa pandarambong sa kaban ng bayan.


‘Yan, parekoy, ang pahayag ni Sec. Leila de Lima kaya hindi raw siya mapipilit na isapubliko ito.


King-ina! Eh, lalong malilito at magkakagulo ang mga tao hangga’t hindi ito inilalabas ni De Lima!


Sa isang banda, dapat ay hindi muna nagngangakngak si Daldalima na may hawak siyang listahan kung hindi naman pala siya nakahandang ilabas ito!


Pero ang higit na nakagugulat, parekoy, ay si Sen. Miriam Santiago na sa mga naunang pagdinig ng blue ribbon committee ay matindi talaga ang pananampalataya kay Napoles.


Kaya nga paulit-ulit siyang nakiusap noon na ituro na ni Napoles ang kanyang kalabang si Sen. Juan Ponce Enrile.


Pero nang biglang iniulat na kasama pala ang pangalan ni Manang Miriam du’n sa listahan ay bigla nitong dinis-credit si Napoles!


At sinabing dapat ay may ebidensya ito.


Pero noon, ituro lang si Enrile ay sapat na! Sanamabits!


-o0o-


DAHIL sa sunod-sunod na pagbubulgar ng Burdado sa laganap na iligal na sugal sa mga lalawigan ng Masbate at Albay, kaya napikon umano si PNP Regional Director (5) C/Supt. Victor Pelota Deona.


Ayon sa ating tawiwit, umuusok ang bumbunan ni general tuwing lumalabas sa Burdado ang isyu ng iligal na sugal.


Ang masakit, parekoy, hindi kay Masbate Provincial Director S/Supt. Jacinto Culver Nasol Sison o sa PD ng Albay nagagalit si RD, kundi sa Burdado!


Totoo ba ito, Gen. Deona?


Na mas nagagalit ka sa nagbubulgar ng anomalya kaysa sa mga pasimuno at “protector” ng mga hijo de-puta?


Bakit hindi mo muna ipasilip ang lantarang “lotteng” nina Biboy Sese at Jie Yuson sa 1st Dist. ng Masbate?


Babyboy Tan, Perla Manlapaz, Benjie Lim, Rex Cabug, Boyet at Nong Amaro, Nap Arguelles, Arjay Lim at Bert Chu na ang katiwaldas ay si Asing Dalanon sa 2nd Dist.


At Danny Olmella, Goling Ching, Jojo Aum at Jeorge Hao sa 3rd Dist.


Sa Albay naman, bakit hindi mo ipasuri si Jun Alegre na nagpapakilalang “bagman” ni Gov. Joey Salceda?


Hindi ba’t matagal na kayong magkakilala ng dating mediaman na si Alegre? Ha?


Kaya nga ipinagyabang ni Alegre na una niyang inaasikaso ang “weekly” para sa tanggapan ng RD kaya largado ang iligal na sugal na lotteng sa buong Albay.


Maghunos-dili ka, general, d’yan sa galit mo!


Dahil “okatokat”. Hak, hak, hak! Pwe!


The post KAMBYO NI MIRIAM AT RD NG REGION 5 NAPIKON appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



KAMBYO NI MIRIAM AT RD NG REGION 5 NAPIKON


6 KERNEL, 23 PULIS SA DROGA AT LUMAPIT SA MGA SANTO

_benny antiporda NIRATRAT ng awtomatikong baril si Chief Inspector Elmer Santiago, intelligence officer ng Philippine National Police, sa isang lugar sa Mandaluyong City noong Miyerkules Santo at namatay siya noon din.


Ito’y makaraang makipagkita ito sa isa niyang opisyal at humiling ng tulong para suportahan siya sa kampanya laban sa malawak na droga sa Metro Manila at Central Luzon.


Mga pulis ba ang pumatay sa kanya?


Ito ang tanong at lilitaw lang ang katotohanan sa araw na may lalantad na magtestigo pabor sa kanya.


DIAGRAM SA DROGA


MAGALING sa pagsunod sa mga yapak ng mga sangkot sa droga si Major Santiago.


Nagawa nitong tuntunin ang pinagmumulan ng droga na kumakalat sa Metro Manila hanggang sa lalawigan ng Zambales at Bataan.


Nagawa rin nitong amuyin ang mga pulis na sangkot o protektor ng droga.


Gayundin ang mga drug lord at pusher.


At ito ang kanyang iginuhit saka isinumite sa Camp Crame, ayon sa nakaaalam sa ginawa ni Santiago noong nabubuhay pa siya.


6 KERNEL, 23 PULIS


SA kanyang diagram, nagmula ang droga o utak nito sa Muntinlupa City, sa National Bilibid Prisons, lalo na.


Ibig-sabihin, may nakakulong na malaking drug lord at kahit ito nakakulong, nakapag-o-operate pa rin ito ng sindikato mula sa kanyang selda hanggang sa nasabing mga lalawigan.


At nagiging matagumpay ang pagdaloy ng droga dahil sa pagdaan nito sa kamay ng anim na kernel at 23 pulis.


Sakop ng mga pulis na ito ang Subic-Olongapo area at nasa anim na bayan ng Bataan.


Kaya naman gayon na lang kung bakit hindi masugpo-sugpo ang droga sa mga lugar na ito, kabilang na syempre sa ilang lugar sa Metro Manila.


SUSPENDIDO


MAY mga ulat na nagsasabing suspendido at iniimbestigahan na ang ilan sa mga isinangkot sa droga ni Santiago.


Ang tanong: hanggang kanino ang imbestigasyon at saan patutungo ang imbestigasyon?


Mayroon na bang nakakulong sa mga ito at mayroon bang huhugasan ng kamay ang mga awtoridad?


‘Yun bang === mayroon bang ililibre sa kaso ng mga awtoridad?


DRUG LORD AT MGA PUSHER


NASAAN din ang mga druglord at pusher?


Mayroon na bang dinampot sa mga ito upang mapasama sa mga dapat na managot sa naglipanang droga sa Metro Manila o Bilibid at sa Zambales at Bataan?


Tila tahimik ang pulisya sa usaping ito. O baka naman magugulat na lang tayo kung may maglipana ring mga bangkay na itatapon kung saan-saan.


Sapagkat kung kinatay si Santiago ng mga pulis o galamay ng mga drug lord, sino ang makatitiyak na mabubuhay nang matagal ang mga bossing at bata ng mga pulis na sangkot sa droga.


Ang kamatayan o salvaging ang karaniwang ultimate solution para makapaghugas ng kamay ang mga sangkot na pulis at drug lord sa kanilang iligal na gawain, mga Bro.


Anak ng tokwa, PNP chief, Director General Alan Purisima, paano ito, huh?


MALABONG MGA SAGOT


KUNG magkaroon ba ng engkuwentrong militar ang Pilipinas at Tsina, sasaklolohan ba ni President Barack Obama ang mahal kong Pinas?


Ito ang isang mahalagang tanong sa pagpunta ni Obama sa Pinas.


Ang sagot, eh, parang katumbas ng sinabi ni Mar Roxas sa mga biktima ni bagyong Yolanda noon.


Bahala kayo sa buhay ninyo dahil ang gusto namin ay mapayapang paglutas sa mga problema.


Ang suporta lang sa kasong isinampa ng Pinas ukol sa territorial claims sa West Philippine Sea sa United Nations ang malinaw na sagot ni Obama.


ARMAS AT TRAINING LANG


PAGBIBIGAY lang ng armas at training sa paggamit ng mga ito ang isa ring malinaw na sagot.


Napakalinaw rin ng sinabi ni Obama na wala itong intensyon na harangin ang maniobra ng Tsina sa West Philippine Sea at hindi lang magandang tingnan kung gagamit ang Tsina ng pananakot. Sapagkat sobrang malaki umano ang kalakalan at samahan ng Tsino at mga Kano.


Kaya malabo talaga ang pag-asa ng Pinas na tulungan siya ni Uncle Sam sa giyera.


Pumiyok tuloy si PNoy sa pagsasabing mas gusto nitong umunlad ang Pilipinas kaysa sumabak sa giyera para lang ipagtanggol ang ilang tipak ng bato sa West Philippine Sea na hindi matirhan ng tao.


MAGPATULONG SA MGA SANTO


DAHIL sa malabong usapin sa seguridad at proteksyon ng Pinas mula sa mga Kano sa sigalot sa West Philippine Sea, pinakamabuti siguro na tumakbo na lang tayo sa mga bagong santo at kay Pope Francis.


Baka naman pakinggan ng mga santong sina Pope John XXIII at Pope John Paul II ang dasal natin na ipagtanggol ang Pilipinas sakaling magkaroon ng giyera sa West Philippine Sea.


Maganda ring magpatulong tayo kay Pope Francis o Papa Kiko para sa ating pag-unlad.


Dahil payag pala si Papa Kiko na gapusin ang mga korap at ihagis sa gitna ng karagatan.


Ang mga korap ang dahilan ng hindi pag-unlad ng Pilipinas at napakarami ang mga ito kahit pagbatayan lang ang listahan ng mga mandurugas na ikinanta ng mga Napoles kina Justice Secretary Leila de Lima at ex-Senator Ping Lacson.


Ito na rin ang mga dahilan kung bakit wala tayong fighter jet at iba pang armas na gamit sa pagtatanggol ng ating mga teritoryo mula sa pang-aagaw ng iba.


oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.


The post 6 KERNEL, 23 PULIS SA DROGA AT LUMAPIT SA MGA SANTO appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



6 KERNEL, 23 PULIS SA DROGA AT LUMAPIT SA MGA SANTO


TAGUMPAY!

NAGING matagumpay ang isinagawang medical mission ng Scout Royale Brotherhood (SRB) sa Sampaloc, Maynila noong Abril 26, 2014 sa pangunguna ni Mr. DengDeng Santiago.

NAGING matagumpay ang isinagawang medical mission ng Scout Royale Brotherhood (SRB) sa Sampaloc, Maynila noong Abril 26, 2014 sa pangunguna ni Mr. DengDeng Santiago.



The post TAGUMPAY! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



TAGUMPAY!


Misis ni Wowie de Guzman pumanaw

HINDI pa rin matanggap ni Wowie de Guzman ang biglaang pagyao ng kanyang misis matapos manganak isang buwan pa lamang ang lumipas.


Sa kanyang Facebook account, makikita ang mensahe ng pangungulila at pagmamahal ni Wowie sa namayapang asawa.


Ayon pa sa kanyang post: “Para sa asawa ko..sa boss ko…sa honey ko sa kaagaw ko sa remote..at sa bestfriend ko…d ko alam Kung nananaginip lang ako coz gusto ko na magising or Kung isang eksena lang to sa isang taping ko dahil gusto ko na tapusin para makauwi na ako sayo….panginoon ano po ba kasalanan ko na ginawa at nangyayari to sa akin…Kung meron man po parusahan nyo po ako kahit na ano ibalik nyo lng po asawa ko parang awa nyo po….sherryl sherryl bumalik ka na dto nahihintay ma Kame ng anak mo…pls lang she pipikit ko ma mga mata ko sana paggising ko nandito ka na hon.”


Lumalabas na 11 p.m. noong Abril 26 nang bawian ng buhay si Sherryl at hindi pa matukoy ang dahilan ng biglaang pagpanaw nito.


Ayon kay Wowie, bago namatay ang kanyang misis ay uminom ito ng pain reliever makaraang sumakit ang katawan.


The post Misis ni Wowie de Guzman pumanaw appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Misis ni Wowie de Guzman pumanaw


Sahod ng mga guro sa pampublikong paaralan, iminungkahing gawing P36k

Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara de Representantes para gawing Salary Grade 20 mula sa kasalukuyang Salary Grade 11 na minimum salary grade level ng mga guro sa mga pampublikong paaralan. Kung maaaprubahan ito, mula sa kasalukuyang P18,549.00, magiging P36,567.00 ang buwanang sahod ng mga guro. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Sahod ng mga guro sa pampublikong paaralan, iminungkahing gawing P36k


HINDI PINAPANSIN NG MAMBABATAS ANG PAGPAPATUPAD NG GHW SA PAKETE

ang inyong lingkod hilda ong AYON kay New Vois Association of the Philippines (NVAP) President Emer Rojas, ang civil society ay sumusubaybay sa kongreso upang matiyak na ang batas ay magkakaroon na ng progreso, at maging batas na ito sa lalong madaling panahon.


“Napansin natin na sa sampung taon ng “TEXT-ONLY WARNINGS” ay hindi naging epektibo dahil mataas pa rin ang porsyento ng mga naninigarilyo (28.3%) sa mga matatandang Filipino. Ang mga nakasanayang mensahe sa mga pakete ng sigarilyo ay hindi na epektibo at nakahihikayat upang paniwalain ang mga naninigarilyo. Kung ang pag-uusapan ay tungkol sa sama na idudulot ng paninigarilyo. Kami ay naniniwala, base sa pag-aaral, na ang graphic health warnings ay magkakaroon ng resultang mainam,” saad ni Atty. Irene Reyes, managing director of the Health Justice.


Sinabi pa ni Reyes na dapat na huminto ang mga mambabatas sa pagbalam sa batas at hayaang masaksihan ng mga tao ang tunay at walang katapat na kapahamakan na naghihintay sa mga taong naninigarilyo, kundi maging ang mga taong nakalalanghap ng usok mula sa mga naninigarilyo, o ‘yung tinatawag na second hand smoke.


“Ang mungkahi na sapilitang ipatupad ang graphic health warnings ay palaging nababalam o kundi man ay hindi nabibigyang-pansin ng ating mga mambabatas. Hinihimok natin sila na ipatupad na ang batas ngayon na, sapagkat dapat paigtingin ang pamamalakad tungkol sa kalusugan. Sapagkat, kung ating susuriin, 10 Filipino ang namamatay bawat oras dahil sa mga sakit na may kaugnayan sa paninigarilyo,” ani Rojas.


“Nakita namin ang lakas ng mithiin ng civil society at ang mga nagpupumilit at sapat ang kaalaman ng mamamayan sa nakaraang sin tax deliberations. Umaasa tayo na matatamo rin natin ang magandang resulta para sa kampanya ukol sa graphic health warnings,” pagwawakas pa ni Engr. Rojas.


The post HINDI PINAPANSIN NG MAMBABATAS ANG PAGPAPATUPAD NG GHW SA PAKETE appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



HINDI PINAPANSIN NG MAMBABATAS ANG PAGPAPATUPAD NG GHW SA PAKETE


ISANG SENADOR LANG ANG TUMINDIG SA SWINDLERS’ LIST

_benny antiporda ANO na ang nangyayari sa Senado ukol sa listahan ng mga mandurugas o Swindlers’ List sa Priority Development Assistance Fund at Malampaya Fund na nasa P11 bilyon sa kabuuan?


Isang senador pa lamang ang nananawagan na dapat i-subpoena ng Senate blue ribbon committee ang listahan na hawak ni Department of Justice Leila de Lima.


Pero malabnaw pa yata ang paninindigan ni Sen. Serge Osmeña dahil daraanin pa sa caucus kung isu-subpoena at ilalabas ang listahan o hindi.


Eh, kung hindi nila isu-subpoena at ilalabas ang listahan, ano sa palagay ninyo ang nangyayari at katotohanan, mga Bro?


TAHIMIK DIN SA KAMARA


ITONG mga mambabatas sa Kamara ay tahimik din, sobrang tahimik.


At pati si ex-Senator Ping Lacson ay gusto ring patahimikin dahil may listahan din ito na hawak mula sa dyowa ni Janet na si Jimmy Napoles.


Mayroon pa ngang “Hello, Jean o Janet” sa papel na hawak ni Lacson. ‘Yang Hello, Jean o Janet” na ‘yan, mga Bro, ay katumbas ng “Hello, Garci” noong panahon ni Aling Gloria.


Kung pandurugas sa halalang 2004 ang konek ng Hello, Garci, pandurugas naman sa PDAF at Malampaya Fund ang sa Hello, Jean o Janet.


DENIAL KINGS, DENIAL QUEENS


HINDI lang sa mundo ng mga taga-showbiz matatagpuan ang mga denial king at queen ukol sa mga intriga.


Mas marami at puno ng mga hari at reyna ng denial ang Kamara at Senado ukol sa P11 bilyong iskam.


May 24 na senador at nakararami sa mga ito ang nagsasabing wala sila sa listahan. Mahigit 250 naman ang mga kongresman at nakabibinging katahimikan ang maririnig sa mga ito ukol sa pandurugas sa kaban ng bayan.


Ang katahimikan ng mga ito, eh, hindi pag-amin kundi pagtatwa na sila’y mandurugas din.


PALASYO RIN


PERO hindi lang sa Kongreso may mga denial king. Pati ang mga nasa Palasyo ay panay tanggi rin sa pagkakasangkot sa iskam.


May dalawang matagal nang suspek sa iskam pero panay deny rin sila sa pagkakasangkot.


Sobrang tahimik din ngayon ng Palasyo ukol sa Swindlers’ List at hindi ito nariringgan na isulong ang pagbubukas ng listahan sa publiko. Bakit?


DAGDAG-BAWAS


HABANG nagtatagal ang pagtatago ng Swindlers’ List ni De Lima, marami ang nangangamba na daraan ito sa dagdag-bawas.


Sabi ni Sen. Serge, hindi pupuwedeng dagdagan-bawasan ang listahan, pero sino ang may sabing hindi?


Alalahanin na hawak ng Palasyo si Napoles at parang may tawaran kung gagawin itong isang whistleblower.


Paano kung kapalit ng pagiging whistleblower, eh, masibak sa listahan ang mga dapat na masama, kasama na ang may mas malalaking dugas kumpara sa ipinagdiriinang dinugas ng tatlong senador na pinagbibintangan ngayon?


MATIBAY NA EBIDENSYA


LAHAT ngayon ng mga nagdadaldal na senador at kongresman, kasama na ang mga taga-Palasyo, na kailangan ang matitibay na ebidensya laban sa mga nadadawit sa Swindlers’List. ‘Yun bang === kailangan na may maipakitang dokumento si Napoles.


Pero paano kung hawak ng mga sangkot ang mga dokumento dahil nakaupo naman sila sa pamahalaan? At ang pananatili nila sa puwesto ay ginagamit na para “sunugin” ang mga ebidensya!


Isa pa, paano kung sa pamamagitan ng testimonya ay maidedetalye ni Napoles kung paano siya nagpamigay ng salapi sa mga senador, kongresman at taga-Palasyo? Hindi ba pupuwedeng maituring ang testimonial evidence bilang matibay na ebidensya?


ILABAS NA


DAHIL bantulot ang Kongreso at Palasyo na ilabas ang Swindlers’ List, mga Bro, dapat na ilabas na ito, now na.


Kung malinis ang mga nasa listahan, patunayan nila ang kanilang pagiging inosente at kawalan ng kasalanan sa harap ng bayan.


Ngayon nila gawin ang kabaliktaran ng kanilang ginagawa na pagpipilit na magmukhang guilty na ang kanilang mga kalaban sa halalang 2016 kahit hindi pa sumasalang ang mga ito sa paglilitis sa hukuman.


Itong mga denial king at queen ay napakagagaling na magkalkal ng mga ebidensya laban sa kanilang mga kalaban ngunit ngayon na nasa listahan sila, ayaw nilang magkalkal ng sarili nilang baho at umamin na sila’y kasimbaho ng kanilang mga inaakusahan ng pandurugas sa bayan.


MISTERYO NG FOI


DAHIL sa Swindlers List, lalong tumingkad, mga Bro, ang ating laban para sa pagkakaroon ng batas na magbibigay sa mamamayan ng karapatan na umalam at makialam sa mga transakyon ng gobyerno at ng mga opisyal at tauhan nito.


Matagal na nating tinatawag ang batas na Freedom of Information o malayang impormasyon.


Dahil sa kawalan ng FOI at kawalan ng interes ng mismong pamahalaan, kabilang na ang Kongreso, sa pagpapasa ng batas nito, heto ngayon ang pinaggagawa ng DoJ na itago ang Swindlers’ List.


Malayang nagagawa ng pamahalaan na ipagkait ang impormasyon sa mga mamamayan, kahit pa ang mga kabulukan na kinasasangkutan ng mga opisyal at tauhan ng bayan.


At dito nagiging maliwanag ang misteryo ng FOI: ang kawalan nito bilang batas ay pagbibigay-kapangyarihan sa mga mandurugas na magpatuloy sa kanilang pandurugas at pang-aabuso sa kaban ng bayan at kapangyarihan at kakambal nito ang paglapastangan sa karapatan ng mamamayan na umalam at makialam sa mga transaksyon sa pamahalaan.


oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.


The post ISANG SENADOR LANG ANG TUMINDIG SA SWINDLERS’ LIST appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



ISANG SENADOR LANG ANG TUMINDIG SA SWINDLERS’ LIST