BAGAMA’T tinanggap ni Gov. Joey Salceda ang paghingi ng paumanhin ni Xian Lim ay hindi pa roon nagtatapos. May kondisyon pa na kailangan daw ay mag-ala Amazing Race at umakyat sa Mayon, magpakuha ng picture na giniginaw. Kung sincere raw ito sa paghingi ng sorry, dapat daw ay may penance rin.
Nabasa namin ang 12 ipagagawa sa aktor para lubusan siyang mapatawad. OA ang una naming reaksyon pero naiintindihan naman namin na kailangan ding maging pamilyar si Xian sa kultura at magagandang tanawin sa Albay, lalo’t sinasabi niya na Bicolano rin ang kanyang ama. Pag ginawa niya ‘yun, isipin na lang niyang nag-travel siya sa Albay at nagpunta roon para mag-enjoy.
Sinasabi ng tagapagtanggol ni Xian, gamit na gamit na siya sa isyu at parang pinalalaki pa samantalang nag-sorry na. Magsilbing aral ‘yan sa actor na next time ‘wag siyang gagawa ng butas o mitsa para pagpistahan siya at maiskandalo.
-0o0-
Halos magiba ang Activity Center ng Market Market nang magkaroon ng meet and greet si Daniel Padilla nu’ng Linggo para sa Lily’s Peanut Butterific University Fun Day. Ibang klase ang mga fans niya pagdating sa hiyawan at pagkilig, Hindi namin mawari kung bakit nag-iiyakan ang ilang mga bagets habang pinapanood siya.
Siya lang talaga ang Teen King dahil hindi naman ganyan kagrabe ang pagtanggap ‘pag lumalabas sa entablado sina Enrique Gil, James Reid, Jake Vargas, etc.
Kasabay nito ay ang cook-off kasama ang dalawang celebrity Chefs na sina Victor Neri at Boy Logro na kung saan ay limang school ang naglaban-laban para sa dalawang cooking rounds. Kailangan nilang makagawa ng malinamnam at orihinal na lutuin na gamit ang mga Lily’s Products.
-0o0-
Tama lang naman ang desisyon ni Kris Aquino na wag tumakbo sa politics sa 2016.
Sa mga pinagdaraanan ngayon ng kapatid niya bilang Presidente, gaganahan pa ba siya na pasukin ang magulong larangang ito?
Bilib din kami kay Kris na mga anak niya ang kanyang priority. Lalo na raw ngayon na magpapakasal na ang yaya ni Bimby. Gusto niya nakalaan ang oras niya sa adjustment period na kung saan ay wala na ang nakalakihang yaya ni Bimby.
Eh, ‘di wow!
-0o0-
Pinagpistahan sa social media at naging blind item ang actor na nagprodyus ng pelikula pero ‘di nababayaran diumano ang production staff and crew.
Lumantad na si Diether Ocampo at hindi naman niya tinatakbuhan ang kanyang pagkukulang.
Sa statement ni Diet sa programang ‘The Buzz’:
“As the executive producer of Tandem En tertainment, I take full responsibility. There are matters beyond my control that led to this predicament. I will never run away from my responsibilities,” he said.
“I treasure the people behind the project and I would not allow them to suffer. I assure the staff that I will give them what is due them.”
Maraming espekulasyon ang naglalabasan sa isyung ito na milyon diumano ang kailangang bayaran ng production. Pero ang importante ay magse-set siya ng meeting sa staff para maayos ang problema.
Nagkakaroon din ng alingasngas na hindi maganda ang kalusugan ng actor kaya nagkakaganyan at nangangayayat daw. Dapat siguro ay magpakita sa publiko si Diet para matigil na ang tsismis na meron siyang sakit. XPOSED/ROLDAN CASTRO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment