Sunday, February 1, 2015

HORTI-KULTURA EXTRAVAGANZA 2015

KABILANG sa mga pumarada sa pagdiriwang ng Horti-Kultura Extravaganza 2015 sa Quezon City ang karosang nagpapakita sa proyektong pangkabuhayan ni Sen. Cynthia A. Villar na nagmula sa waterlily, plastic wastes at coconet. Nakasulat sa magkabilang bahagi ng karosa ang “Hanep Buhay Program of Senator Cynthia A. Villar.” Sa kanyang pananalita bilang Guest Speaker sa pagdiriwang, tinalakay ni Villar, chair of the Senate Agriculture committee, ang ‘entrepreneurial opportunities’ sa industrya ng Horti-Kultura. Kilalang tagapagsulong ng entrepreneurship, dinadala niya ang kanyang mga proyektong pangkabuhayan sa iba’t ibang panig ng kapuluan para makatulong na maibsan ang kahirapan ng mahihirap nating kababayan. CESAR MORALES


.. Continue: Remate.ph (source)



HORTI-KULTURA EXTRAVAGANZA 2015


No comments:

Post a Comment