AABOT sa halagang P67-milyong pekeng Bulgari, Chanel at Barberry products ang nasamsam ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang raid sa dalawang shopping malls sa Binondo, Maynila.
Ayon sa post operation report ng NBI Intellectual Property Rights Division, kabilang sa mga sinalakay ay ang 999 at 168 Shopping Malls na pawang nasa Binondo, Maynila at ilang stalls sa Plaza Miranda Shopping Malls sa Quiapo, Maynila.
Isinagawa ang raid sa bisa ng inisyung search warrants ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 46 Presiding Judge Rainelda Estacio-Montesa.
Ang pagsalakay ay ginawa ng NBI base sa reklamo ni See Hock Heng na ibinebenta umano sa mga naturang malls ang mga pekeng produkto.
Patuloy na nangangalap ng karagdagang ebidensya ang NBi at nahaharap rin sa kasong paglabag sa RA 8293 ang mga may-ari ng mga establisimyentong sinalakay. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment