UMABOT na ngayon sa pinakamahal na presyo ang ticket sa much-awaited battle sa pagitan ni Manny “Pacman” Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. sa May 2.
Ayon sa report ng Fighthype.com, nagkakahalaga ang Section row E ng $64,689 o P2.8-million na siyang pinakamalapit na upuan sa tabi ng ring.
Ang average ticket price naman para sa Pacquiao-Mayweather fight ay $10,506.41 o P465,000 na mas mataas pa sa presyo ng Super Bowl event kamakailan.
Una ng sinabi ni Top Rank promoter Bob Arum na tataasan ang halaga ng tickets sa manonood ng live sa Mayo 2 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.
Para lamang makapasok sa 16,800 seat ng MGM Grand, kinakailangan ng $1,000 o P43,000 para makakuha lamang ng general admission ticket habang ang ringside ticket’s face value ay nasa $5,000 o P215,000.
Inaasahang kikita ng $400-million ang mega fight ng Pinoy ring icon at pound-for-pound king. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment