MAGRERETIRO ngayong araw si Commission on Elections (COMELEC) Chairman Sixto Brillantes Jr. at dalawang commissioners.
Nakatakda na ring bumaba sa pwesto sina Commissioners Lucenito Tagle at Elias Yusoph matapos ang pitong taong panunungkulan.
Dahil dito, apat na commissioners na lamang ang natitira para pangunahan ang preparasyon ng May 2016 presidential elections.
Bago bumaba sa pwesto, siniguro naman ni Brillantes sa publiko na hindi madidiskaril ang plano ng COMELEC para sa halalan kahit apat na commissioners na lamang ang natira.
Sa ngayon in-appoint ni Commissioners Al ParreƱo, Arthur Lim at Luie Guiabilang bilang acting chairman si Christian Robert.
Hihintayin muna nila ang desisyon ng Pangulong Benigno Aquino III kung sino ang papalit kay Brillantes. Marjorie Dacoro
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment